07.

109 16 4
                                    

THE PROMOTION week has ended and Roi immediately got a text from his sister, asking him to fetch them at the airport. Nagpasama si Roi sa driver nila sa airport matapos magpaalam kay Bench na susunduin ang mga kapatid niya.

"Bro!" A female voice screamed and when he looked behind, he saw his two sisters running towards him. Agad siyang niyakap ng mga kapatid niya at kahit naka-mask at shades siya ay halatang nakangiti siya.

"Tara na sa sasakyan at baka may makakilala sa 'yo dito," ani Brylie. Agad namang sumang-ayon si Winna at Roi. Binuhat ni Roi ang maleta ng dalawang kapatid at agad tumulong sa kaniya ang driver nila. Inilagay nila ang mga gamit sa compartment ng sasakyan.

Silang tatlo ang naupo sa backseat. Siksikan sila doon pero, ayaw nilang maghiwa-hiwakay kaya napailing at natawa na lang ang driver nila bago ito nagsimulang magmaneho pabalik sa condo ng grupo.

Tinanggal ni Roi ang mask at shades niya bago sumandal sa upuan. Nilingon siya ng kapatid at napatalon sila nang sumaigaw bigla si Bry.

"Susmiyo! Roi Niccolo! Anong mukha 'yan? Bakit may dark circles ka sa mata, ha?"

Roi sighed. "Pagod lang. Kakatapos lang ng promotion period ng album," sagot nito. Agad namang lumapit si Winna at niyakap ang kapatid.

"Kawawa naman ang baby brother namin. Mukha nang panda dahil sa lowat," sabi nito at tinapik tapik pa ang ulo ni Roi na parang bata.

"Ate!" reklamo ni Roi na ikinatawa ng dalawa niyang kapatid.

Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng condo ni Roi, naunang lumabas si Bry, sumunod si Roi at panghuli si Winna. Dinala nila ang maleta nila at nagpaalam sa driver na papasok na sila.

"Uy, sakto pala! May pasalubong ako kay Ruiz! For sure, magugustuhan niya 'yong binili kong beanie!" excited na sabi ni Winna.

"'Yong totoo, ate? Sino ba talaga ang kapatid mo? Ako o si Ru?" nakasimangot si Roi pero halatang magbibiro ito.

"Ikaw pero, ano ka ba naman! Ang cute kaya ni Ruiz! Bias ko nga 'yon!"

Napailing na lang si Roi sa ate niya at binalingan ang isa pa niyang ate na tahimik lang.

"Kumusta date mo, 'te? Pasado ba?"

Brylie glance at him and glared. "Tsismoso ka," sabi nito na ikinatawa lang ni Roi. Inakbayan niya ang Ate Brylie niya at ginulo ang buhok nito.

"Nandiyan naman si Bench, sa'yong sa 'yo na para hindi na magsungi- oww!" Roi groaned when his sister elbowed his stomach.

What a sadist.

Nang makarating sa unit nila, agad niyang binuksan ang pinto at naabutan ang mga kamyembro niya na nanonood ng movie.

"Kuys Roi!" Ruiz was the first one to notice him and when he turned his head, Roi could see how Ruiz's eyes twinkled. "Ate Winona!" Sabi nito at yumakap sa babae.

"Winona ka d'yan! Ikaw ah! Buti na lang talaga at cute ka!" Ginulo ni Winna ang buhok ni Ruiz at may sarili na silang mundo roon kaya tumungo na si Roi sa mga kasama.

Bench stood up and Roi watches where he is going. Napangisi na lang siya nang mapansin ang paglapit ng leader nila kay Brylie.

"Sana all, nagpi-first move," sabi ni Jayzee at nang lingunin niya ay nahuli niyang nakatingin sa kaniya si Jayzee. "Ikaw, par? Kailan mo icha-chat si Ezra tapos sasabihin mong miss na miss mo siya?"

Agad binato ng unan ni Roi si Jayzee at nagrambulan na sila doon. Napatingin na lang sa kanila ang ibang mga kasama at napailing.

At moments like this, you'll think of them as a normal person. Hindi sila sikat, hindi sila 'yong grupong tinitilian ng nakararami. Iisipin mong isa lang silang grupo ng magkakaibigan na hobby ang magbardagulan at magrambulan.

Sa kalagitnaan ng kulitan nila, bumukas ang pinto ng condo at lahat sila ay nagtaka at nagulat nang makita ang P.A ni Roi na naroon.

"Jhanelle? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Roi.

Agad ngumiti si Jhanelle pero nang madako ang tingin kay Winna at Bry, napawi ang ngiti nito pero, agad siyang bumaling kay Roi at ngumiti.

"Ah, hi! Pumunta ako dito para dalhan kayo nitong niluto ko. Sobra kasi kaya naisip kong dalhan kayo. Since P.A naman ako ni Roi, naisip ko na dalhan kayo para hindi na kayo mahirapan magluto. Teka, kukuha ako ng plato," dire-diretsong sabi nito at hindi makapaniwalang pinanonood lang siya ng mga tao roon.

Maglalakad na sana patungong kusina ang assistant ni Roi nang magsalita si Winna.

"Excuse me, miss? Who are you?" tanong ni Winna. Napatigil si Jhanelle at masungit na tiningnan ito.

"I'm Roi's personal assistant. Ikaw, sino ka? Last time I heard, wala namang job hiring kaya sorry, miss. Umalis ka na lang dito dahil wala kang makukuhang trabaho dito."

Their jaw drops and Winna can felt her blood boiled in anger. Natulala lang din si Roi sa inasal ng assistant niya. Walang nagsalita sa kanila, si Bench ay humakbang palayo, ayaw makisali sa gulo.

Jhanelle's brow raised. "Ano pang hinihintay niyo? Alis na! Kapal ng mukha niyong pumasok dito sa condo ng Atlantis. Mga desperada ba kayong makahanap ng trabaho kaya nagbalak kayong mag-tresspass?"

'The audacity of this bitch', ani Bry sa isipan.

"Ah! Baka naman, fangirls kayo? Obsessed fangirls? 'Yong tipong nangsi-stalk tapos walang hiyang pupunta sa bahay ng idols nila tapos, manglalandi. Baka kayo 'yon?"

Roi's eyes widened in anger but, before he could scold his assistant, his sister beat him.

The loud slap in the face surrounds the whole room as Winna swings her hand and slap Jhanelle's cheek. Tumabi sa kaniya si Bry na halata rin ang gigil at inis.

"Kakauwi ko pa lang dito tapos, ganito na agad kabastos ang trato sa akin," mariing sabi ni Winna. Tiningnan niya nang masama ang babae at humakbang palapit.

"Miss Jhanelle, tama? Well, hindi bagay sa 'yo ang pangalan mo. Ganda ng pangalan mo pero, 'yang ugali mo, napakapanget!"

Bry nodded. "Isa pa, Miss Jhanelle, for your information, hindi kami aplikante o obsessed na fangirl gaya ng akusasyon mo," Brylie said.

"We're Roi's older sisters and how dare you to disrespect us and call us names?" Brylie added.

Nilingon naman ni Winna ang kapatid na kanina pa tahimik. "Roi, seriously? Who hired this unmannered bitch?"

Napabuntonghininga si Roi. "It's me, sorry. It's my fault for not checking enough," aniya.

Winna turned to Bench who's busy with his phone. "Bench, kindly call your manager. I have a complain," Winna said and Jhanelle paled.

Shit's about to come for her.

BoundlessWhere stories live. Discover now