Special Chapter: Deiv x Angel

51 6 0
                                    

Happy Valentine's Day, Injil! Hart hart!

"ANGEL, may binili ka bang puto?" Deiv asked his P.A, Angel when he entered the dressing room.

Napairap na lang si Angel pero, tinuro din ang bag niyang naglalaman ng paborito ng lalaki.

"Ayos! Salamat, master!" Deiv exclaimed and went to her bag. Hinalungkat nito ang gamit niya at nang makita ang plastic na may lamang puto, napasuntok pa ito sa hangin.

"Nangupit ka na naman ng puto d'yan kay Angel!" Dumating si Roi at binatukan si Deiv na may kagat nang puto. Natawa na lang si Angel nang muntik nang mabilaukan si Deiv.

Ayan, buti nga.

"Hindi ah! Binigay niya ito!" depensa ni Deiv bago siya tiningnan. "'Di ba?"

"Oo na."

Angel's been working for Deiv for a year now. Mula siya sa probinsya pero, dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya. Nakapagtapos naman siya ng pag-aaral pero, wala siyang pera pang-take ng board exam kaya hinayaan niya muna. She worked as Deiv's assistant to esrn money and she's been earning which is a good thing.

"Halika na dito, aayusan na kita," the make up artist called Deiv. Naupo ito sa upuan sa harap ng vanity mirror. Si Angel naman ay inayos ang mga gamit ni Deiv na nasa gilid.

"Napakakalat talaga," bulong niya nang makita ang mga gamit ni Deiv na kung saan-saan nakapatong. Ang charger nito, nakapatong sa mesa. Ang medyas, nasa ilalim ng couch. Ang pabango, nakalabas sa bag.

"Parang nasa bahay kung makapagkalat," reklamo niyang muli.

"Inii-stress ka na naman ba ni Deiv?" natatawang tanong ni Jayzee sa kaniya nang mapansin ang kunot niyang noo.

"Oo, sobra. Ang sarap mag-resign," biro niya pero, wala naman talaga siyang balak mag-resign. Ang trabaho niyang 'yon ang bumubuhay sa pamilya niya kaya hindi siya aalis.

"As if hayaan ka ni Kuys Deiv," sabi naman ni Ruiz na sumisipsip sa chuckie nito. "For sure, iiyak 'yan si Kuys Deiv kapag nag-resign ka, 'te," sabi pa nito.

"Anong sinasabi mong bata ka? Talaga ito," sabi ni Angel at pabirong kinurot ang pisngi ni Ruiz.

"Hala, masakit! Ang sinasabi ko lang naman, 'te... wait lang," sabi nito bago muling sumipsip sa chuckie. Inubos muna nito 'yon bago siya humarap kay Angel.

"Ayon nga! Ang sinasabi ko, baka umiyak si Kuya Deiv kasi kapag nawala ka, wala na siyang supplier ng puto!"

"Supplier," natatawang sabi ni Angel at napailing na lang sa kalokohan ni Ruiz.

"Jayzee, you're next!"

Jayzee stood up when Deiv went to them. Naupo ito sa tabi ng gamit na inaayos ni Angel at pinagpatuloy ang pagkain ng puto.

"Maiwan ko muna kayo," sabi ni Ruiz at umalis. Lumapit ito kay Roi at Bench na abala sa paglalaro habang naghihintay ng oras.

"Next time, 'wag mong hayaan lang na nakalapag ang gamit mo kung saan-saan, okay? Kapag nawala naman 'yang gamit mo, magagalit ka," sermon ni Angel.

"Understood, master," sabi ni Deiv habamg ngumunguya pa.

"Puro ka understood tapos, hindi mo naman ginagawa," sabi nito.

Deiv straightened his body and faced Angel. Nagtaka doon ang babae lalo nang iangat ni Deiv ang dalawang kamay at pinagdikit ang dalawang hintuturo nito.

"Sorry na, 'wag ka na galit. Uwu!"

Angel's jaw dropped when Deiv's voice turned thin. Parang bata na nagpapa-cute na hindi naman cute.

BoundlessWhere stories live. Discover now