12.

108 16 0
                                    

EVERYONE got busy rehearsing. It's been five hours since the rehearsal started and Ezra could see the boys breathing heavily but despite that, she was still amazed on how they move sharply and full of energy. Their vocals are still stable and she no longer wonder why they are famous.

Each of them has their own charms. While watching them, she realized that everyone did amazing by fulfilling their positions in their groups. Ruiz and Deiv did a great job in vocals, Bench and Roi in rapping and Jayzee in dancing. All of them worked as one and it turns out great.

Rehearsal pa lang pero, nakaka-amaze na. Paano pa kaya kung actual concert na?

"Ezra, sama ka? Bibili ako ng pagkain sa ibaba." Lumapit sa kaniya si Angel. Napansin niyang mag-isa lang itong bababa kaya pumayag na rin siya. Inilapag niya ang hawak na bote ng tubig sa tabi ng gamit ni Roi bago sila nagpaalam sa manager na naroon.

The both of them went down. Hindi naman kalayuan ang kainan na bibilhan nila. Hindi na rin nila kailangang tumawid kaya hindi sila nahirapan. Ilang hakbang pa ay huminto na sila at pumasok sa nasabing kainan.

Malawak at malaki ang kainang 'yon at maraming tao. Halos wala masiyadong upuan dahil punong-puno ang tao.

Sikat yata ang kainan na ito sa lugar. Dinadayo eh.

Lumapit sila ni Angel sa counter at hinayaan niyang si Angel ang magsabi ng pagkaing bibilhin. Napakadami no'n at tingin niya ay para sa staff 'yon na naroon. Hindi niya rin sigurado kung kakayanin ba nilang bitbitin nag mga pinamili pabalik sa building.

Ilang sandali pa nang lingunin siya ni Angel. "Ikaw ba, Ezra? Wala kang bibilhin? Anong gusto mong ulam? Para maisabay ko na dito," sabi sa kaniya.

"Kasama ako?" tanong niya. Nginitian siya ni Angel at tinanguan.

"Lahat ng staff ng Atlantis, binibilhan ng pagkain. Request din ng members na gano'n. Since, you're one of the staff, kasama ka na sa expenses dito..." nakangiting sagot ng dalaga. "Nakabili na ako para sa iba. Ikaw ba? Anong gusto mo? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya ikaw na lang ang hahayaan kong pumili," dagdag pa nito.

Ezra was amazed by what she heard. Napakagalante naman pala talaga ng agency na 'yon. Mukhang walang problema pagdating sa expenses para sa empleyado.

She smiled a bit and pointed the food she wanted. Napatigil siya at nagtanong kay Angel.

"Anong..." Huminga siya nang malalim. "Anong pinili mong ulam para kay... kay Roi?" tanong niya.

Angel glances at her. "I asked him ealier and he said that he wants pork. Itong Letsong Kawali ang pinili ko," sagot nito sa kaniya.

Ezra licked her lower lip. "P'wede bang humingi ng sabaw? May bayad ba?" tanong niya bago tumindin sa tindera. "P'wede pong makahingi ng sabaw?" nang tumango ang tindera ay napangiti siya.

"Pahingi pong sabaw sinigang na bangus. Salamat po," sabi niya.

Ilang minuto bago nila nakuha ang mga ulam na pinamili. Bitbit nila ang plastic na inakala ni Ezra na mabigat pero, dahil ulam lang ang binili nila ay hindi sila nahirapan.

"Ihanda na natin ito sa pantry nila. Maga-alas dose na kaya panigurado ay manananghalian na lahat," sabi ni Angel.

"Nasaan pala ang kanin?" takang tanong ni Ezra dahil nga ulam lang ang pinamili nila. Nagtataka siya kung nasaan ang kanin.

"Nagsaing na sila Ate Amy. Gano'n kasi ang sistema nila sabi sa akin ni Deiv. Mas gusto daw nilang magsaing na lang dito tapos, bibili ng ulam at sabay-sabay silang kakain. Ang saya, 'no?"

Ezra couldn't help but feel warmth in her heart. She smiled at the thought of the boys and their staff, sitting on the floor, eating together while laughing and talking.

"Even if they're already famous, they're still humble," nakangiting aniya.

Somewhere, deep inside her heart, she felt proud. Nasaktan man siya noon, at least... at least, Roi fulfilled his dream.

.

HINIHINGAL na napaupo sila sa sahig matapos ang pagsasayaw nila. Roi breaths heavily and immediately felt his throat dried. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan ang gamit niya at napagtanong wala doon ang tanong hinahanap niya.

Kumunot naman ang noo niya. Where is she?

Kahit nanghihina ang tuhod at pawisan, tumayo siya para lumapit sa gamit niya. Kinuha niya ang bote ng tubig na naroon at uminom. He sighed in contentment when he felt the water cascading down his throat. It quenched his thirst.

He then turned to Amy who's standing and about to walk towards Ruiz. Bago pa makalayo ang babae ay nagtanong siya.

"Ate, have you seen Ezra?" tanong niya habang hinihingal pa. Napatingin si Amy sa kaniya at napatango.

"Sinamahan niya si Angel na bumili ng ulam sa baba kanina pa. Baka nandiyan na rin sila," sagot nito bago nagpaalam na pupunta muna kay Ruiz.

He took a deep breath, resting himself for a while before he decided to take a step. He exits the room and tried to go down when the elevator opened and there's the woman he's been looking for.

Nagkatinginan sila at kaagad bumaba ang tingin niya sa bitbit ng dalaga. He immediately took a step forward and grabbed the plastic from her hands.

"Let me," maikling aniya. He was about to walk away when Angel spoke.

"Unfair! May favoritism! Bakit 'yong bitbit lang ni Ezra 'yong kinuha mo?" tanong nito pero, halata ang pagbibiro sa tono. Natigilan naman si Roi at mahinang napamura habang si Ezra ay napaiwas na lang ng tingin.

"Ako na diyan. Hindi naman ano... hindi naman mabigat," aniya at sinubukang bawiin ang plastic na hawak pero, inilayo 'yon ng lalaki bago binalingan si Angel.

"I'll call Deiv. He'll help you carry that," sabi nito saka tumalikod. Nakita niya pa ang pagbukas nito sa pinto ng studio at mukhang tinawag si Deiv dahil ilang sandali pa ay lumabas si Deiv. Kinausap ito ni Roi at tinuro sila.

She saw Deiv nodded and later on, walks over them. Nilingon siya ni Roi at tinawag na ikinaigtad niya.

Why the hell am I flinching?

"Ezra, come with me," sabi ni Roi sa kaniya. Bumuntonghininga siya at lumapit sa lalaki. Hindi rin naman niya alam kung nasaan ang pantry kaya hinayaan niya ang sarili na sumunod kay Roi.

Roi opened a door and she assumes that it's the pantry. Pumasok doon si Roi at nakumpirma niyang tama ang iniisip niya nang makapasok siya.

She roamed her eyes around and when she spotted Roi starting to prepare the lunch, she immediately went to him.

"Ako na d'yan," sabi ni Ezra at hindi na hinintay na magsalita ang lalaki. Inayos niya ang mga ulam.

Hindi umimik si Roi at pinanood lang siya. Deep inside his mind, he remembered those times when he's tired from practicing for auditions then, he'll go to Ezra's small apartment and she'll take care of him.

Pinanood niya ang dalaga habang unti-unting lumulukob ang kalungkutan sa puso niya. Yes, she's taking care of him again but, as an assistant only. Alam niyang ginagawa lang ni Ezra ang trabaho niya at 'yon ang nagpapakirot ng puso niya.

Alam niya sa sarili niyang trabaho lang siya ni Ezra. Wala nang iba pa. Nandito si Ezra at inaalagaan siya dahil, trabaho lang nito 'yon at hindi dahil mahal pa siya nito.

BoundlessWhere stories live. Discover now