01.

384 22 1
                                    

"OMG! Ito na! Premiering na 'yong bagong
music video ng Atlantis!" Napairap na lang si Ezra at hindi pinansin ang kaibigang nagtititili sa kilig.

"Uy! Hala, hindi namamansin," kinalabit siya ng kaibigang si Alyssa nang mapagtantong hindi siya namansin. Nanatiling tahimik si Ezra at hindi pinapansin ang kaibigan.

"Aly naman, alam naming kinikilig ka kasi maririnig mo ang bagong kanta nila Jayzee pero, si Ezra... alam mo naman 'di ba?" Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Aly sa sinabi ng kaibigan nilang si Liezel na galing sa kusina at pinagtimpla sila ng juice. Kasunod nito ang isa pa nilang kaibigang si Crisalyn na may dalang pagkain para sa kanila.

Ezra just sighed boredly while hearing their conversation. Wala na nga siyang gana mula paggising, nadagdagan pa ang dahilan ng kawalan niya ng gana.

"Sorry, Ezra! I was insensitive!" Agad yumakap sa kaniya si Aly at humalik sa pisngi niya.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Boyfriend mo si Jayzee na myembro ng grupong 'yon kaya mababanggit at mababanggit mo talaga kahit anong gawin natin," Ezra turned to Aly and patted her cheeks. "It's fine, bebe Aly. Naka-move on naman na ako," sabi niya sa kaibigan.

Liezel watches the both of them and she can't help but feel bad while looking at Ezra who's hugging Alyssa. Alam niya kasi na isa siya sa dahilan kaya nasaktan si Ezra. Hindi siya ang nanakit dito pero, parte siya roon.

Crisalyn watches how Liezel looks at Ezra. Napabuntonghininga siya sa sarili dahil alam niyang sinisisi na naman ni Liezel ang sarili. Tinapik niya ang kaibigan na tiningnan siya at mukhang naiintindihan nito ang gusto niyang iparating.

Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan.

Liezel sighed and stares at Ezra.

'Hindi bale, nandito naman kaming mga kaibigan niya habang pinagdadaanan niya ang sakit na 'yan. Dito ako babawi sa kaniya,' ani Liezel sa isipan at tumayo para makisali sa yakapan ng dalawa. Crisalyn joins them.

Ezra sighs as she hugs her friends who never failed to be there for her. Iwan na siya ng lahat, 'wag lang ng mga kaibigan niya kasi sila na lang ang meron siya.

Kinagabihan, nang matapos silang kumain ay nagkaniya-kaniya silang pasok sa kwarto nila. Si Aly ay balak pakinggan ang bagong album na ni-release ng bandang Atlantis kung saan myembro ang boyfriend nitong si Jayzee. Liezel is probably busy with her drafts in her room. Crisalyn will watch movies in her room.

Siya, nasa kwarto lang at dahil mag-isa, punong-puno na naman ang isip niya.

She remembered the group. The group where Alyssa's boyfriend, Jayzee belongs. The group where the man she never wanted to see again belongs.

Atlantis... A five-member group who's very popular these days. They're like the group that every girls admire. They're like those famous Korean boyband but, theirs are purely Pinoy music. May main dancer, main rapper, main vocalist na mga posisyon. Hindi rin naman maikakaila na gwapo at mga talentado ang mga myembro no'n.

Oh, hindi pala lahat... 'yong isa kasi doon, hindi talentado kundi tarantado.

How long has it been since the group debuted? 2 years? 3? She lost count. Basta ang alam ni Ezra ay matagal na ang lumipas pero, masakit pa rin sa kaniya ang lahat. Matagal na ang lumipas, sikat na ito at masakit man isipin pero, siguradong kinalimutan na siya.

Kinalimutan na siguro nito ang pag-iwan sa kaniya sa ere.

Sariwa pa rin para sa kaniya ang sugat na iniwan ng isang myembro ng grupong 'yon. Hindi niya makalimutan at natatanga na lang siya dahil nagsayang siya ng oras sa taong 'yon.

Ezra grunted in annoyance and slaps her cheek. "Ano ba! Akala ko ba naka-move on ka na? Alisin mo na sa isip mo 'yong tarantadong 'yon!" Aniya sa sarili at tumagilid para kunin ang cellphone niya.

She opened her mobile data and decided to spend her time surfing the net but, her annoyance increased.

Nakalimutan niyang comeback nga pala ng grupo kaya puro mukha na naman niya ang nasa newsfeed ni Ezra. Sad.

"Hanggang sa newsfeed ba naman ng nananahimik kong facebook account, siya pa rin ang laman?" She asked while looking at her screen. Natawa na lang siya nang mahina habang nakatingin sa litrato sa isang post na tungkol sa taong 'yon.

"Putangina mo, Roi Niccolo."

.

"ARAY!" Napatingin ang apat na myembro ng banda kay Roi nang bigla itong dumaing.

"Bakit, par? Napano ka?" Tanong ni Deiv na siyang pinakamatanda sa grupo nila.

"Nakagat ko dila ko," nakasimangot na sagot ni Roi.

Ang pinakabatang si Ruiz ay iniabot kay Roi ang hawak niyang ice cream. "Gusto mo, kuys? Ibibigay ko na lang sa 'yo ito kasi baka gutom ka kaya pati dila mo, kinakagat mo na," aniya na ikinatawa nila maliban kay Roi na napasimangot pa lalo.

"Sa 'yo na 'yan. Kulang pa sa 'yo 'yang isang mangkok eh," aniya at sumandal sa sofa na inuupuan nila.

"Ru, 'wag masiyadong mag-ice cream. Sibrang lamig niyan oh. May schedule tayo bukas," saway ng leader nila na si Bench.

"Ayan, lamon pa," asar naman ni Jayzee na ngayon lang nagsalita dahil abala ito sa cellphone nito.

Binalingan siya ni Ruiz. "Sus, porket may girlfriend. What if i-ship ko siya kay Roi?"

"No way!"

"Shut up, Ru!"

Nanlaki ang mata ni Ruiz dahil sa sabay na pagsigaw ni Jayzee at Roi. Si Jayzee ay halatang naasar sa sinabi nito. Si Roi... hindi niya alam kung bakit nakasimangot si Roi.

"Hey, chill. Grabe makasigaw ah," ani Deiv at natatawang tinapik sa balikat ang bunso. "'Wag mo kasing idamay si Aly sa mga ship mo na 'yan. Alam mo naman 'yang si Jayzee..." Aniya sa bunso at tumingin kay Roi habang may ngisi.

"'Wag mo ring i-ship si Roi sa iba, taken na 'yan eh," aniya.

"What?! May girlfriend si Kuys Roi?!"

Gulat na nakatingin si Ruiz kay Deiv habang si Bench naman ay pailing iling nalang. Si Jayzee naman ay natawa nang bahagya habang si Roi ay bahagyang natahimik.

"Uy, kuys! Ano nga? May girlfriend siya? Bakit hindi ko alam? Unfair!" Pagmamaktol ni Ruiz at humalukipkip na parang bata.

Bench chuckled and stood up. "Magsitulog na nga kayo. Kapag tayo nahuli ni Manager na gising pa, lagot na naman tayo. May press conference pa tayong pupuntahan bukas," aniya at isa-isang tinapik ang mga kamyembro. "Tulog na, mga nilalang," aniya.

Agad sumunod si Deiv at sumaludo sa kanila bago tumungo sa kwarto nito. Si Jayzee naman ay tahimik na sumunod habang hawak ang cellphone niya habang si Ruiz ay nakasimangot pa rin at nakatingin kay Roi na tumayo na.

"Ru, tara na. Matulog na," ani Bench nang mapansing hindi tumatayo ang bunso.

"May girlfriend nga si Kuys Roi? Legit ba?" Tanong niya at napailing na lamang si Bench dahil sa kakulitan ng bunso. Gustuhin niya mang sagutin pero, magiging insensitive siya lalo at nandoon pa rin si Roi.

"Halika na," ani Bench at hinila na si Ruiz na wala na ring nagawa dahil ang leader na ang nagsabi.

"Good night, par. Tulog ka na rin," sabi ni Bench at nilagpasan na siya habang hila si Ruiz.

Naiwan si Roi na nakatayo sa gitna ng sala at unti-unti ay natawa nang mahina.

"Taken?" He whispered and shook his head. "Sana nga..." Kung hindi lang siya nagkamali.

Kung hindi lang siya nagkamali, edi sana taken pa nga siya.

A/N: Don't mind the 'kuys', hindi po typo 'yan. Sinadya ko pong ganyan ang tawag ni Ruiz sa kanila. Thanks!

BoundlessWhere stories live. Discover now