Episode 7: Kiss

5.7K 171 59
                                    

NANG buksan na ng Presidente ang malaking pinto, tahimik kaming pumasok sa loob. Doon ay bumungad sa amin ang red carpet. Sa itaas ay may malaki at mukhang mamahaling chandelier. Walls are wooden. Malawak ang space ng buong kwarto. Walang laman kung hindi ang mga upuan na nakalagay sa gilid.

Pero isa lang ang nakatawag ng pansin ko—ang gitna ng buong kwarto. Doon ay may isang logo. May nakasulat doon na Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas. Pinapagitnaan iyon ng dalawang flags. Ang isa ay ang pambansang watawat ng Pilipinas. The other one is that flag called Flag of the President of the Philippines.

Swear, my eyes are dilating right now. Para ba akong na-startruck. Sa TV ko lang kasi ito napapanood! I can't believe na nandito na talaga ako! Nalanghap ko na rin ang hangin na minsan na ring nalanghap ng mga bumisitang mahalagang government officials ng buong mundo rito!

"Saan mo gustong pumwesto?" Nawala lang ako sa pag-fangirl ko nang magsalita ang Presidente. Ngayon ay seryoso pa rin siya. Nakakapanibago talaga.

"Maybe, there would be good," tinuro ko ang gilid namin. Sa pwestong iyon ay paniguradong matatanaw sa camera ang logo ng Office of the President.

"Alright," he only nodded before he walked towards the chairs. Walang hirap niyang binuhat sa dalawang kamay ang mga upuan. Inilapag niya iyon sa pwesto kung saan ko itinuro.

Matapos niyon ay agad kong itinayo ang tripod. Iniharap ko na ang camera sa harap ng mga upuan. I made sure that the camera is professionally angled at the logo. Sinugurado kong kapag umupo ang Presidente sa upuan, nasa gilid niya lang iyon.

In-on ko na iyon bago muling bumalik sa Presidente.

"You may sit now," God, even his voice is dry! Hindi ko alam pero bakit parang nakakatakot naman yata kapag ganiyan siya?! Pero naisip ko rin, mas mabuti na yata ito keysa landiin niya ako.

Napapalunok na lang akong umupo sa upuan sa kanyang harap.

"Okay na ba 'tong suot ko? Should I change it?" he asked while directing me a gaze.

I raked my eyes at his body. I shooked my head, "it's fine. Ibotones mo na lang po iyang polo mo."

The last thing I want is people focusing on his broad chest and not on my interview. Knowing them, they are effin thirsty to see his body. Ang isa kasing ito, kadalasan ay shirtless pictures ang mayroon sa Instagram bago naging Presidente. Bagama't nabura na niya bago siya tumakbo sa pwesto, hindi pa rin iyon nakalagpas sa publiko dahil marami pa rin ang nakapag-save ng mga iyon.

He only nodded. Nagsimula na siyang ibotones ang kanyang polo. I really had to turn my gaze away. Naalala ko na naman kasi iyong view niya sa condo kagabi. Argh!

"Done," came by his hoarse voice.

"Shall we start the interview now?"

When he nodded, I took a deep breath. Kinalma ko ang sarili ko bago tuluyang ngumiti sa seryosong mukha ng Presidente.

I will never mess this up. As I should.

"Mr. President, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo ng exclusive interview para sa VCB Channel."

"My pleasure," his neutral face is still cemented. It was full of authority. I will be honest, I was quite intimidated.

"First, let's start with your background." I continued smiling, "you are the only son of one of the wealthiest businessman of the Philippines. Your mother also succeeded with her cosmetic products. Ang pamilya mo ay kilala sa larangan ng business side. What made you enter politics instead?"

Ito ang tanong na sinimulan ko. Magandang magsimula muna sa casual talk, kumbaga parang pagkain lang iyan sa mamahaling restaurant. Appetizer muna bago ang main dish.

The President's Paramore Where stories live. Discover now