28.

94 12 0
                                    

MAAGANG NAGISING si Ezra at nagpasyang magluto ng almusal para sa mga kaibigan niya. Nagtabi na rin siya ng pera pambayad sa condo nila. Gusto niyang makapag-anbag sa mga gastusin kaya magbibigay siya mamaya sa mga kaibigan niya.

She hummed as she cooks breakfast. She could feel the lightness in her heart after that talk with Roi. Naliwanagan na siya sa rason ng lalaki. Nalaman na rin niya ang lahat pero, ang pinag-aalala niya ay ang tatay nito.

Nahirapan din siguro si Roi dahil mag-isa siya no'ng mga panahon na nagkahiwalay sila. Wala siya do'n, walang kasama si Roi no'n. Thinking about it hurts Ezra.

Hindi lang pala siya ang nahirapan at nasaktan. Pareho pala sila.

Ngayong nagkaliwanagan na sila, wala nang rason para umiwas si Ezra. Hindi niya ipagkakaila ang nararamdaman para kay Roi. Mahal pa rin naman niya ang binata.

Nang matapos sa pagluluto ng simpleng agahan, naghain kaagad si Ezra at ipinagsalin ang bawat baso nila ng juice bago siya naupo para hintayin ang mga kaibigan.

Tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang kinuha 'yon. Nakita niya ang mensahe ni Roi kaya napasandal siya sa upuan bago, binuksan 'yon.

From: Sir Roi

Good morning!

A smile formed in her lips. She also felt something in her stomach as she stared at the message. She sighed as she felt herself missing those morning greetings from Roi.

To: Sir Roi

Good morning din!

Hindi na niya kung anong isusunod pero, bago pa man siya makapag-isip, muling nag-text ang lalaki.

From: Sir Roi

Nasabi na ba sa 'yo ni Manager Ree? May schedule kami bukas na interview sa isang magazine.

Napanguso si Ezra bago nag-reply.

To: Sir Roi

Gano'n ba? Wala pa siyang sinasabi sa akin pero, baka mamaya pa niya sasabihin. Bakit nauna ka na? -_-

She bit her lips with her message. She felt comfortable talking to Roi like those message. Maybe, they're really fine now.

From: Sir Roi

Sorry po, madame! Kapag sinabi mamaya sa 'yo ni manager, umakto ka na lang na gulat tapos, kunwari, wala akong sinabi.

"Wow, what a good morning! Nakangiti na kaagad si anteh." Napalingon si Ezra at nakita ang mga kaibigan niyang gising na.

Ngumiti si Ezra. "Magandang umaga," bati niya.

Nakangiting tinuro siya ni Alyssa. "Ay, maganda ang mood!" puna nito sa kaniya. Natawa na lang si Ezra at hindi na sumagot pa.

"Kumain na kayo, ako nagluto niyan," ani Ezra at tinabi na ang phone niya. Ipinaghain niya ang mga kaibigan niya ng pagkain at hindi na lang niya pinansin ang mga nagtatakang tingin.

"'Wag niyo akong tingnan, kain na lang tayo," aniya at nagsimula nang kumain.

"Ano ba kasing mayroon? Ang ganda ng ngiti mo ah," puna ni Liezel sa kaniya habang nagsasandok ng kanin.

"Wala, bakit ba? Lagi namang maganda ang mood ko ah," sabi ni Ezra bagi nagsimulang kumain. Hindi pa rin siya tinatantanan ng tingin ng mga kaibigan kaya napahinga na lang siya nang malalim bago napailing.

Hindi na rin nagtanong ang mga kaibigan niya at iniba na lang ang usapan. For the first time after years, Ezra felt the genuine happiness. Naging masaya naman siya kasama ang mga kaibigan niya pero ngayon, iba eh. Mas masaya siya dahil siguro naalis na sa kaniya ang bigat na dinadala matapos nilang mag-usap ni Roi.

BoundlessWhere stories live. Discover now