05.

113 15 0
                                    

HINDI siya natanggap sa trabaho.

May natanggap na daw bilang assistant ni Roi Niccolo. May nauna na raw na napili ang manager nito at pinaaprubahan na lang kay Roi at ayon nga, may nahanap na.

Okay, sinubukan lang naman niya. Kung wala nang spot, edi wala na. Maghahanap na lang ulit siya ng bago. Marami pa namang trabaho diyan.

Maybe, it's fate telling her that she really should not see Roi Niccolo. Baka pumapabor sa kaniya ang tadhana, hindi siya natanggap kaya hindi na niya kailangang makita ang lalaking 'yon.

"Magbabaon ka ba ng lunch?" tanong ni Crisalyn habang sabay-sabay silang nag-aalmusal. Handa nang pumasok si Liezel sa trabaho nito sa agency. Si Alyssa ay aalis din para bumisita sa magulang niya at si Crisa ay papasok na rin sa trabaho. Siya ay pangalawang araw na sa pagsubok maghanap ng trabaho.

"No need. Bibili na lang ako sa labas. May pera pa naman ako," sagot niya.

Alyssa stood up and went to open their fridge. May kinuha ito doon bago bumalik sa upuan niya. Inilapag niya sa mesa ang aqua flask.

"Ito, baunin mo para pagkain na lang ang bibilhin mo. May tinimpla nga pala akong mango juice kagabi," sabi ni Alyssa.

Ngumiti si Ezra at inabot ang aqua flask. "Salamat, bebe." Tumayo na rin siya at tumingin sa mga kaibigan. "Aalis na ako para maaga akong makahanap," sabi niya at isa-isang humalik sa pisngi ng mga kaibigan.

"Mag-ingat ka, Ezra!"

.

ROI SIGHED and tried to smile at his new assistant. Ito ang napili niya sa lahat ng pinakita sa kaniya ng manager nila dahil, matino ang naging sagot nito. Ayos na. Mukhang maayos naman magtrabaho ang bago niyang assistant.

"Hello, Roi. Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" nakangiting tanong ng assistant niyang babae. Roi silently nodded at her.

Naghahanda na silang lahat patungo sa radio station kung saan ang schedule nila ngayon. Ito rin ang unang araw sa trabaho ng bago niyang assistant.

Lumapit sa kaniya si Liezel na naroon din at nagtatrabaho. Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya at tinapik siya sa balikat.

"'Musta, Roi? Ayos ba 'yong bago mong assistant?" tanong ni Liezel.

Roi shrugged his shoulder. "Hindi ko pa alam. Ngayon ang simula ng trabaho niya," sagot ng binata. Natahimik silang dalawa bago bumuntonghininga si Liezel.

"Sayang," she whispered. Roi heard it but, didn't bother questioning her. Dumating na kasi ang bagong assistant nito habang dala ang kape na itinimpla nito.

"Roi, ito na! Enjoy!" sabi nito. Inabot ni Roi ang kape at agad napangiwi nang makita ang klase ng kape na tinimpla.

Liezel sighed and glance at the new assistant. "Hi, you're Roi's new assistant?" tanong niya at ngumiti. Akala niya ay ngingitian din siya ng babae pero, kinunutan lang siya nito ng noo.

Napasimangot si Liezel at binalingan si Roi. She's silently telling him that he chose the wrong person.

"I'm Roi's assistant and you are?" Hindi nagustuhan ni Liezel ang tono ng pananalita nito kaya hindi na siya sumagot at nagpaalam na lang sa binata.

"Asikaso ka na, par."

Inayusan na si Roi habang ang mga kamyembro niya ay nakaayos na at naghihintay na lang ng oras.

Nakadikit kay Roi ang bago niyang assistant at sa hindi malamang dahilan ay napapabuntonghininga na lang si Roi. Pansin ng lahat na wala sa mood ang lalaki kaya hindi na nila kinulit.

BoundlessWhere stories live. Discover now