39.

72 10 1
                                    

"FUCKING HELL..." Roi cursed when he heard the name. He couldn't believe it. Nanggigigil sa galit na kinuha ni Roi ang phone niya at inabot kay Bench.

"Trace Manager Ree's number. She called me earlier. Track her phone," sabi nito bago tumayo.

"Teka, bakit hindi niyo ipaubaya sa pulis ito?" tanong ni Lexus.

"Hindi p'wede. Delikado 'yon, kuys. Kapag nalaman ng mga pulis na may ganitong issue sa amin, sa tingin mo ba hindi nila ipagkakalat 'yon sa publiko? Hindi ko naman nilalahat pero, umiiwas pa rin kami. Mahirap na," sabi ni Ruiz. Napatango kaagad si Lexus nang maintindihan ang rason.

Ilang minuto ang hinintay nila nang muling magsalita si Bench at sinabing nahanap na ng tito niyang heneral at may koneksyon sa gobyerno ang lokasyon ng manager.

Sakto namang lumabas si Roi kaya ipinaalam kaagad sa kaniya ang lokasyon. Hindi sila nagsayang ng oras. Dumiretso sila sa DZE para hiramin ang sasakyan na ginagamit nila doon. Kinausap ni Deiv ang driver nila na naroon sa building at pinakiusapan na kung p'wede ay hihiramin ang sasakyan. Nagpalusot na lang siya para mahiram ang sasakyan at mabuti na lang ay pumayag ito.

Si Bench ang nagmaneho ng sasakyan.

"Daan muna tayo sa bahay ng tito ko para masabi natin. Mapagkakatiwalaan naman siya, matutulungan niya pa tayong lumaban kung sakali."

Walang sumagot sa sinabi nito pero, lahat sila ay sumang-ayon. Nanatili silang tahimik sa loob ng sasakyan. Maging si Lexus ay seryoso rin at nag-aabang ng paghinto ng sasakyan.

Roi Niccolo's fist is clenching as he tried to calm himself. Kumukulo ang dugo niya sa galit. Hindi niya alam kung bakit nagawa 'yon ng manager nila pero, isang lang ang alam niya.

Masasaktan niya ang manager nila.

Ilang minuto pa ay dumating na sila sa bahay ng tito ni Bench. Bumaba sila sa sasakyan at agad pumasok sa bahay. Mabilis naman nilang nakita ang tiyuhin nito na nasa sofa at mukhang alam na dadating sila.

"Alam ko nang may problema nang tumawag ka, Bench. Anong nangyari?" tanong ng tiyuhin ni Bench.

"Roi's girlfriend was kidnapped by our fucking manager," sabi ni Jayzee.

Hindi na nagtanong pa ang tiyuhin ni Bench. Tinuro nito ang isang kwarto. "Get whatever you need in that room. You must protect yourself so, go and get your own weapon," sabi nito.

Walang pagdadalawang-isip silang tumungo doon at kumuha ng magagamit nila. Roi's gentle image is gone and was replaced by a ferocious expression. He's ready to do everything just to save her.

Nang makuha ang kailangan, mabilis silang nagpaalam sa tiyuhin ni Bench at muling sumakay sa van. Nagmaneho na si Bench patungo sa lokasyon.

Napatitig lang si Roi sa baril na hawak niya. Never in his life did he imagined himself holding a gun but now, he's holding it like he's used to.

Mabilsi lumipas ang oras at muling huminto ang van. Hindi nagdalawang-isip si Roi na lumabas. Tinatawag siya ng mga kasama niya pero, dumiretso siya sa loob.

Isang lumang bahay ang kinaroroonan niya. Madilim dito pero, nagpatuloy siya. Nakita niya kasi ang van na sinasabi ni Lexus na nasa likod ng bahay pero, hindi nakatakas sa paningin niya.

Pinasok niya nang walang takot ang bahay at hinanap si Ezra. Natigilan siya nang makarinig ng sigaw mula sa itaas. Bises ng babae 'yon kaya hindi na siya nagdalawang isip na umakyat at doon ay may nakita siyang liwanag sa dulo ng pasilyo.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad patungo doon. Papalapit na siya nang may marinig siyang boses.

"You are not deserving for my son! You're just a useless woman who did nothing but, distract him in his career!"

BoundlessWhere stories live. Discover now