25.

86 14 1
                                    

TIME FLIES SO FAST and it's the D-day. Atlantis' concert will be held today. Madaling araw pa lang, nasa venue na kaagad ang mga tagahanga na excited mapanood at makita ang kanilang mga idolo.

At the dressing room, Ezra could feel the nervousness of the people around her. Abalang-abala ang mga ito sa trabaho at maging siya ay natataranta din.

Sinulyapan niya si Roi na nakaupo sa may sofa doon at naghihintay na lang na maayusan siya. Walang pagdadalawang-isip niyang nilapitan ang lalaki at tumabi dito.

Roi tore his gaze away from his phone and immediately looks at her. Nagtataka man siya kung bakit tumabi sa kaniya si Ezra, hindi na siya nagtanong.

Gusto rin naman niya eh.

"Kinakabahan ka?" tanong sa kaniya ni Ezra at sinulyapan siya. Roi took a deep breath and gave her a smile.

"Konti. Sobrang kulang ang time ko sa pagre-rehearse dahil sa injury kaya kinakabahan ako at baka magkamali ako," natatawang sagot ni Roi.

Bahagya namang natawa si Ezra. "Hindi 'yan. Alam kong hindi mo bibiguin ang mga fans niyo at ang mga ka-grupo mo. Naniniwala kami sa kakayahan mo... naniniwala ako sa kakayahan mo," sabi ni Ezra sa kaniya at naramdaman ni Roi ang kagustuhang ngumiti.

"Roi, ayusan na kita!" The make-up artists shouts. Tinapik muli ni Ezra ang balikat ni Roi at sinenyasan itong tumungo na doon. Sumunod naman kaagad si Roi at naupo sa upuan doon.

Habang inaayusan siya, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Ezra sa kaniya.

Naniniwala siya sa kakayahan ko. After what I did to her before, she still believes in me. How can I not love her for that?

"Mukhang puno na naman ang arena ngayon, mayroon pang mga tao sa labas na hindi nakapasok. Trending na naman kayo niyan panigurado," sabi ng isang staff nila.

Bench smiled slightly. "We're not aiming for fame. Alam niyo naman na gusto naming nagko-concert para makita ang fans. Swertehan na lang kung mag-trending," sagot nito.

Ezra who heared what the leader said, smiled in her own. She could feel her heart warming. Hindi na talaga siya magtataka kung mahal na mahal ang mga tao ang grupo. Sabihin man ng iba na puro sila papogi lang, walang talento o pasikat lang pero, alam ni Ezra at ng mga taong naniniwala sa grupo na mas higit pa sila doon.

One more hour passed, it's now their time to perform. Nakabihis na ang limang lalaki at inaayos ang mga mikropono nito. Kaniya-kaniya ring asikaso ang mga assistant nila sa kanilang lima.

Ezra was busy fixing Roi's tie when she noticed his stares at her. Napatingala siya at nasalubong ang mata ng binata.

Instantly, Roi's lips formed a smile. "Nawala na 'yong kaba ko," sabi ng binata sa marahang boses.

Napaiwas si Ezra ng tingin at napangiti na lang din bago, itinuloy ang pag-aayos sa kwelyo at neck-tie ni Roi.

"Mabuti naman," sabi nito sa binata. "Ayan, maayos na," bulong niya bago ngumiti.

The two of them seems to have their own world. Para silang walang pakialam sa mga taong naroon sa paligid nila. Napapailing na lang ang mga kamyembro ni Roi.

"Ang sarap pag-untugin ng dalawang 'yan. Halata namang mahal pa ang isa't-isa," natatawang sabi ni Deiv habang katabi nito si Angel.

Inilabas ni Ruiz ang cellphone niya at itinapat kay Roi at Ezra na magkaharap pa rin pero, wala namang pinag-uusapan. Nagtititigan lang. Kinunan niya ng litrato ang dalawa at napahagikhik siya bago ipinakita kay Jayzee ang kinuha niyang picture.

"Sana all," sabi ni Jayzee at sumimangot.

Pumasok si Manager Ree at nakita ang ganap sa loob. Hahakbang na dapat siya para sabihan ang grupo na lumabas na nang makatanggap siya ng text message.

BoundlessWhere stories live. Discover now