11.

118 17 0
                                    

EZRA DISAGREES!

Nakatingin lang siya sa nakangising mukha ng tarantadong lalaking 'yon. Wala ring nagsalita o nagreklamo man lang. Naghihintay siya na tumanggi ang manager sa request ng tarantadong halata namang malakas lang ang trip pero, wala. Hindi sumagot ang manager.

Necessary ba 'yon? Bakit pa siya lilipat? P'wede namang hindi na ah. Saka, bakit 24/7 kailangan nasa tabi siya nito? Ano siya? Bodyguard ng lalaki?

Ezra couldn't understand what's going on inside Roi Niccolo's mind but, one thing is sure for her.

This guy is testing her patience.

"Is it necessary to move in with you? You can just call me if you need my assistance. Hindi na kailangan ang hinihiling mo," pagkontra ko pero, nanatiling nakangisi ang tarantado.

"Rehearsals will be very hectic. Inaabot kami ng magdamag sa pag-eensayo and I'm sure as hell that I'll need your assistance through out the time. The concert's scheduled in two months so, that means..." Roi stood up and walked towards her.

"That means, you have to stick with me for two freaking months."

Nanlisik sa inis ang mata ni Ezra pero, hindi pa rin napapawi ang ngisi ni Roi. They remain staring at each other and the people around couldn't help but to shake their heads.

"Bakit sila nag-aaway? Kung maghalikan na lang kaya sila, nagtititigan pa eh," bulong ni Jayzee na nagising na pala at nakasilip sa pinto, pinapanood ang nagaganap.

Ruiz's lips formed an O then, he whispered. "Hindi ko na kayo tatanungin. Siya nga 'yong girlfriend ni Kuys Roi na tinutukoy niyo. Hindi na ako magtatanong. Halata naman eh," bulong nito at wala silang balak itama ang sinabi nito dahil, wala lang. Hinayaan na lang nila si Ruiz na 'yon ang isipin. Isa pa, dapat si Roi ang magsabi nito sa kaniya at hindi sila.

"Look at Roi Niccolo, such a damn whipped for his ex," bulong ni Bench na narinig ni Crisa at Deiv na nasa tabi lang nito.

So true.

Nanatili ang mariing titigan ng dalawa doon at mukhang walang may gustong umatras. Roi took the chance to stare at her again that close meanwhile, Ezra's still staring at his eyes to prove to him that she's not affected.

Manager Ree sighs. "Stop it, you two. Para kayong magbubugbugan d'yan anumang oras..." sabi nito at mahinang natawa. Umirap si Ezra sa lalaki at inalis ang tingin.

Kinakabahan talaga siya dahil baka pumayag si Manager Ree sa request ng tarantadong 'yon. Titira kasama siya? Hindi na kailangan. Gaya nga ng sabi niya kanina, assistant siya at hindi bodyguard.

Tumuon ang mata ni Manager Ree kay Roi. "Roi Niccolo, you know that I can't accept that request of yours. Hindi p'wede ang hinihiling mo na tumira kasama si Ezra. You definitely know what will be the public's reaction once they knew that you're living with your assistant? Alam mo ang takbo ng utak ng ibang tao, Roi.  So, I can't grant your request," sabi ni Manager Ree na nagpahinga nang maluwag kay Ezra. "You can just call her when you need her assistance," Manager Ree added and Ezra couldn't help but nod.

See? Even the manager thinks the same way. Unnecessary naman kasi talaga ang request ng tarantadong 'yon. Daming alam.

"However... you're right about what you said earlier..." the manager trailed off and looks at her. "Miss Ezra, you need to stick with Roi Niccolo while he's in his schedules. If he needs you 24/7 during those times then, you must be there for him 24/7."

.

NEVER DID EZRA knew that she'll be exhausted and drained from that one talk. Nagsabay-sabay na sila sa pag-uwi. Kung hindi kasi nagsalita 'yong lalaking 'yon, edi sana kanina pa siya nakauwi. Napahaba tuloy ang usapan.

She went inside her room and sighs before she changed her clothes. Sa sobrang pagod niya parang wala na rin siyang ganang kumain ng hapunan. Gusto na lang niya na matulog.

Naglinis siya ng katawan at nagpalit ng damit pambahay. Paglabas ng banyo, humiga siya kaagad sa kama at niyakap ang unan niya. Nang naramdaman ang lambot ng kama ay napahinga siya nang maluwag. Guminhawa din sa wakas ang pakiramdam niya.

She closed her eyes and almost ready to drift into the dreamland when someone knocks on her door.

"Ezra? Kakain ka pa ba?" Narinig niya si Alyssa na nagtanong mula sa labas ng pintuan.

With her closed eyes, she muttered an answer. "Hindi na! Kayo na lang kumain," aniya sa bahagyang malakas na boses.

Aly answered 'okay' before she heard the door closed. Naiwan siyang muli mag-isa at pinagpatuloy ang balak niyang pagtulog.

Umaga na nang magising siya. Naging maayos ang tulog niya buong magdamag kaya wala siyang problema sa pagbangon sa umaga. She yawned and stretched her arms.

"What a good morning," aniya habang nakapikit at may maliit na ngiti sa labi. She opened her eyes and grabbed her phone.

Binuksan niya 'yon at gano'n na lang amg pagtataka niya nang makitang tadtad ng notifications ang cellphone niya. From an unknown number.

51 missed calls
22 messages

"Sino ito?" tanong niya at binuksan ang mensahe.

Good morning, where are you?

Hey? Are you awake?

Hey! Did you forgot?

Ezra, today is the start of your first day, in case you forgot :)

Her eyes stared at the message and slowly, her eyes dilated in realization. Napatingin siya sa kawalan at saka sumigaw.

"Oh my fucking gosh!" tarantang sigaw niya at mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo papunta sa banyo.

Bakit ba niya nakalimutan? Ngayon ang unang araw niya sa trabaho bilang assistant ni Roi Niccolo! Kahit nakakainis ang presensya ng lalaki, trabaho pa rin kaya bakit niya kinalimutan?

Maganda ang gising niya kanina pero, nabawi agad.

10AM when she arrived at DZE's building. Hindi na niya nabati ang mga bumabati sa kaniyang empleyado. Mabilis siyang umakyat patungo sa studio ng Atlantis.

Kakaligo lang niya pero, pawis na pawis na agad siya at gulong-gulo na ang buhok.

Nasilip niya sa maliit na siwang ng pinto ang nagaganap sa loob.

Madaming tao, staff ng Atlantis. Nakaupo sila sa unahan at ang limang lalaki ay nasa gitna, nag-eensayo. Agad nasalubong ni Angel ang tingin ni Ezra na nasa pintuan pa at nakita nito ang pagsenyas sa kaniya na pumasok na pero, nahihiya siya.

Nakakahiya, Ezra! Unang araw mo pa naman tapos ilang oras kang late!

Wala na rin siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa loob. She lowered her head while walking towards Angel. Ramdam niya ang tingin sa kaniya pero, hindi niya sinusuklian ang mga 'yon.

The moment she went near Angel, the music stopped. Natapos ang kanta at narinig niya ang paghinga ng mga myembro ng Atlantis at ilang back-up dancers na kasama nito.

Angel turned to her. "Aasikasuhin ko lang si Deiv," paalam nito at nginitian siya.

Hindi naman alam ni Ezra ang gagawin. Hindi pa nga niya naibaba ang gamit niya at hindi niya alam kung saan siya magsisimula!

"You're late. Three hours late."

She heard a male voice behind her. Narinig niyang hinihingal pa ito at nang lumingon siya, sumalubong sa kaniya si Roi. Pawisan ang mukha nito at nakabagsak ang buhok.

Roi didn't say anything, just waiting for her to talk. So, Ezra did.

"I'm sorry, I overslept..." she trailed. "Uhm, gusto mong tubig?" tanong niya sa lalaki.

The guy, who's still staring at her intently, nodded and she immediately went to find his things. Hindi siya natagalan sa paghahanap dahil nakita niya kaagad sa isang sulok ang kulay pulang bag na pamilyar sa kaniya.

She stilled.

Am I being assuming or... is that the bag I gave him when we were still dating?

BoundlessWhere stories live. Discover now