Special Chapter: ATLANTIS

110 6 0
                                    

Again, Happy Valentine's Day to all of you! Spend your Valentine's with your love ones; Friends, your family and someone special to you. Thank you for supporting Boundless until the end! This is the last special chapter! Thank you!

#ATLANTISWILLNEVERSINK

It was trending on social media platforms eversince the members performed on the orphanage for kids. Lahat ng tagahanga nila ay tuwang-tuwa na makitang magkakasama muli ang grupo at nagpe-perform.

It was Ezra's birthday and she requested for Roi to sing for her. Nagdesisyon din siya na sa orphanage mag-celebrate ng birthday niya dahil ito naman ang naging tahanan niya mula pagkabata. Ezra would never forget the place and the people who took care of her.

"Ezra! Maligayang kaarawan!" bati ni Sister Antonette sa kaniya nang makarating sila ni Roi doon. Agad yumakap si Ezra sa matanda.

"Salamat po!"

"Nako, lalo kang gumaganda, hija!" puna ng madre sa kaniya. Ezra blushed at the compliment.

"Ganiyan po kapag inaalagaan nang tama," Roi said and placed an arm around her shoulders. Ezra's eyes widened and she immediately hit his chest.

Si Sister Antonette ay nakangiti lang at tuwang-tuwa na pinapanood sila. Sa wakas ay magkasama muli silang dalawa. Sa wakas ay masaya na ulit si Ezra.

"Ay, siya nga po pala! May dala po kaming mga pagkain para sa mga bata. Dito po kasi namin pinlanong mag-celebrate ng birthday ni Ezra," sabi ni Roi.

"Gano'n ba? Oh sige! Sakto at dumalaw din dito si Lexus kasama ang asawa niya! Nako, kayo talaga, parang dati lang ay kayliit pa ninyo tapos, ngayon ay may mga asawa na kayo," sabi nito bago nagpaalam na magtatawag ng pwedeng tumulong.

Ezra and Roi prepared the long table for the foods. May iilang bata na tumulong sa kaniya habang ang mga batang maliliit ay tuwang-tuwa sa mga lobong nandoon.

Hindi mapawi ang kasiyahan sa puso ni Ezra habang pinapanood ang mga batang nakikipagtawanan kay Roi habang nagpapalobo sila ng mga lobo sa isang tabi.

She immediately took her phone and captured a photo. It's so precious that it melts her heart seeing the smile on their faces.

She could never ask for more.

.

"Dali, mga par! Baka galit na si Roi at ang tatagal niyong kumilos!" sermon ni Deiv sa mga kasama.

"Naneto, kung tumutulong ka kaya, 'no?" sarkastikong sabi ni Jayzee habang bitbit ang isang gitara sa balikat at sa kamay ay mga speaker na gagamitin nila.

"Kaya niyo na 'yan," sabi niya at akmang lalakad nang matigilan siya.

"Deiven, tutulong ka o hindi kita kakausapin?" It was Angel and she's already glaring at Deiv. Natawa ang mga nanonood nang makita ang pagputla ni Deiv.

"Ayan, gago ka kasi," sabi ni Bench.

"Ito na! Tutulong na. Nagbibiro lang naman ako, angel baby ko," sabi nito at kinuha ang bitbit na speaker ni Jayzee.

"Tara na at aayusin pa natin ito!" Liezel said and went inside. Nang makapasok sila sa orphanage, nakita nilang abala sa pag-aayos si Roi at Ezra kasama ang ilang bata.

"Kuys!" Ruiz called. Roi turned to look at them.

"Aayusin na namin ito do'n ah," paalam ni Crisalyn.

"Sige lang," sagot naman ni Roi.

Kaniya-kaniya sila ng gawaing pinagkakaabalahan. Ang mga bata ay nakikipaglaro na rin sa kanila kaya punong-puno sila ng tawanan at kulitan.

BoundlessWhere stories live. Discover now