35.

90 11 3
                                    

"AYUN sila oh," turo ni Deiv nang makarating sila sa restobar na nasabi ni Aly. Mali pa nga ang typings nito dahil sa kalasingan pero, buti at nakuha nila kaagad.

Agad na lumapit si Roi kay Ezra na nakatungo na sa mesa. Si Liezel at Crisa ay nagdadaldalan na. Si Angel naman ay kumakanta pa.

"You're my angel... angel's burger, angel..."

Natigilan si Deiv nang marinig ang kinakanta ni Angel. "What the hell?" bulong niya bago natawa.

"Love? Tara, uwi na tayo," tawag ni Jayzee at bahagya pang tinapik ang pisngi ni Aly.

"Hm? Ikaw ba si Jayzee?" nakapikit na tanong ni Aly.

"Opo," nakangiti namang sagot ni Jayzee. Nagulat pa siya nang tumayo si Aly at yumakap sa kaniya.

"I love you!"

Napailing na lang si Roi habang pinapanood sila bago muling bumaling kay Ezra tulog na tulog na yata.

Hindi na siya nagdalawang-isip na itayo si Ezra. Binuhat niya ito at agad niya namang naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa leeg niya.

"Roi... hart hart..." bulong sa kaniya ni Ezra na ikinangiti niya. Mas nagsumiksik ito sa kaniya na ikinangiti niya.

Nang may lumapit na dalawang lalaki, nakilala kaagad ni Roi ang boyfriend ni Crisalyn. Ang isa naman ay nagpakilalang katrabaho ni Liezel kaya hinayaan na lang niya.

"Mga par, mauna na kayo. Pagkakapehin ko muna si Angel para mahimasmasan," sabi ni Deiv habang nakaalalay kay Angel paalis sa restobar.

"Ingat kayo," sabi ni Jayzee at bumaling kay Roi. "Malapit lang dito ang bahay nila Alyssa, walking distance lang," sabi nito sa kaniya.

"Doon silang magkakasamang nakatira? Akala ko sa condo?" tanong ni Roi nang maalala na magkakasamang nakatira ang apat mula pa noon.

"Nope, bahay lang ng pamilya ni Aly. Doon ko na lang muna dadalhin si Aly para makapagpahinga kaagad. Doon na lang din kaya kayo?" suhestiyon ni Jayzee.

"Hindi ba nakakahiya? Kayo na lang do'n, ihahatid ko si Ezra sa condo nila. Nauna na sila Crisa at Liezel," sabi ni Roi.

"Sigurado ka?" Tumango na lang si Roi bago nagpaalam. Tumungo siya sa tabing kalsada habang buhat pa rin si Ezra. Laking pasasalamat niya nang may pumarang tricycle kaya doon na sila sumakay.

Sinabi ni Roi ang address ng condo. Tanda niya pa naman 'yon dahil matagal nang nakatira si Ezra doon.

Nakasandal si Ezra sa balikat niya habang siya ay nakaakbay sa dalaga. Tumitig siya sa mukha nito at hindi napigilan ang pagpatak niya ng halik sa noo ni Ezra kahit pa naka-mask siya.

"If what you said is true then, I'm happy," bulong niya at niyakap ang dalaga na naramdaman niyang yumakap din sa kaniya.

Hindi mapigil ang saya ni Roi dahil sa wakas, nayakap niyang muli si Ezra. Hinding hindi na niya ito pakakawalan pa.

Nang makarating sa condo, agad siyang nagbayad. Pinapasok din naman sila ng guard nang makitang lasing si Ezra. Sinabi rin nito ang floor ng unit kaya dumiretso na doon si Roi.

Laking pasasalamat din niya nang nakitang bukas ang pinto ng unit at hindi na niya kailangan pang magtanong ng password. Wala rin naman siyang mapagtatanungan. Naabutan niyang nasa sala nakaupo si Yasko at si Drei na naghatid kay Liezel at Crisa.

Tumango siya sa mga ito bago dumiretso sa kwarto ni Ezra na agad niyang hanap dahil nakita niya ang pinto na kulay pula na siyang paboritong kulay ni Ezra. Hindi nga siya nagkamali dahil pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya ang mga picture frame ni Ezra.

BoundlessWhere stories live. Discover now