40.

99 12 5
                                    

ROI NICCOLO once thought that he will never experience an intense sorrow anymore. He thought that he had suffered enough to experience any more pain. He thought that all of those sufferings he had experienced from his father is enough to finally be happy in his life. He thought that he will be with the love of his life but of course... of course, he's wrong.

"Roi? Can you open the door?" Crisalyn knocks at Roi's room. Paulit-ulit niyang ginawa ang pagkatok pero, hindi binukssn ng binata. Bigo siyang lumingon sa mga kasama.

Bench sighed in defeat. "He needs to eat," aniya na may bakas ng pag-aalala.

"Oo nga. Tatlong araw nang hindi kumakain at lumalabas ng kwarto si kuys," nakasimangot na sabi ni Ruiz at mukhang paiyak na.

Liezel felt so sad knowing that Roi is locking himself in his room eversince that incident happened. Hindi ito lumalabas ng kwarto. Hindi rin nakikipag-usap sa kanila kaya sobra ang pag-aalala niya. Kaibigan niya si Roi at pati na rin si Ezra kaya nasasaktan siya sa nangyari sa dalawa.

"I guess, he needs more time," sabi ni Jayzee habang nakaakbay kay Aly na nakasandal sa balikat niya.

Umalis sila sa tapat ng pintuan ni Roi at bumalik sa sala para maupo. Tahimik silang lahat at hindi alam ang gagawin para mapalabas si Roi sa kwarto.

"May nagbabantay ba kay Ezra?" tanong ni Bench sa kanila.

Ruiz nodded. "Ang alam ko, nandoon si Kuys Deiv tapos, umuwi na rin ang ate ni Roi. Dadalaw daw sila mamaya dito kapag pumunta tayo doon," sabi ni Ruiz na ipinakita ang message ni Winna sa kaniya.

"Pupunta kami ni Yasser mamaya doon," sabi ni Crisa.

"Kami rin ni Jayzee," malungkot na sabi ni Aly.

Wala nang nagsalita sa kanioa matapos no'n. Malungkot silang lahat dahil sa nangyari at nasasaktan dahil sa nalaman. Hindi nila inakala na ang isang taong pinagkatiwalaan nila ay magagawa 'yon.

Their manager was fired from the job and was caught. Ang tatay naman ni Roi ay nahuli na rin kasama ng manager. Akala kasi nila no'n ay sila lang ang pumunta doon pero, nagulat sila nang makitang sumunod pala doon ang tiyuhin ni Bench at may dala itong mga pulis kaya nahuli ang dalawa. The General want to make sure that the case will not be bailable. Nakahinga sila nang maluwag doon dahil alam nilang tototohanin ng tiyuhin ni Bench ang sinabi.

Now, they're main focus is Roi and Ezra. Lahat sila ay magtutulong-tulong para asikasuhin ang dalawa.

Naputol ang katahimikan sa pagitan nila nang may mag-doorbell. Agad na tumayo si Ruiz para pagbuksan ang bagong dating.

"Kuya Kobi?"

Kobi Daze Madrigal is now their manager. Matapos nitong malaman ang ginawa ni Manager Ree, nagalit ito at agad sinabi sa presidente ng agency na gusto nitong maging manager ng grupo. Knowing how much Kobi cares for the group, the president agreed.

Napalingon sila at nakita si Kobi na naroon sa pinto at may bitbit pa itong paper bag. Pinapasok ito ni Ruiz at pinaupo sa upuan. Lahat sila ay nakaabang sa sasabihin ni Kobi.

Inabot sa kanila ni Kobi ang paper bag. "Ito pala, niluto ng asawa ko. Para sa inyo lahat 'yan," sabi niya. Agad namang kinuha ni Jayzee ang bigay ni Kobi at nagpasalamat.

"Alam ko, lahat kayo ay malungkot pa sa nangyari. Alam ko rin ang pinaplano niyo bilang grupo at hindi na kayo mapipigilan doon," panimula nito at nilingon ang kwarto ni Roi.

"Hindi pa rin ba siya lumalabas?" tanong niya na halata din ang lungkot at pag-aalala.

"Hindi pa po," nakayukong sagot ni Ruiz.

BoundlessWhere stories live. Discover now