16.

104 16 1
                                    

EZRA GASPS the moment she realized their situation. Tumingin siya sa numero at nakitang nakatigil ito sa number 2, ibig sabihin ay nasa 2nd floor pa lang sila.

The elevator stopped moving and she felt nervous. Dalawa lang sila ni Roi dito at hindi niya alam kung gaano katagal bago umandar ulit o kaya magbukas ang elevator.

She heard something dropped— or someone, rather.

Mabilis niyang nilingon 'yon at nanlaki ang mata niya. Roi Niccolo fell down and began trembling. She could hear him breathing heavily.

Nawala ang pagkailang ni Ezra at napalitan 'yon ng kaba. Agad niyang nilapitan si Roi at mabilis na tinanggal ang suot nitong sumbrero at facemask. Magulo ang buhok ni Roi at pawisan na.

"Roi, hey..." marahang aniya sa binata na patuloy sa panginginig. Her hands went to his chest ang gently caressed it when she saw that he's having a hard time to breath.

"Hingang malalim, Roi. Breathe with me..." sabi ni Ezra at pilit pinatingin si Roi sa mga mata niya. When Roi mets her gaze, she stared at him and held his cheeks. "Inhale..." she started, Roi followed. "Exhale..." aniya at ginaya kaagad 'yon ni Roi.

Ilang beses nilang inulit 'yon hanggang sa hindi na nanginig ang kamay ng lalaki pero, nanatiling nakahawak si Ezra sa kamay niya. Nawala lahat ng pagkailang niya at pagpipigil niya. Hinayaan niyang malapit sa kaniya si Roi. Hinayaan na lang niya na kumalma ang binata habang hawak niya.

Her eyes widened when she felt Roi's arm wrapped around her waist. Huminga nang malalim si Roi at yumakap sa kaniya, pinapakalma ang sarili. Hinayaan naman siya ni Ezra at tinapik-tapik pa ang braso nito.

Parehas na silang nakaupo sa sahig ng elevator at nakasandal. Nakasubsob ang mukha ni Roi sa leeg ni Ezra habang tinatapik ni Ezra ang braso nito. Hinihintay nilang magbukas ang elevator o gumalaw man lang.

Bakit kasi sa dinami-dami ng oras, ngayon pa nasira ang elevator?

Ezra sighs and stared at the door of the elevator.

'Roi is still claustrophobic?' Aniya sa isipan.

Of course, she knew. Dati pa lang, ayaw na ayaw ni Roi na mag-elevator sila dahil sa takot nito pero, bakit sumama ito sa kaniya na mag-elevator? Bakit hindi na lang ito gumamit ng escalator kung may gano'n pa rin pala siya?

Roi is famous now, does that mean na everytime dudumugin siya o palilibutan ng fans, inaantake siya ng phobia niya? Nagpa-panic din siya? Nati-trigger din ba ng fans niya ang phobia niya? Hindi alam ni Ezra kung konektado ba 'yon pero, napapaisip pa rin siya.

"Roi..." she called him, completely forgetting that she's hugging her ex-boyfriend.

"H-hmm?"

"You're still afraid of enclosed spaces... bakit ka sumama sa elevator? Dapat naghagdan ka na lang o kaya nag-escalator," kalmadong aniya habang nakatingin pa rin sa pinto ng elevator.

"I... I don't wanna leave you alone," Roi whispered but, it gave her a double meaning. Iwinaksi niya kaagad sa isipan ang naisip niya at muling nagtanong.

"K-kapag ano... kapag pinalilibutan ka ng fans mo, hindi ba nati-trigger?" tanong niyang muli. She felt Roi shook his head.

"No, I'm only panicking when I'm stucked in an enclosed room... like this elevator. I don't have enochlophobia or ochlophobia so, I'm not afraid of crowds, just enclosed spaces," sagot ng binata.

Ezra sighs in relief. Mabuti na lang at hindi dahil, mahirap talaga kung gano'n ang sitwasyon. Kilala si Roi kaya hindi maiwasan na dudumugin siya ng tao. It just means that he's only panicking when he's in a room with enclosed spaces. Hindi nati-trigger ang phobia niya kapag maraming tao pero, nag-aalala pa rin siya dahil nga may claustrophobia pa rin ang binata.

BoundlessWhere stories live. Discover now