33.

84 11 0
                                    

NARARAMDAMAN ni Ezra ang tensyon at kaba habang hinihila siya ni Roi. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata pero, wala siyang balak magtanong.

Namalayan na lang ni Ezra na papunta sila sa rooftop ng building. Sinara ni Roi ang pinto bago sila umakyat sa hagdanan patungo sa rooftop. Sumalubong agad ang malamig na hangin doon at nilipad ang buhok ni Ezra na agad niya namang sinakop.

Tumigil na sila sa paglalakad. Si Roi ay tahimik pa rin habang nakahawak sa pulsuhan niya pero, unti-unti itong napaupo sa sahig at napabitaw sa hawak sa kaniya.

Nang lingunin niya si Roi, napansin niya na nakatulala ang lalaki. Lumukob ang pag-aalala sa sistema ni Ezra at walang pagdadalawang isip siya naupo sa harapan ni Roi.

Bakas ang pighati sa mata ni Roi na unti-unting tumuon sa kaniya. Nagkatitigan silang dalawa at ayan na naman ang pagkabog ng puso niya na parang tumakbo siya sa isang marathon.

Napaawang ang labi niya nang may tumulong luha mula sa mata ni Roi. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Roi habang may luha pa rin at hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Ang alam lang niya, nag-aalala siya kay Roi.

"Roi, bakit? Anong... anong nangyari?" utal na tanong niya at inangat ang kamay niya para punasan ang luha ni Roi pero, nagulat siya nang hawakan ni Roi ang kamay niya at hinila siya para mayakap.

Napasubsob siya sa dibdib ng lalaki na agad yumakap sa kaniya. Maya-maya pa ay narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata kasabay ng pagbasa ng balikat niya.

Ano ba talagang nangyayari?

"I'm finally free," bulong ni Roi na ipinagtaka niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Humigpit ang yakap ni Roi sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umayos ng upo at yakapin pabalik ang binata.

She finally surrendered. She finally let her walls break down in just one embrace from Roi.

"Anong problema?" marahang tanong niya sa binata.

"I finally had the courage to go against him. Sinabi ko na hindi na niya ako makokontrol ulit. Sinabi ko na... na mamahalin ko ang taong gusto kong mahalin at hindi na niya ako mapipigilan doon," sabi ni Roi sa kaniya.

Muling nilukob ng pag-aalala si Ezra nang mapagtanto na mukhang nagkasagutan si Roi at ang tatay niya. Hindi man diretsong sinabi ni Roi, may haka-haka siya na gano'n nga ang nangyari.

Nanatiling tahimik si Ezra at hinayaan si Roi na magsalita.

"I'm tired of being afraid of him. Nakakapagod nang maging tuta niya at maging display niya sa publiko. Pagod na pagod na ako sa mga pananakot at pananakit niya kaya ngayon, lumaban ako, Ezra..." Suminghot si Roi at sumubsob sa leeg niya. "Nilabanan ko siya, Ezra. Hindi na ako magpapadala sa mga pananakot niya," bulong nito.

"You're so brave, Roi," bulong ni Ezra at pinatakan ng halik ang ulo ng binata na mukhang nagulat sa sinabi niya.

"I didn't tell this to you when you succeeded in becoming a singer but now, I will..." Ezra tried to cup Roi's face. Humarap siya dito at pinunasan ang mga luha ni Roi.

"I'm so proud of you, Roi. You managed to stand still amidst the hates you receuved when you were just starting. I'm so proud of you for working hard to achieve your dream. I'm so proud hearing your group's songs everywhere. I'm so proud seeing your achievements and awards on National TV. I may not say it but... I'm so proud of you."

Roi felt nothing but the urge to cry more and embrace the woman in front of him. Maraming tao ang nakapagsabi sa kaniya ng mga salitang "I'm proud of you". Masaya siya na makarinig ng gano'n pero, nang si Ezra na ang nagsabi, nanghina siya at gusto na lang niyang yakapin nang yakapin ang dalaga at iparamdam dito na mahal na mahal niya ito.

Roi wanted to be able to see her in the crowds even after he hurt her. It's a wishful thinking but, he's hoping. It's selfish for him to wish that Ezra would watch him perform when all he did was to hurt her. It's selfish of him to wish for her to come back but, he still wanted to. He wants to see her everyday, hear her voice everyday, see her in the crowd while he performs and he wants her to come back to him.

Now, he's proud of himself for doing the right thing. He will fight for her and no one can stop him. He will make sure that Ezra will come back in his arms again... officially.

"Ezra..." paos na tawag niya sa dalaga na nakatitig pa rin sa kaniya at pinupunasan ang bawat luhang lumalabas mula sa mga mata niya.

"Hmm?"

He cleared his throat and gained his courage to hold her hand. He planted a soft kiss on her hand and he noticed how shocked she is.

"Have I ever told you that I'm still in love with you?"

Fuck dreams. Fuck fame. Fuck everyone. He just wants her. Of all the dreams he tried to achieve, he realized that Ezra is the dream he could never trade. She is his dream.

Habang tumatagal na nakakasama niya ang dalaga, unti-unti niyang napagtanto na walang kwenta ang pangarap niya kung wala rin naman ang taong dahilan ng pagpapatuloy niya. Natupad niya ang pangarap niya pero, wala ang taong mahal niya. Wala ring kwenta.

"H-huh?" Ezra's voice trembled. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Inakala niya pang guni-guni lang niya 'yon pero, nagsalita ulit si Roi.

"I'm still in love with you, Ezra Marie. I regret being a coward and hurting you. I regret leaving you when all you did was to stay. I regret making you cry when all you did was to bring smile in my face. I regret all the things I did that made you had sleepless nights. I don't deserve you for that. You're too precious and you don't deserve to experience those pain I gave you..." nakayukong sabi ni Roi.

"But, I'm selfish, Ezra. I'm selfish for wishing for you to come back to me. I'm selfish for wishing that you still love me. You don't deserve me but because I'm selfish, I won't let you be with other man's arms. Gusto ko ako lang ang para sa 'yo kaya kahit mahirap, kahit paghirapan ko, gagawin ko ang lahat maging tamang tao lang para sa 'yo." Tumitig siya sa mata ng dalaga na gulat pa rin sa mga naririnig.

"Gagawin ko ang lahat para alisin ang sakit ang idinulot ko sa puso mo. Babawi ako sa mga pagkakataong wala ako sa tabi tuwing kailangan mo ako. Nasa 'yo ang desisyon kung hahayaan mo akong gawin 'yon."

Kung kanina ay si Roi ang lumuluha, ngayon si Ezra naman. Hindi na niya napigilan ang pagluha matapos marinig ang mga sinabi ni Roi.

Masayang-masaya siya na malamang mahal pa rin siya ni Roi. Masaya siyang malaman na kahit natupad na nito ang pangarap, hindi pa rin siya nito kinalimutan. Siya pa rin pala ang mahal nito kahit marami na itong nakasalamuhang ibang tao.

Patuloy siya sa pagluha hanggang sa naramdaman ang pagpunas ni Roi sa mga luha niya. How quickly the tables have turned.

"Don't be pressured to answer. Hahayaan kitang mag-isip at magdesisyon. Take your time, love," Roi said softly that melts her heart.

Napapikit siya nang patakan ng marahang halik ni Roi ang noo niya. Her heart burst in joy and love as she decided to gave him a chance, wishing that this time, they would work.

BoundlessWhere stories live. Discover now