24.

97 12 0
                                    

ROI NICCOLO FELT COMPLETELY FINE. Nailalakad na niya nang maayos ang paa niya nang hindi nasasaktan at nagpaalam na agad siya na babalik na sa rehearsal dahil may isang buwan na lang sila para makapag-rehearse. Wala nang nagawa ang staff nang magpunta na si Roi sa studio. Masayang-masaya ang apat na makita ang binata at hindi na agad nila pinatagal ang pag-eensayo.

Naupo naman si Ezra sa dati niyang inuupuan kung saan naroon ang gamit ni Roi at ilang sandali pa ay lumapit na sa kaniya si Angel.

"Hello, 'te! Na-miss kita!" sabi nito at niyakap siya sa braso. Napangiti si Ezra at tinapik ang ulo ni Angel na isa na rin sa itinuturing niyang kaibigan.

"Na-miss ko rin dito. Kumusta pala 'yong rehearsals? Napapanood ko 'yong videos na sine-send kay Roi pero syempre, mas iba pa rin kapag live na napapanood," sabi niya.

Angel squealed delightedly. "Sobrang ganda! Ang lakas ng pakiramdam ko na magiging mindblowing at legendary 'yong magiging concert nila!"

Ezra smiled and turned to look at Roi. Seryosong nakikinig ang binata sa instruksyon ng choreographer nila na si Kobi. Nakapalibot din sa kaniya ang mga kamyembro at parang tinutulungan din siya sa kung anong gagawin.

Napasandal lang si Ezra habang pinapanood ang pag-eensayo nila. Natigil lang 'yon nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Agad niya 'yong kinuha sa bulsa niya at nakita ang text mula sa kaibigan niya.

From: Bebe Aly

Ezraaa! Available ka ba sa lunch? Lunch tayong apat mamaya kung p'wede ka!

Napatingin naman si Ezra kay Angel. "Uh, Angel?"

"Hmm? Bakit?"

"Okay lang ba na mamayang lunch, hindi ako dito kumain? Nagyayaya kasi 'yong mga kaibigan ko na mag-lunch kami nang sama-sama. Papayag kaya sila?" Nag-aalangang tanong niya kay Angel.

Mabilis na ngumiti si Angel. "Ayos lang 'yon. Papayagan ka niyan! Sigurado din ako na magha-halfday sila sa rehearsal para kay Roi," nakangiting sabi nito kaya napangiti na rin si Ezra bago nagpasalamat.

To: Bebe Aly

P'wede daw sabi ni Angel. Sama ako sa lunch mamaya.

Mabilis namang nag-reply si Aly.

From: Bebe Aly

Uy, isama mo rin daw si Angel!

She replied 'okay' before hiding her phone in her pocket. Muli siyang tumingin kay Angel at kinalabit ito.

"Sama ka mamaya sa lunch. Kasama ko sila Liezel," sabi niya sa dalaga.

Bahagya namang nanlaki ang mata ni Angel. "Uy, sure kayo? Hindi ba ako makakaistorbo?"

Natatawang umiling si Ezra. "Hindi, sila mismo ang nag-imbita sa 'yo kaya, 'wag kang mag-alala," aniya at tinapik ang balikat ni Angel na siyang napangiti.

"You became lively, Ezra," puna ni Angel na nagpatigil sa kaniya. Nakangiti pa rin sa kaniya si Angel at parang natutuwa rin ito na makita siyang nakatawa.

"Huh? A-anong..."

"No'ng mga unang araw mo dito, tahimik ka tapos, ilang ka sa mga tao pati na rin kay Roi. Napansin ko 'yon pero, ngayong bumalik na kayo dito matapos ang dalawang linggo, napansin ko na parang mas maaliwalas ang mukha mo kumpara noon," sabi niya habang nakangiti kay Ezra.

Hindi naman alam ni Ezra kung ano ang sasabihin dahil, nagulat siya sa narinig. Hindi niya inakala na may mapapansin sa kaniya na hindi niya napapansin sa sarili niya. May parte sa puso niya na alam ang dahilan ng pagbabago niya pero, may parteng gusto na i-deny 'yon.

BoundlessWhere stories live. Discover now