31.

83 11 1
                                    

THE GAME THEY PLAYED is the popular Pinoy Henyo game. Hindi alam ni Ezra kung paano aakto lalo pa't magkakampi sila ni Roi. Nang magkampihan kasi sa pamamagitan ng bato-bato pick ay pareho silang naggunting ni Roi kaya ayon, magkakampi sila.

"Para malaman niyo kung sino ang mauunang maglaro, mag-maiba taya muna ang tatlong representative ng bawat grupo. Kung sino ang maiiba, sila ang mauuna. Sa naiwang dalawa naman, isang bagsak ng bato-bato pick lang tapos, kung sino ang matalo, sila ang pangalawa," paliwanag ng direktor.

"Ako na sa amin," sabi ni Ruiz na kagrupo ni Jayzee. Pumunta ito sa unahan at sumunod si Bench na kagrupo naman si Deiv.

Si Ezra at Roi ay hindi pa rin alam kung sino ang aabante. Hindi kasi sila nag-uusap dahil nagkakailangan pa.

"Sino sa inyo, Roi?" tanong ni Deiv sa kanila. Bumuntonghininga si Roi bago bumaling kay Ezra.

"Ako na lang," sabi nito habang nakatitig sa mata ng dalaga. Panandalian lang 'yon dahil naglakad agad papunta sa unahan si Roi.

"Maiba una!" sabi ni Ruiz at agad nilang tiningnan ang naiibang kamay. "Uy! Una kayo, Kuys Bench!" sabi nito.

Nagbato-bato pick naman si Ruiz at Roi at nang manalo si Roi ay otomatiko nang panghuli sila. Sunod sila Ruiz at Jayzee kay Bench at Deiv.

Umabante na kaagad si Deiv na siyang kakampi ni Bench. Lumapit si Angel na dala-dala ang isang helmet na may nakadikit na papel para mailagay ng maayos sa ulo ni Bench na siyang manghuhula. Humarap si Bench sa camera at ipinakita ang salitang huhulaan niya.

William Shakespeare

Natawa ang iba nang mabasa ang nakasulat sa papel.

"Grabe naman 'yan!" sabi ni Jayzee habang tumatawa. Hindi rin maiwasan ni Ezra na matawa.

'Sana hindi mahirap ang ipapahula sa amin,' aniya sa isipan.

"1 minute lang ang time limit niyan," sabi ng direktor.

Naupo sa monoblock chair ang dalawa at nagsimula na sa laro nila.

"Tao?" Bench asked. Agad na tumango si Deiv.

"Pangalan ng tao?"

"Oo!"

"Artista?" Umiling si Deiv. "Politician?" Muling umiling si Deiv sa kaniya. "Bayani?" Umiling muli si Deiv. "Singer?"

"Hindi, par!"

"Hmm, philosopher?"

"Hmm, hindi!"

"Lalaki ba ito?"

"Yes na yes!"

"Filipino?" Umiling si Deiv.

"International? Of course, international," sabi ni Bench at natawa pa. Napailing nalang siya bago nag-isip.

"30 seconds," sabi ng direktor.

"Sino ito? Hindi sa Pilipinas?"

"Hindi po, lods!"

"20 seconds."

Natataranta na si Deiv at panay ang hampas ng kamay sa hita niya. Si Bench naman ay wala nang maisip na sagot. Hindi artista, hindi singer, hindi politician, hindi bayani, hindi philosopher, eh ano?

"Time's up!"

Agad na hinubad ni Bench ang helmet na suot at tiningnan ang nakasulat. Napaawang ang labi nito nang makita ang nakasulat.

"William Shakespeare? Ang hirap naman!" reklamo ni Bench at sumimangot pa pero, tinawanan lang siya ng mga kaibigan.

"Sunod na si Ruiz at Jayzee," sabi ng direktor. Muling lumapit si Angel at isinuot ang helmet kay Jayzee na siyang tagahula. Humarap din ito sa camera para ipakita ang salitang huhulaan.

Pomeranian

Naupo na silang dalawa at muling pinaalala ng direktor ang time limit bago ito humudyat ng simula ng laro.

"Tao ba ito?" tanong ni Jayzee.

"Hindi, kuys," sagot ni Ruiz.

"Hmm, pagkain?" Umiling si Ruiz. "Lugar?" Muling umiling si Ruiz. "Hayop?"

"Oo, kuys!"

"P'wedeng alagaan?"

"Yes!"

"Aso?"

Nakangiting tumango si Ruiz. "Oo, kuys!"

"Breed ng aso?" Muling tumango si Ruiz at halata na ang excitement sa mukha.

"Husky?" No. "German Shepherd?" Hindi pa rin. "Bulldog?" Umiling ulit si Ruiz. "Shih tzu?" Humindi na naman si Ruiz. "Ano ito? Labrador?"

"Hindi, kuys!"

"Uhm, pomeranian?"

"Oo!"

Napatayo si Ruiz at napasuntok sa hangin sa tuwa nang mahulaan ni Jayzee ang salita. Agad tinanggal ni Jayzee ang helmet na suot at tiningnan ang salita. Napatalon din ito sa tuwa nang makitang tama ang nahulaan niya.

"Time to beat ng huling team, 55 seconds," sabi ng direktor nila.

Naramdaman na ni Ezra ang kaba nang sila na ang maglalaro. Huminga siya nang malalim bago nilingon si Roi na kanina pa siya tinitingnan.

"Calm down, we'll win this," bulong ni Roi sa kaniya at hindi ipinahalata sa camera. Lumapit si Angel kay Ezra at sinuot ang helmet dito.

Pinigil ng mga kasama nila ang pangangatyaw nang makita ng salitang huhulaan. Nahihiyang tumapat si Ezra sa camera para ipakita ang salita.

"Again, time to beat ay 55 seconds. Go!"

"Uhm, tao?"

Roi nodded at her. "Oo."

"Bayani?"

"Nope."

"Artista?"

"Hindi."

"Singer?" Tumango kaagad si Roi. "Filipino?" Muling tumango si Roi sa kaniya.

Kinakabahan si Ezra pero, nang makita niya ang pagtango sa kaniya ni Roi na parang sinasabing kaya niya 'yon, naibsan ang kaba niya. For some reason, the surroundings fade. She's only seeing Roi in front of her. She wants to ask him why didn't he come last night. Gusto niyang makausap ang lalaki.

Drown in her thought, she absentmindedly said his name.

"Roi Niccolo Kingston," aniya.

Napasinghap at napapalakpak ang mga kamyembro ni Roi nang tumama siya sa hula. Napakurap naman si Ezra at parang natauham. Nagtaka siya nang makitang nakangiti ang mga kaibigan ni Roi. Kahit si Roi mismo ay nakangiti na.

"Wala na, may nanalo na!" sigaw ni Deiv sa kanila.

"Tanggalin mo na 'yong helmet, panalo na kayo," sabi ni Jayzee sa kaniya kaya nagtataka niyang tinanggal ang helmet at nagulat siya nang makita ang salitang hinulaan niya.

Roi Niccolo Kingston

The shooting ended and they all had fun. Matapos ang laro nila, umalis na rin si Ezra sa harap ng camera at hinayaan ang lima na mag-usap doon para sa pagtatapos ng episode nila.

"Uy, ang galing niyo kanina! Ang bilis mong nahulaan 'yong word! 20 seconds, grabe!"

Nahihiyang napangiti si Ezra. Hindi niya rin naman inaasahan 'yon. Malay ba niyang Roi Niccolo Kingston pala ang salitang huhulaan niya.

Pitik sa noo lang ang naging punishment ng mga natalo at matapos noon ay tapos na rin ang shooting nila. Agad na nagpalakpakan at nagpasalamat sila sa mga staff.

Akmang lalapitan ni Ezra si Roi para kausapin nang marinig nito ang boses ni Manager Ree na nagpatigil sa kaniya.

"Roi, come here. Someone wants to see you," sabi ni Manager Ree kaya napalingon siya doon at nakita niya ang pamilyar na lalaking naroon.

Her eyes widened seeing the man. Kaya pala pamilyar ito sa kaniya nang nakita niya ito kanina.

Tatay pala ni Roi ang nakita niya.

Boundlessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن