30.

92 6 2
                                    

MALAMIG ANG HANGIN pero, hindi inalintana ni Ezra 'yon. Nanatili siyang nakaupo sa bench sa may parke kung saan sila dati mahilig tumambay ni Roi. Dito nila napag-usapan ni Roi na magkita at ngayon ay nandito siya at hinihintay si Roi.

She felt nostalgic while roaming her eyes around the park full of lights. Maraming tao ang naroon sa parke at parang tuwang-tuwa sa magagandang ilaw na nakasabit sa mga puno sa parke. Sobrang liwanag at hindi mapigilan ni Ezra ang excitement.

She wants Roi to see the beautiful lights. She wants to be with him while admiring the beauty of the night. The moon is shining so bright together with the stars. Napakagandang tingnan at hindi niya palalagpasin ang gabi nang hindi nakakasama si Roi.

She sighed as she felt the cold wind embracing her. Napailing na lang siya dahil nalimutan niyang magdala ng jacket. Nilalamig tuloy siya pero, ayaw naman niyang umalis dahil baka magkasalisihan sila ni Roi.

It was already 7:30 PM but, Roi is still nowhere to be found.

"Maaga pa naman," pagpapakalma ni Ezra sa sarili niya. Niyakap niya ang sarili niya habang nililibot ang tingin sa paligid.

Tiningnan ni Ezra ang phone niya. Gusto niyang i-text ang lalaki pero, ayaw niyang isipin nito na masyado siyang demanding sa oras.

"Hintayin mo, Ezra. Baka parating na siya," bulong ni Ezra sa sarili niya. Pilit niyang inaalis ang mga negatibong bagay. Gusto niyang magtiwala na kay Roi. Gusto niyang bigyan ng pangalawang tyansa ang lalaki.

8:30 PM came but, Roi isn't still there. Ngayon ay sinubukan na niyang padalhan ng mensahe ang binata.

To: Sir Roi

Good evening! Uhm, nasaan ka na? Papunta ka na ba? Nasa park na ako na napag-usapan natin.

She bit her lips as she tapped the send button. Hinintay niya ang paglitaw ng reply ni Roi pero, ilang minuto na at wala pa ring reply ang lalaki.

Ezra felt something punched her heart. Kumirot ang puso niya dahil sa nararamdaman. Ayaw niyang isipin na pinaglalaruan lang siya ni Roi. Baka naman nakalimutan lang nito ang usapan nila. Baka nakatulog ito dahil, napagod sa schedule nila kanina.

She was contemplating when her phone beeped. Agad niyang tiningnan ang phone niya at nabuhayan siya ng loob nang makita ang pangalan ni Roi.

From: Sir Roi

Can't come, sorry.

Her smile falters as she read the text over and over again. Nanumbalik ang kirot sa dibdib niya. Agad niyang kinalma ang sarili at sinubukang magtipa ng reply.

To: Sir Roi

Gano'n ba? Okay lang! Have a good night!

Nanghihinang ibinaba niya ang phone niya at natulala na lang sa mga ilaw na kanina ay nagliliwanag sa paningin niya. Pinanood niya ang unti-unting pagpatay ng mga ilaw. Kasabay ng pagpatay ng mga ilaw ang pagtulo ng luha niya.

She didn't want to hate Roi but, she's disappointed.

Umuwi siyang bigong-bigo at malungkot. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang mga kaibigan na abala sa panonood ng movie. Sabay-sabay itong tumingin sa kaniya.

"Ezra! Ang aga mo namang nakabalik," sabi ni Alyssa at sinalubong siya. Ngumiti lang nang tipid si Ezra bago pumasok. Naupo siya sa sofa katabi ni Crisa at unti-unting tinanggal ang sapatos na suot niya.

"Aww," she winced when she felt a pain in her right foot.

"Hala, may sugat 'yong paa mo! Baka dahil sa heels 'yan," sabi ni Liezel nang mapansin ang pagngiwi niya.

BoundlessWhere stories live. Discover now