38.

79 12 0
                                    

"PARE!" Napatigil si Roi sa paglalakad nang may humarang sa kaniya. Kakatapos lang niyang kausapin ang manager nila na wala naman palang mahalagang sasabihin at may humarang sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Roi nang namukhaan ang lalaki.

Ito 'yong lalaki sa orphanage ah. 'Yong naabutan kong kasama ni Ezra.

"Anong kailangan mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Roi. Gusto na niyang umalis dahil babalikan pa niya si Ezra.

"Si Ezra..." sabi nito na parang balisa na lalong ipinagtaka ni Roi.

"Ano? Anong mayroon sa girlfriend ko?" naiinip na tanong ni Roi.

"Girlfriend mo siya?" gulat na tanong ng lalaki. Natahimik ito pero, ilang segundo lang ay napailing. "Sandali! Si Ezra!" natatarantang sabi niya.

"Ano nga? Anong mayroon sa girlfriend ko?!" naiinis na tanong ni Roi. Hindi niya kasi alam kung bakit biglang sumulpot itong lalaking ito sa harapan niya tapos, kung ano-anong sinasabi, hindi pa tinutuloy.

"Kumalma ka nga! Ano bang sasabihin mo? Pupuntahan ko pa si Ezra," sabi ni Roi. Tumingin sa kaniya si Lexus at may itinuro. Tinuturo nito ang kalsada. Sinundan ni Roi ng tingin ang tinuturo nito pero, wala naman siyang nakita.

"Si Ezra kasi, nakita kong... nakita kong may humila sa kaniya," sabi nito na nagpalaki sa mata ni Roi.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Ezra, kakalabas lang niya doon sa banyo pero, may lalaking humila sa kaniya tapos, sinuntok 'yong tiyan niya! Nakita ko rin na tinakpan 'yong ilong niya ng panyo na sigurado akong may pampatulog tapos... tapos ayon, sinakay siya sa van! Hinabol ko pero, hindi ko naabutan dahil nakaalis na 'yong van!"

Parang tumigil ang paghinga ni Roi nang marinig ang sinabi ni Lexus. Hindi siya nagdalawang isip na takbuhin ang daan papunta sa banyo. Padabog niyang binuksan ang pintuan at nang makitang walang tao doon ay napamura siya.

"Kay Ezra ito." Nilingon niya ang nagsalitang si Lexus at nakita niyang may hawak itong keychain.

"Kay Ezra itong keychain. Natatandaan ko na binigay ito sa kaniya nung isang bata sa orphanage no'n. Nandoon ako kaya alam kong kay Ezra ito!"

Nanginginig man, humakbang si Roi palapit kay Lexus. "P-paano mo nasabing kay Ezra 'yan? Baka naman kapareho lang," sabi niya at pilit kinakalma ang sarili niya.

Nilingon siya ni Lexus. "Hindi, ang mismong batang nagbigay nito kay Ezra ang gumawa nitong keychain kaya sigurado akong nag-iisa lang ito."

Parang may kung anong tumapak sa puso ni Roi nang mapagtanto ang nangyayari. Ayaw niyang mag-isio ng negatibo pero, hindi niya mapigilan ang utak niya.

Marahas siyang lumingon kay Lexus at kinwelyuhan ito. "Bakit nandito ka? Hindi mo ba kasabwat 'yong kumuha kay Ezra?"

Nanlalaki ang mata ni Lexus habang umiiling. "Kalma, pare! Hindi ko kasabwat 'yon! Lalong hindi ako gagawa ng gano'ng bagay at hindi ko magagawa 'yon kay Ezra! Nagkataon lang na nandito ako dahil balak kong bisitahin itong lugar at kumuha ng litrato para sa asawa ko!" depensa niya.

Napabitaw naman sa hawak si Roi. "May asawa ka na?"

Humingang malalim si Lexus bago tumango. "Oo, fixed marriage. 'Wag kang mag-alala at hindi ko gusto si Ezra para ipakuha siya. Minahal ko ang babaeng pinakasal sa akin kaya wala kang dapat ipag-alala," sabi ni Lexus at tinapik ang balikat niya. "Tutulungan kitang mahanap si Ezra," sabi niya.

Napapikit si Roi bago huminga nang malalim.  "Pasensya na sa pang-aakusa ko. Nag-aalala lang talaga ko kay Ezra," sagot niya.

"Naiintindihan ko, pare," seryosong sabi ni Lexus.

Nagmadali silang umalis sa lugar at magkasamang bumalik sa condo ng grupo. Nang makapasok sila doon ay nakita ni Roi ang mga kaibigan na naglalaro ng baraha sa sala.

"Guys, kailangan ko ng tulong niyo," bungad ni Roi sa mga kaibigan na mukhang ngayon lang sila napansin.

"Nakakagulat ka, kuys!" reklamo ni Ruiz at nabaling ang tingin kay Lexus. "Ay, sino siya? Saka nasaan si Ezra?"

Mabilis na nilingon ni Roi si Lexus at inayang pumasok. Naupo sila sa sofa. Agad namang itinigil nila Bench, Deiv, Jayzee at Ruiz ang paglalaro nang mapansin ang seryosong ekspresyon ng dalawang bagong dating.

"What happened? Where's Ezra?" tanong ni Bench. Napapikit nang mariin si Roi at napahilamos ng mukha. Halos maiyak siya sa sobrang frustration pero, pinigil niya anh sarili niya.

Hindi ito oras para umiyak, Roi! Kailangan mong mahanap si Ezra!

"Someone got Ezra. I don't know who but, Lexus said that he saw Ezra got dragged to a van," nakayukong sabi ni Roi.

Lexus cleared his throat. "I'm Lexus. Totoo ang sinabi ni Roi. Nakita ko si Ezra na hinila ng mga hindi kilalang lalaki papunta sa isang van. Sinubukan kong habulin ang van pero, mabilis na umalis 'yon," sabi ni Lexus na nagpatahimik sa apat.

"So, you mean Ezra was freaking kidnapped?!" Jayzee exclaiemd and his eyes turned to Roi.

"Par, bakit nagkaganon? Kasama mo si Ezra, 'di ba? Bakit na-kidnap si Ezra?!" galit na tanong ni Jayzee dala ng pag-aalala. Hindi lang siya nag-aalala kay Ezra, maging kay Aly ay nag-aalala siya dahil alam niya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman ang nangyari sa kaibigan.

"Paano makukuha si Ezra? Alam namin na hindi mo inaalis ang tingin mo kay Ezra kaya papaanong may kumuha sa kaniya?" Deiv asked seriously.

Roi sighed and felt a tear fell down. "May tumawag sa akin tapos, nagpaalam si Ezra na pupunta sa banyo. Hinayaan ko tapos, kinausap ko 'yong tumawag."

"Sinong tumawag, kuys?" tanong ni Ruiz.

Roi Niccolo sighed. "Si Manager Ree."

"Anong sinabi? Bakit tumawag sa 'yo?" tanong muli ni Jayzee.

"Hindi ko alam. May mali sa mga sinasabi niya. Akala ko importante pero, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. ," sabi ni Roi. Napatulala naman si Bench at malalim na nag-isip.

"Napaka-sus naman ni manager..." sabi ni Deiv pero, napatigil din kaagad. "Hindi... hindi naman siguro magagawa ni Manager Ree 'yon, 'di ba?"

Lahat sila ay mas bumigat ang loob dahil sa tanong ni Deiv. Hindi nila alam kung anong iisipin pero, kailangan nilang magmadali. Kailangan nilang maligtas si Ezra.

Bumaling si Bench kay Lexus na kanina pa tahimik. "Nakita mo ba ang plate number ng van?" tanong niya sa lalaki.

Napaayos ng upo si Lexus bago tumango. "Oo, nakita ko! Nung hinabol ko 'yong van, nakita ko 'yong plate number," sagot niya at sinabi ang plate number ng sasakyan.

Inilabas ni Bench ang phone niya. "Tatawagan ko si tito. Baka makatulong siya sa pagtunton ng may-ari ng sasakyan," sabi niya. Tahimik siyang pinanood ng mga kagrupo.

"Hello, tito?" tanong ni Bench. "Yes po, can you check something for me? Sasabihin ko po ang plate mumber tapos, pakihanap kung sino ang may-ari ng sasakyan, okay lang po?" Bench nodded and later on, mention the plate number. Pinakinggan nito ang sinasabi ng kausap bago, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Okay, thank you po." Binaba na ni Bench ang tawag at humarap kaagad sa kanila.

"Kanino raw?" tanong ni Jayzee.

"Monaree Jimenez."

The betrayal they all felt was undeniable. Hindi sila makapaniwala sa narinig. Lahat sila ay hindi alam kung bakit... bakit magagawa 'yon ng manager nila?

BoundlessWhere stories live. Discover now