34.

92 12 7
                                    

DOES EVERYONE DESERVES A SECOND CHANCE?

Other people believes that there is no chances for the person who already hurts you. Hindi na daw dapat binabalikan ang mga taong dumurog sa 'yo. Kung nagawa nilang saktan ka nung una, posibleng saktan ka ulit nila sa pangalawang pagkakataon.

But, what if there's a reason? Paano kung hindi naman pala intensyong saktan ka at naipit lang sa sitwasyon? Deserve pa rin ba ng second chance?

Hindi naman kasi lahat ng bibigyan mo ng pangalawang pagkakataon ay papapasukin mo ulit sa buhay mo. Bibigyan mo lang siya ng second chance para magpaliwanag o kaya naman itama ang pagkakamali niya.

But in Ezra's case, she gave him a second chance to be part of her life again. Marahil sasabihin ng iba na tanga siya dahil sinaktan na nga pero, binalikan pa pero, mahal niya eh. Mahal niya at may rason naman si Roi.

"Nako! 'Wag mo nang isipin ang sasabihin ng ibang tao, Ezra Marie! Ano naman kung bibigyan mo ng pagkakataon? May valid reason naman si Roi ah," sabi ni Liezel saka uminom ng beer na hawak niya.

"I always believe that Roi will never hurt you. College pa lang tayo, nakita ko na kung paano ka niya tingnan, Ezra. He always have that hopeful eyes whenever he looks at you. He stares at you like he's certain that you'll be with him in the future. Mabuti na lang at naniwala ako na may rason din si Roi," sabi naman ni Crisalyn na sumimsim din ng beer.

"Ezra, second chances are for people who deserves it and Roi deserves a second chance. Hayaan mo ang ibang tao na kumuda nang kumuda, wala naman silang ambag sa buhay mo kaya hayaan mo sila. Desisyon mong bigyan ng second chance si Roi at sino sila para diktahan ka?" Alyssa butted in.

She told her friends about what she and Roi talked about. Sinabi niyang napagdesisyunan niyang bigyan ng pagkakataon si Roi pero, inalala niya ang mga tao.

Nakakainis mang isipin pero, 'yong mga post kasi sa newsfeed niya parang gago.

Tanga ka kung sinaktan ka na nga, babalikan mo pa.

The person who already hurts you may hurt you again if you gave him a chance. Think wise, honey.

Walang excuse kapag sinaktan ka na. Kapag humingi ng pangalawang tyansa, 'wag mong bigyan. 'Wag kang marupok!

Don't go back to the person who already destroyed you.

Kung bakit ba kasi puro gano'ng post ang dumaan sa newsfeed niya? Nag-overthink tuloy siya.

"Iba-iba naman kasi ang experience ng tao, Ezra. Kung para sa mga taong 'yan, hindi deserve bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga nanakit sa kanila, eh sa kanila na 'yon. Iba ang sa 'yo at iba ang sa kanila kaya, 'wag kang magpadala diyan. Alam mo sa sarili mo na hindi intensyon ni Roi na saktan ka," dagdag ni Angel na inimbitahan din nilang mag-inom.

Nasa isang restobar silang lima at nagkakayayaang mag-inuman. Wala kasing mga trabaho bukas kaya ayan sila at nagpapakalasing.

Tinawagan kasi sila ni Ezra para sana manghingi ng advice pero, ito at nagyaya si Liezel na manlilibre. Sinama na rin nila si Angel dahil kaibigan na rin naman nila ang babae.

"'Wag mo nang bawiin ang desisyon mo. Deserve ng EzRoi ang comeback! Whooo!" Alyssa exclaimed and raised the bottle of beer she's drinking. "Nami-miss ko na si Jayzee ko!" aniyang muli bago uminom ng beer.

"Araw gabi na nga kayong magkatawagan, miss mo pa rin?" nakataas ang kilay na tanong ni Ezra.

Alyssa smiled sheepishly. "Gano'n talaga kapag mahal mo, anteh. Ikaw ba? Hindi mo ba na-miss si Roi nung mga panahong wala siya sa tabi mo?"

BoundlessWhere stories live. Discover now