20.

107 14 0
                                    

"SHHH! Napakaingay niyo! Baka magising sila!"

Roi Niccolo's forehead creased when he heard several voices early in the morning. Inaantok na minulat niya ang mata at unang bumungad sa kaniya ang dalaga na mahimbing pa ring natutulog.

Ezra's face was on his neck, her arms and legs are tangled to him and he couldn't help to giggle.

Tangina, kinikilig ako.

"Hala, kinikilig si kuys!" narinig niyang sabi ng kung sino at nang lumingon siya ay nakita niya ang mga kamyembro na nakasilip sa kanila.

"Good morning, par! Ang ganda ba ng gising mo?" Ngumisi si Deiv at kinawayan pa siya. Roi Niccolo felt shy when he remembered how he looked like a while ago. He just giggled in front of them! Paniguradong aasarin siya ng mga ito kapag may pagkakataon.

Hindi naman sa hindi komportable si Roi sa mga kamyembro niya. Kaibigan na ang turing niya sa mga ito dahil noon pa lang, magkakasama na sila. Noong panahong nangangarap pa sila at dumadaan sa pagsubok para matupad ang pangarap nila.

Kaibigan at kapatid na ang turing niya sa mga kamyembro. Komportable na sila kaya nga mas nahihiya siya kasi alam niyang aasarin at aasarin lang siya ng mga kaibigan.

"Sana all, kayakap ang bebe loves magdamag," parinig ni Jayzee at madramang bumuntonghininga.

Roi glared at his groupmates when Ezra groaned in her sleep. Gumalaw na rin ito at pigil ang hininga ni Roi habang pinapanood ang pagmulat ng mata nito. Nagkatinginan silang dalawa at ilang sandali pa ang binilang nang bumalikwas ng bangon si Ezra at halos masipa si Roi sa sobrang gulat.

"H-hala..." utal na sabi ni Ezra at ramdam na ramdam niya ang pamumula ng pisngi. Mabilis siyang tumayo para sana lumayo kay Roi pero, mas napasinghap siya sa gulat nang mapansin ang mga kamyembro ni Roi na mukhang kanina pa naroon.

Ruiz is the first one to greet her. "Good morning, Ezra!" Nakangiti ito at kumakaway pa sa kaniya.

Ezra couldn't help but to be embarassed and she couldn't think of anything but to run away.

And she did, she ran past them in embarassment.

Hindi maharap ni Ezra ang mga kamyembro ni Roi nang lumabas ito sa kwarto ng binata. Hindi niya alam kung bakit para siyang may ginawang krimen kung makaiwas siya pero, hiyang-hiya talaga siya.

Malamang, sinong hindi mahihiya do'n?

"Ezra, are you alright?" Bench asked her. Bahagyang napapikit si Ezra nang maupo pa ang mga ito sa sofa. Tumabi pa sa kaniya si Deiv at Jayzee. Magkatabi naman si Bench at Ruiz sa katapat niyang sofa.

"Nahihiya ka ba na nakita namin kayong nagka-cuddle-cuddle ni kuys?" walang prenong tanong ni Ruiz na nagpalaki sa mata ni Ezra. Narinig pa niya ang pagtawa ni Deiv at Jayzee sa tabi niya.

"C-cuddle-cuddle? H-hindi ah!" Depensa ni Ezra.

Jayzee chuckled. "'Wag ka nang mahiya, Ezra. Para ka namang others," sabi nito.

"Oo nga, wala naman kaming problema sa nadatnan namin. 'Wag kang mahiya, hindi na bago sa amin ang may madatnang gano'n. Kay Jayzee at Alyssa pa nga lang, purga na kami eh," sabi ni Deiv at tinapik ang balikat niya. "Hingang malalim, sis. Masiyado kang tensyonado," natatawang sabi nito.

Halata naman na ginagawa ng mga ito ang lahat para hindi siya mailang at aaminin niya, unti-unti siyang nagiging komportable. Wala naman silang ginawa na kung ano para mahiya siya.

'Para namang hindi kayo nagyayakapan dati mula pagtulog hanggang paggising,' aniya sa isipan niya.

Ezra cleared her throat and took a deep breath, easing her embarassment. Tumayo siya nang mapagtanto na nasa trabaho siya kaya ngumiti siya sa mga kamyembro ni Roi.

"May gusto ba kayong kainin? Ipaghahanda ko kayo," sabi niya.

Bench immediately shook his head. "No need. You're here to work for Roi, not for us. Dumaan lang din kami dito para kamustahin kayo at dalhan ng almusal, babalik din kami sa agency," paliwanag ni Bench sa kaniya.

"Oo nga, dumaan lang kami para tingnan kung ayos si kuys pero, mukhang ayos na ayos naman siya," sabat ni Ruiz na tumayo na. "Tara na, mga kuys! 'Wag na natin silang istorbohin!" sabi nito bago hinila si Bench na wala nang nagawa kung hindi ang mapailing bago hilahin si Deiv na nasa harap niya at si Deiv naman ang humila kay Jayzee.

Napakurap na lang si Ezra nang mawala na ang apat sa harapan niya.

Ilang segundo siyang tumulala doon bago niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura niya. Naalala niya ang sinabi ni Bench na nagdala sila ng almusal kaya tumungo si Ezra sa kusina at nakitang naroon nga ang isang plastic na mukhang take out galing sa isang fast food chain.

Lumapit si Ezra doon at inilabas ang mga pagkain na pangdalawang tao. Breakfast meals 'yon at may kasama pang dalawang kape. Binitbit kaagad 'yon ni Ezra patungo sa kwarto ni Roi.

Huminto muna siya panandalian at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili niya pero, natigilan siya nang makarinig siya ng kalabog at pagdaing mula sa loob.

Mabilis na nawala ang kaba at hiya ni Ezra at nagmadali siyang buksan ang pinto at napasinghap na lang siya nang makitang nasa sahig si Roi at mukhang may iniindang sakit.

"Roi!" tawag niya bago nagmadali sa paglapag ng dala niyang pagkain sa nighstand nito at saka siya lumapit sa binata.

"Anong nangyari? Bakit nasa sahig ka? Sabihin mo, saan masakit?" natatarantang tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ni Roi at agad hinanap ang tingin ng binata.

"Roi, saan masakit?" tanong niya nang magkatinginan sila ng binata. Hindi pa rin matigil ang pagkabog ng dibdib niya sa kaba.

"Are you comfortable with me now?" she was stunned hearing Roi's soft murmurs.

"H-huh?" takang tanong niya at tuluyang napaupo sa sahig katapat si Roi. Ngayon ay pareho na silang nakasalampak sa sahig.

Roi slightly smiled and scratched his nape. "Uncomfortable ka dahil sa nangyari kanina, tama? I'm sorry because of that... uhm, gusto ko sana na maghilamos sa banyo kaya tumayo ako, hindi na kita tinawag kasi alam kong nahihiya ka pang harapin ako pero, ito... napasalampak ako sa sahig," sabi nito at bahagya pang natawa.

Ezra couldn't help but stare at Roi. Hindi rin niya maiwasang hindi makonsensya. Naisip niya ang sinabi nito at hindi niya alam kung paano mag-react. Kailangan siya ni Roi para umalalaya pero, hindi siya tinawag dahil alam niyang nahihiya pa ito. Hindi niya alam kung anong isasagot do'n.

"Ezra..." Roi called her. Nanatiling nakatitig si Ezra sa kaniya bago ito sumagot.

"Bakit?"

Roi took a deep breath and stared at her. "I know that staying here with me is making you uncomfortable and I don't want that. I don't want you to be uncomfortable with me so, if ever I did something that will make you feel like that, please, tell me," seryosong sabi nito.

"I will do everything for you to be comfortable with me again, Ezra. Sabihin mo lang sa akin," sabi nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Ezra.

BoundlessWhere stories live. Discover now