19.

99 16 0
                                    

PANSAMANTALANG iniwan ni Ezra si Roi para bumaba at kunin ang gamit niya na ihahatid daw ni Crisalyn.

Malamig at malakas ang hangin sa labas at mukhang uulan pa dahil medyo pula ang langit. Sana lang ay hindi abutan ng ulan si Crisa.

She stares at nowhere while waiting for Crisa to show up. Naalala niya ang ganap kanina. Nagulat siya at nagtataka nang maalala ang lockscreen nito. Bakit lockscreen pa rin ng binata ang picture nilang dalawa?

She's confused and still wondering.

Nakatawag din naman siya kanina dahil inabot muli ni Roi sa kaniya ang cellphone at napansin niyang iba na ang lockscreen nito. He changed it into a plain black wallpaper.

She shrugged the slight disappointment and called her friend. Sinabi niya na bababa na lang siya para hintayin ito at hindi na umakyat pa.

"Ezra!" someone called her name and when she looks up, she saw a car in front of her. Naroon si Crisa na mukhang nagpahatid sa boyfriend niya.

Naglakad palapit si Ezra sa kotse at nginitian ang kaibigan. Binuksan ni Crisa ang pinto at lumabas ng kotse.

"Dala ko na 'yong damit at ilang gamit mo," sabi nito at binuksan ang pinto ng backseat. May inilabas itong bag at inabot sa kaniya na agad niyang kinuha at isinukbit sa balikat niya.

"Salamat, Crisa," nakangiting aniya sa kaibigan. Sinilip niya ang nasa loob ng kotse at tama nga ang hinala niya dahil naroon ang boyfriend ni Crisa. Agad niya itong nginitian at pinasalamatan din.

"Bukas ba uuwi ka na o hihintayin mo pang gumaling si Roi?" tanong ni Crisa habang nakasandal sila sa gilid ng kotse.

Napabuntonghininga si Ezra. "Baka hintayin ko na lang na gumaling siya pero, uuwi pa rin naman ako sa bahay. Sigurado naman ako na hindi lahat ng oras, walang kasama si Roi," sagot niya at tumingala. Tumingin siya sa bintana kung nasaan ang unit ni Roi at nakita niyang bukas pa ang ilaw sa kwarto nito.

What shocks her the most is when she saw Roi at his window, looking at her direction. Mukhang kanina pa naroon ang lalaki at nakasandal sa bintana.

Agad niyang kinuha ang phone niya para i-text si Roi. Wala naman silang masyadong text message. Ang una at huling message ni Roi ay ang message nito noong unang araw niya at na-late siya sa trabaho. Matapos noon ay wala na.

To: Sir Roi

Bakit nakatayo ka? Mahiga ka na at ipahinga ang binti mo.

She looks up and saw Roi looking at his phone. Mukhang nabasa na nito ang message niya. Ilang sandali pa, nakatanggap siya ng message.

From: Sir Roi

I can't sleep. Punta ka dito pagkatapos niyo mag-usap ng kaibigan mo.

"Is that Roi? Parang multo ang langya saka bakit nakatayo siya d'yan sa may bintana? Hindi ba sasakit ang binti niyan?" tanong ni Crisa. Ibinulsa ni Ezra ang cellphone at hinarap si Crisa.

"Hindi daw siya makatulog," sagot ni Ezra at nang humangin nang malakas at nakaramdam siya ng paunti-unting pagpatak ng ambon, nagdesisyon na siyang magpaalam kay Crisa.

"Baka abutan kayo ng ulan sa daan. Hindi pa kayo uuwi?" tanong niya.

Crisa smiled at her and went to hug her. "Uuwi na, hinatid lang naman namin 'yang gamit mo," ani Crisa.

"Salamat. Mag-iingat kayo pauwi, ha?"

Nagpaalam na ang dalawa sa kaniya at pinanood niya ang pag-alis ng kotse nito bago siya umakyat at bumalik sa unit.

Dumiretso siya sa kwarto ni Roi nang makapasok siya gaya ng sabi nito at naabutan niya doon ang lalaki na nakaupo na sa kama nito at mukhang naghihintay sa kaniya.

"Nandito na ako," sabi niya at inilapag ang bag sa maliit na sofa na naroon sa kwarto ni Roi. Tahimik lang si Roi at naramdaman niya na pinapanood nito ang galaw niya. Kabado man pero, nagpatuloy siya sa pagkuha ng damit pantulog. Simpleng shirt at shorts lang ang kinuha niya.

"P'wedeng gumamit ng banyo mo? Magbibihis lang ako ng pantulog," paalam niya kay Roi na nakatitig pa rin sa kaniya.

Nakalapat ang dalawang palad nito sa likod at nakatitig lang sa kaniya. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaki pero, kinakabahan siya dahil nakatitig ito sa kaniya.

"Roi," she called him.

Tumaas ang isang kilay ng binata. "Hmm?"

"P'wedeng makigamit ng banyo? Kung ayaw mo, sa may kusina na lang ako magbibihis. Ayos lang na—"

"Can you sleep beside me tonight?"

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ang lalaki habang nakatitig pa rin sa kaniya. Malamlam ang tingin sa kaniya ng lalaki at parang naghihintay ng reaksyon niya. Hindi niya pa rin alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito.

Hindi siya nakapagsalita at napatingin lang din sa lalaki. Roi sighs and looks away from her.

"I'm sorry. I shouldn't have asked that," mahinang sabi nito at sumulyap sa kaniya. "You can use the bathroom to change. I'm sorry for making you uncomfortable," sabi nito habang nakatungo at pinaglalaruan ang kamay.

Ezra felt a pinch on her heart. Roi looks defeated and she couldn't understand why she's hurting while looking at him like that.

Tumungo siya sa banyo pero, ang isip niya ang nasa binata pa rin na nasa labas lang ng banyo at mukhang malungkot.

Bakit ba gusto nitong makatabi siyang matulog?

Nagpalit siya ng damit at napahinga nang malalim nang maramdaman na napreskuhan ang katawan niya. She washed her face and brushed her teeth using her own toothbrush. Mabuti na lang at naisama ni Crisa ito sa bag niya.

Nang matapos ay lumabas siya at naabutan si Roi na nakahiga na. Nakatagilid ito at nakakumot, may yakap na unan at nakapikit na. She felt a tug in her heart while looking at him.

Umiling siya at inilapag ang madumi niyang damit sa tabi lang ng bag niya bago siya muling lumingon kay Roi na hindi niya alam kung tulog na ba o hindi.

She sighed in defeat.

Bahala na.

.

ROI OPENED HIS EYES when he felt the bed behind him dipped. Nang lumingon siya ay natigilan siya nang makita si Ezra na nakahiga at nakapikit.

Napatitig lang siya sa mukha ng dalaga at nakaramdam ng saya sa puso niya. Gumalaw siya para makahiga paharap sa dalaga. Wala na siyang pakialam kung mukha siyang timang na nakangiti habang nakatitig dito. 

He felt his heart bursting with joy looking at her. He never really changed. He's still that one guy who's head over heels for the girl beside him. He's still the guy who's hopelessly in love with a woman named Ezra Marie Crisanto.

Hindi niya namalayan na umangat na ang kamay niya at hinaplos ang mukha ng dalaga. He wants to cry while holding her, silently wishing that the time would slow down so, he'll have more time staring at her while she sleeps.

Can I have more time? I just want to admire her and feel her warmth beside me again. Please, give me more time.

He smiled when Ezra groaned in sleep.

She's fast asleep, huh? She must be tired.

Gumalaw ito paharap sa kaniya kaya magkaharap na sila ngayon. Nanatili ang kamay ni Roi sa pisngi ng dalaga at hinaplos ito.

Amusement filled his orbs when she suddenly snored.

"Cute," he whispered and gains his courage to move his face forward and plants a soft kiss on her forehead.

God, I miss her. Please, give me a chance to be with her again. I'll do everything to make things right. I'll do everything to bring her back in my arms again. God, I beg you.

BoundlessWhere stories live. Discover now