13.

112 16 0
                                    

THE REHEARSALS went on for days. Hindi na inulit ni Ezra ang pagiging late at sinigurado niya na lagi siyang nasa tamang oras sa pagpunta sa studio. During the days she's working as Roi's assistant, she always try not to remember anything from their past.

Pinagpapatuloy niya ang trabaho niya at nasanay na rin naman siya. Papasok siya sa trabaho, maga-assist kay Roi, sasamahan si Angel na bumili ng pagkain para sa kanila at hanggang sa matapos ang rehearsals ay ginagawa niya ang trabaho niya.

"Punasan mo ang pawis mo," sabi niya inabot kay Roi ang bimpo na nakapatong sa bag na dala ng lalaki. Hindi pa rin niya nagawang itanong ang tungkol sa pamilyar na bag na dala-dala nito. Hindi rin naman kasi niya alam kung tama pa bang itanong niya 'yon. Malay ba niya kung pareho lang ng disenyo at kulay tapos, hindi pala 'yon ang bag na inakala niyang galing sa kaniya? Edi napahiya pa siya.

She watches as Roi wipes his sweat. Nakatingin sa kaniya ang binata habang pinupunasan ang sariling pawis. Iniwas niya ang tingin bago kinuha ang bote ng tubig at inabot sa lalaki.

"Sasama ka ulit kay Angel para bumili ng pagkain?" kaswal na tanong ng lalaki sa kaniya.

"Oo, bakit? May gusto ka bang ibang ulam?" tanong niya dito.

Roi sighs and stared at her. "I want Sinigang na Bangus if there is..." he said while looking straight at her eyes. "I miss eating that," dagdag pa nito at napansin niya ang maliit na ngiti sa labi ng lalaki.

Ezra tried to be professional despite the pinch in her heart. She cleared her throat and ignored what he said.

"Okay, that's it? Wala ka nang ibang ipapabili?" kaswal na tanong niya.

Roi stared for a while before sighing in defeat. Walang imik siyang umiling bago nagpaalam na babalik na sa pag-eensayo.

When Ezra finished eating her lunch, she went out for a bit. Marami din kasi siyang nakain kaya gusto niyang maglakad-lakad muna at makalanghap na rin ng sariwang hangin.

Eme lang sa sariwang hangin, mausok pala sa labas pero, kahit gano'n ay bumaba siya at lumabas. Tumambay siya sa gilid ng building at sakto namang nakita niya na tumatawag sa kaniya si Crisalyn.

"Hello?"

"Ezra! Nasa DZE ka ba? Busy ka?" Sunod-sunod na tanong nito.

"May pasok ako kaya nandito ako sa agency. Kakatapos ko lang mag-lunch at hindi pa naman ako busy. Bakit?"

She heard Crisa chuckled. "Tanggap mo na pala na assistant ka nga ni Roi," natatawang sabi nito kaya napairap siya.

"Trabaho ito, Crisa," sabi niya. "Bakit ka pala napatawag?"

Huminga nang malalim si Crisa. "Kinukumusta lang kita. Ilang araw ka na ring nagtatrabaho d'yan. Wala bang nagiging problema?"

Maliban sa alaalang biglang nasulpot sa memorya niya, wala naman na siyang problema.

"Maayos naman ako dito. May nakakasama naman ako, si Angel at 'yong ibang staff. Mababait naman sila kaya walang problema," sagot niya. Pumikit si Ezra at isinandal ang ulo sa pader, dinadama ang hangin na tumatama sa mukha niya.

"Buti naman. Oh siya, sige na, babalik na ako sa trabaho. Tumawag lang talaga ako para kamustahin ka," ani Crisa. "Ingat ka d'yan, ha? 'Wag papagutom," sabi nito na parang nanay niya kaya napangiti siya.

"Opo, 'nay," natatawang sabi niya. Narinig niya ang pagtawa ni Crisa bago nagpaalam na. Namatay na ang tawag kaya minulat niya ang mata niya at ibinulsa ang cellphone niya.

Ezra stayed sitting there for a while before she decided to go back. Pumasok siya sa building at tumayo sa tapat ng elevator paakyat.

"Ang lalaking 'yon, hindi nagre-reply!" Narinig niyang boses mula sa likod niya pero, hindi niya nilingon dahil inaabangan niya ang pagpapalit ng numero sa elevator.

BoundlessWhere stories live. Discover now