04.

132 13 0
                                    

EVERY SINGLE day since Ezra applied, she's been waiting for a call. Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang mag-apply siya pero, hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa kaniya.

She tried to visit the pages or social media accounts of those workplaces to check for updates and when she saw the latest posts, she felt busted.

List of applicants accepted! Kindly visit the office...

She roamed her eyes on the names listed but, she didn't find her name. She felt something heavy in her chest. Hindi pala siya natanggap sa trabaho kaya pala walang tumatawag sa kaniya.

Sunod niyang tiningnan ang iba pa, umaasa na baka sa isang in-applyan niya ay natanggap siya, hindi pa lang tumatawag pero, halos panghinaan siya ng loob dahil gano'n din ang resulta.

May isang wala pang update at ang iba ay may updates na pero, wala pa rin siya sa mga natanggap. Isa na lang ang pag-asa niya pero, paano kung pati doon ay bigo siya? Saan pa siya maghahanap ng trabaho?

She absentmindedly scrolled to her feed to distract herself. Huminga siya nang malalim para maibsan ang bigat na nararamdaman niya. Akala niya ay gagaan ang loob niya pero, sa kaka-scroll niya, nakita niya ang post na pinakita ni Liezel sa kanina lang.

It's the post from Atlantis' manager. Posted one day ago.

Good day! I know that this will cause commotion but, Atlantis' member, Roi needs a new Personal Assistant because, his previous one resigned due to health issues.

Alam ko na pangarap niyo ito kaya, go na! Apply na! Legit, no lies!

Application form here:

She scrolled the comments and it was filled with Atlantis' fangirls. Napailing na lang siya habang nagbabasa ng comments at hindi maiwasang matawa.

Kahit maging bimpo na lang daw sila nung tarantadong 'yon, okay na?

What's with them? Hindi naman kagwapuhan 'yong lalaking 'yon.

Tinitigan niya ang link na parang inaaya siyang pindutin na 'yon at mag-fill up pero, agad niyang pinilig ang ulo.

Baka may natanggap na, ba't pa ako maga-apply? Imposibleng matanggap ako d'yan.

Ezra was caught off guard by her thought.

Did she just considered applying?

"No, no, no!" she chanted and turned off her phone. "Bakit ko naman iko-consider na mag-apply sa kaniya? Sino ba siya?" she whispered and stared at the ceiling. Pinagsusuntok niya ang hangin sa inis at parang ewan na gumalaw galaw sa kama.

Sa sitwasyon 'yon, naabutan siya ni Crisa at Liezel na balak sanang ayain siyang manood ng movie sa kwarto ni Alyssa.

"Anong nangyari sa kaniya, 'te?" bulong ni Crisa kay Liezel. Pareho silang nanatiling nakatayo doon at pinanood si Ezra na ngayon ay nakatayo na at nakikipag-boxing sa hangin.

"Malay ko d'yan. Baka may nakain at naging air boxer na," iiling-iling na sabi ni Liezel at kinuha ang tsinelas niya. Naghintay siya ng pagkakataon bago hinagis kay Ezra ang tsinelas niya.

"Aray! Potaena!" reklamo ni Ezra habang nakahawak sa ulo niya. Napangisi si Liezel at kaagad hinila si Crisa papalayo sa kwarto ni Ezra.

"Tago tayo! Tago!" ani Liezel at dahil doon ay napatakbo na rin si Crisa. Tinakbo nila papunta sa kwarto ni Alyssa na mukhang naguguluhan sa sitwasyon. Bago pa man nila masara ang pinto, narinig na nila si Ezra na nagsisisigaw.

"Crisa! Liezel! Humanda kayo sa akin!"

Liezel was shocked when the door opened and there stood, Ezra with her messy hair. Hawak din nito ang tsinelas ni Liezel at walang sabi-sabing dinambahan silang dalawa. Si Alyssa ay napanganga lang habang pinapanood ang rambulan ng tatlo niyang kaibigan.

Later that night, Ezra tried to look for a job once again. Nakokonsensya na rin siya dahil puro si Liezel, Aly at Crisa ang nagbabayad ng renta nila sa condo at mga pangangailangan nila. She wants to provide and contribute too.

Kaso, minamalas siya dahil wala siyang nahahanap na trabaho.

She remembered the job Liezel said. Roi's assistant.

"Huh! Why would I even consider?" she scoffed. "But, I need a job," she whispered.

Gusto niyang makahanap na ng trabaho. May isang available kaso, ayaw naman niya. Gusto lang niyang isalba ang sarili niya sa masasakit na alaala. Masama ba 'yon?

Pero, kailangan na niyang makahanap ng trabaho.

"Ezra, p'wedeng pumasok?" she looked at her door and saw Crisa. Mabilis siyang tumango kaya napangiti ang kaibigan at lumapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Crisa sa kaniya.

"I'm looking for a job," diretsong sabi ni Ezra habang nakatutok ang mata sa laptop.

Crisalyn watched her and sighed. "Wala pa rin?"

Ezra sighed and shook her head. "'Yong mga dati kong in-applyan, may mga resulta na. Hindi ako natanggap kaya susubok ako ulit ngayon."

"Liezel is offering you a job, right?" Crisa watches her reaction carefully. Ayaw niyang pasamain ang loob ni Ezra pero, gusto niya rin na tulungan ito sa problema nito.

"A job to be his assistant? 'Wag na," nakasimangot na sabi ni Ezra.

Of course, she wouldn't want to work for Roi.

"But, you are looking for a job, right? There's one..." Ezra didn't answer and Crisa immediately felt guilty. Parang pinipilit niya ang dalaga na magtrabaho kay Roi kahit ayaw nito.

Nanatiling tahimik si Ezra kaya hindi alam ni Crisalyn kung ano ang nasa isip nito. Nagalit ba ito dahil binanggit niya si Roi? Sumama ba ang loob nito? Sana pala hindi na siya nagbanggit tungkol sa trabaho kay Roi.

"I hate him, Crisa. I don't wanna see him anymore..." Ezra muttered. Natahimik ito bago lumingon sa kaniya. "Pero, trabaho na mismo ang lumalapit sa akin. Umayaw man ako pero, wala na akong choice kung hindi ang sumubok doon. Susubok lang ako pero, kapag may natanggap na doon, edi tutuloy ako sa paghahanap ng trabaho," ani Ezra.

Huminga nang malalim si Ezra at tumungo sa nasabing post ng manager ng grupo. Pinindot niya ang link habang si Crisa ay tahimik na pinapanood siya.

Ezra silently answered the form and when she came across that one specufic question, she answered it absent-mindedly.

What can you do to help Roi as his personal assistant?

Answer: Assist him, that's what an assistant do.

Napatulala si Crisa nang makita ang sagot ni Ezra. Hindi niya maiwasang matawa sa sagot nito. Halatang ayaw talagang matanggap siya. Sumubok lang talaga pero, halata namang ayaw nitong matanggap siya doon.

"Paano ka magkakatrabaho niyan?" natatawang tanong ni Crisa.

Ezra pouted. "Sabi ko, 'di ba? Susubukan ko lang," sagot nito at nang magkatinginan sila, pareho na lang silang natawa.

But, the next day, Liezel called her and she couldn't help but to sighed heavily.

BoundlessWhere stories live. Discover now