06.

112 16 0
                                    

BAKIT ako minamalas?

Hindi maiwasang tanong ni Ezra sa sarili niya nang makalabas sa shop na in-applyan niya. Hindi rin siya natanggap dito at hindi rin niya alam kung bakit parang sinalo na niya lahat ng kamalasan sa araw na 'yon.

Nananadya ba ang universe? Bakit halos lahat ng in-applyan niya, ayaw sa kaniya? Maayos naman ang resume niya. Hindi naman siya mukhang pulubi. Hindi naman siya mabaho.

Bakit walang tumatanggap sa kaniya?

Bagsak ang balikat niya habang naglalakad pauwi, walang balak na sumakay kahit mas mabilis 'yon para makauwi siya. Gusto niyang maglakad at magpahangin pero, naputol 'yon nang may humintong sasakyan sa gilid niya.

"Ezra!"

She turned her head and saw Crisalyn with her boyfriend. Mukhang pauwi na rin ang mga ito.

"Sakay na, hatid ka namin," Crisa's boyfriend, Yasser, smiled at her. Agad ding tumango sa kanya si Crisa at dahil sa pagod ay sumunod na kaagad siya.

Sa likod siya naupo at sumandal kaagad sa upuan. Nilingon siya ni Crisa at inabutan ng tubig. Nagpasalamat si Ezra sa kaibigan at uminom ng tubig na binigay nito. Ubos na rin kasi ang mango juice na pinabaon ni Alyssa sa kaniya. Sa sobrang init ba naman ng panahon kanina, malamang ay mauubos niya nga ang malamig na inumin.

"Kumain ka na?" tanong ni Crisa sa kaniya. "Kung hindi pa..." bumaling ito sa boyfriend niya. "Mahal, daan tayo sa drive thru," pagkausap nito kay Yasser na nilingon din si Ezra para antayin ang sagot nito.

Maggagabi na rin at kaninang tanghali pa huling kumain si Ezra. Naramdaman niya ang gutom kaya hindi na siya nagdalawang isip na sumagot.

"Hindi pa ako kumakain," mahinang sabi niya. Tumango lang ang lalaki at nagmaneho patungo sa malapit na drive thru.

"Maraming salamat," aniya nang iabot sa kaniya ang pagkain na si Yasser pa ang nagbayad. Nahiya siya bigla at nilingon si Yasser na nginitian lang siya.

"Walang anuman. Ihahatid ko na kayo pauwi, kain ka lang d'yan," sabi sa kaniya ng lalaki.

Hindi muna siya kumain at hinintay na lang na makauwi sila. Hindi tinanong ni Crisalyn kung anong nangyari pero, inihanda pa rin ni Ezra ang sarili. Hindi man magtanong si Crisa pero, paniguradong magtatanong si Alyssa o si Liezel.

Nang huminto ang kotse ni Yasser sa tapat ng tinitirahan nila, binalingan niya ang nobyo ni Crisalyn at muli siyang nagpasalamat bago lumabas ng sasakyan. Hinintay niya si Crisa na mukhang nagpapaalam pa sa boyfriend.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, mahal," sabi ni Crisa at nakita niyang humalik sa labi nito ang lalaki bago nagpaalam. Lumabas si Crisa sa kotse at nilapitan siya. Sabay nilang pinanood ang pagharurot ng sasakyan ni Yasser hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

"Tara, pasok na tayo," sabi niya kay Crisa.

Pagpasok nila ay naabutan nilang nasa sala si Aly at abala sa pinapanood. May yakap pa itong lalagyan ng ice cream. Lumapit si Crisa sa kaibigan at tumabi. Napatili pa si Alyssa sa gulat dahil abala ito sa pinapanood at ngayon lang yata sila napansin.

"Grabe naman, focus na focus sa pinapanood," natatawang puna ni Crisa.

"Ang ganda kasi! Nasa climax na oh!" Aly exclaimed and turn at them. "By the way, magandang gabi, Crisa..." Then, she noticed Ezra. "Ezra! Nandito ka na rin pala! Kumusta ang araw mo?"

Ezra sighed in exhaustion and sat beside Aly. Wala na sa palabas ang atensyon ni Alyssa. Pareho silang naghintay sa sagot ni Ezra at nang makita ang malungkot at pagod na mukha ni Ezra ay walang sabing niyakap siya ni Aly.

BoundlessWhere stories live. Discover now