14.

108 17 0
                                    

IT'S SUNDAY when Atlantis was given a day off from their rehearsals. Lahat sila ay nasa condo nila at piniling magpahinga. Pagod na pagod sila nitong mga nakaraang araw kaya naman pinagbigyan na sila ng kahit isang araw na pahinga.

Roi woke up when he heard voices from outside his room. Napakusot siya sa mata at humikab bago bumangon. Inihilamos niya ang palad sa mukha niya bago tumayo para ayusin ang kama niya.

Tumungo siya sa banyo at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto niya. May naririnig pa rin siyang mga boses kaya nagmadali siyang puntahan ang pinanggalingan no'n.

Tumugo siya sa kusina at nakitang lahat ng kaibigan ay naroon at nagkukwentuhan. Pumasok siya sa kusina at naupo sa tabi ni Deiv.

"Gandang umaga," bati niya bago kumuha ng tinapay na nasa harapan niya. Inabot niya ang jam na malapit sa kaniya at pinalamanan ang tinapay na hawak niya.

"Morning, kuys!" bati ni Ruiz.

Ngumiti si Roi sa bunso nila. "Ang aga niyong magising ah. Iingay niyo pa, nagising tuloy ako," aniya at pabirong sumimangot.

Deiv gasped. "Ay sorry po, kuys! Naistorbo namin ang panaginip mo sa bebelabs mo!" pang-aasar nito at nagtawanan sila. Napailing na lang si Roi dahil sa maagang kalokohan ng kaibigan.

"Wala kayong plano ngayong araw? Magsi-stay lang kayo dito sa condo?" tanong ni Jayzee sa kanila.

"I'll sleep after this. Masakit ang katawan ko eh," sabi ni Bench.

"Me too! Kulang na kulang ako sa tulog," dagdag ni Ruiz.

Tumingin si Jayzee kay Deiv. "Ikaw?"

"Hmm? Magpapahinga din. Tatapusin ko 'yong pinapanood ko," sagot ni Deiv.

"Ano 'yang pinapanood mo, ha?" Roi teased him with a smirk.

Bumaling sa kaniya si Deiv at walang buhay na tumawa. "May pinapanood akong K-Drama! Napakadumi ng utak mo, ha? Palibhasa, walang lumalambing sa 'yo eh!" sabi nito na muli nilang ikinatawa, pati na rin si Roi.

"Napaka-defensive mo, par," tumatawang sabi ni Roi.

"How about you, Roi? Anong plano mo ngayong araw?" tanong ni Jayzee na may bahid pa ng ngisi sa labi dahil sa pagtawa.

Roi cleared his throat. "Dadalaw ako sa mga kapatid ko. Nagpaalam ako kay Manager Ree kagabi at pumayag naman siya," sagot niya.

"Be careful, okay?" Bench reminded him.

Roi nodded. "Yes, boss!" aniya at pabirong sumaludo.

Nang matapos silang mag-almusal, si Ruiz ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan nila.

Dumiretso na si Roi sa kwarto niya at naligo na. Gusto niyang maagang makapunta sa condo ng mga kapatid niya dahil gusto rin niyang mas matagal itong makasama ngayon araw. He wants to bond with them. Noong bumisita kasi ito sa studio nila nung isang araw, hindi rin niya nakausap dahil abala siya sa ensayo at abala rin ang mga ito sa pakikipag-usap kay Ezra.

Speaking of Ezra... he remembered how comfortable Ezra is with his siblings. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya dahil kahit lumipas ang ilang taon, malapit pa rin si Ezra sa mga kapatid niya.

It warms his heart seeing Ezra bonds with his sisters. It feels like she's still a part of the family.

Mabilis na natapos si Roi sa paliligo at agad nagbihis. Nagsuot siya ng simpleng itim na hoodie at itim na pants saka puting sapatos. Pinabanguhan niya ang sarili bago kinuha ang puting cap niya at itim na mask. Nang ma-satisfied sa itsura, kinuha niya ang cellphone at wallet bago binulsa saka lumabas sa kwarto niya.

BoundlessWhere stories live. Discover now