02.

159 16 0
                                    

MALAKAS NA kumalabog ang pinto na nagpagising kay Ezra. Napabalikwas siya ng bangon sa pag-aakalang may kung anong nagaganap.

Hindi pa niya tuluyang namumulat ang mata nang may tumapik sa kaniya.

"Bakit? Anong mayroon?" sabog pa siya dahil kakagising lang niya. Patuloy siyang tinatapik kaya napamulat na siya nang tuluyan. Nakita niya si Alyssa na nasa harapan niya, parang nagmamadali. "Bakit? Anong ganap?" tanong niya muli.

"Ezra! Hindi ka pa nag-aayos?!" gulantang na tanong ni Alyssa. Agad niyang hinila si Ezra patayo. "Ezra naman! Aalis tayo ngayon! Hindi p'wedeng hindi ka sasama! Maiiwan ka dito sa bahay kaya dapat sumama ka!"

Ezra groaned, wanting so bad to get back to sleep but, Aly isn't letting her.

"Ayoko..." aniya at pilit hinihila ang kamay niya pabalik pero, hindi binibitawan ni Aly ang kamay niya.

"Ezra, sama ka na, please?" Alyssa tried to convince her but, Ezra isn't flinching.

"Birthday ko ngayon," ani Alyssa at parang nagising ang buong diwa ni Ezra sa narinig. Napamulat siya at nakita si Aly na nakatingin sa kaniya. "Birthday ko ngayon, Ezra. Alam ko na magiging makasarili ako sa hihilingin ko ngayon pero, sana sumama ka sa amin. Ayaw lang namin nila Crisa at Liezel na maiwan ka dito."

Ezra sighed and grabbed her phone. Sinilip niya ang date doon at nakitang birthday nga ngayon ni Alyssa. May notification pa siya mula sa calendar niya na nagsasabing birthday nga ni Alyssa.

"Jayzee wants to celebrate with me but, they're busy. Ngayon na lang ang time na magkakasama kami kaya gusto kong um-attend sa presscon nila. Gusto ko nandoon ka rin para kumpleto tayo sa birthday ko," Alyssa mumbled.

Ezra stared at her, remembering the time when she promised Aly that she'll do whatever Aly wants as long as the latter is happy. Birthday ngayon ng kaibigan niya na tinuring niya na ring kapatid, humihiling ito na makasama siya sa kaarawan nito pero, hindi niya alam kung papayag ba siya.

He'll surely be there. Press conference ng grupo nila 'yon eh pero, nangako din siya kay Alyssa. Tiyak na makokonsensya lang siya kapag hindi siya tumupad.

Huminga nang malalim si Ezra at niyakap si Aly. "Happy birthday, bunso..." she greeted her and kissed Aly's cheeks. "I promised you that I'll do anything you wish as long as you're happy, right? Magiging masaya ka ba kapag pumayag akong sumama sa inyo?"

Aly nodded without hesitation. "Of course! Pero... ikaw ba? Magiging masaya kapag sumama ka? Makikita mo siya doon..." Aly pouted, realizing how selfish her wish is.

Ezra took a deep breath. "P'wede namang hindi ako magpakita sa kaniya, hindi ba? He'll probably not see me amidst the big crowd..." Ezra held Aly's hand. "As long as you're happy then, I'll be happy too."

Hinayaan ni Alyssa na makapag-ayos siya. Naligo siya nang makalabas ang kaibigan sa kwarto niya at nagbihis ng simpleng damit. Hinanap niya sa drawer niya ang shades at itim na mask at isinuot 'yon.

Hindi naman na siguro makikilala dito.

Humarap siya sa salamain at huminga nang malalim. "Para kay Aly," bulong niya nago lumabas ng kwarto, tinatanggap na ang kung anumang mangyayari.

Fans flock the presscon venue. Sa isang malaking mall ginanap ang presscon at pati na rin ang fanmeet na magaganap. It's for the promotion of their new album. Marami na ring taga-media ang naroon at naghihintay na lang sa paglabas ng grupo.

Ezra, Alyssa, Liezel and Crisalyn with her boyfriend arrived 30 minutes before the event starts. Akala ni Ezra ay mananatili sila sa likod pero, nagulat siya nang hilahin siya ni Alyssa patungo sa unahan. As in, sa pinakaunahan. Malapit sa stage kung nasaan ang lamesa at upuan na para sa grupo.

BoundlessWhere stories live. Discover now