15.

109 15 0
                                    

EZRA SIGHS as she looks at her reflection on the glasswall of the shop they passed by. Nakita niya ang sarili niya doon. Ang buhok na dati ay hanggang bewang ay hanggang balikat na lang ngayon dahil nga pinagupitan siya.

When Brylie called her and invited her to come with them, she immediately agreed. Gustong-gusto rin niya na makipag-bonding sa dalawang babae dahil miss na miss niya ang mga ito.

Kaya kahit day-off niya ay pumunta siya at nagulat na lang siya nang hilahin siya sa parlor ng mga ito. Ang alam na lang niya ay ginugupitan na siya at kinukulayan na ang buhok niya.

She admits that she loved her new haircut and her new looks. Mas mapresko ang pakiramdam niya.

"Hey," she heard Roi Niccolo's voice behind her. Napatingin siya sa repleksyon nila sa salamin. Roi is towering behind her. Hanggang balikat lang siya ng lalaki at napansin niyang nakatingin din ito sa repleksyon nila sa salamin.

"Your new haircut suits you," ani Roi mula sa likod niya. Nag-init ang pisngi niya dahil sa lapit ng lalaki. Naaamoy niya na ang pabango nito at bago pa siya makaramdam ng kung ano, humakbang na siya patagilid at lumingon sa paligid.

"Uhm, wala na 'yong mga kapatid mo. Tara na, sundan natin sila," sabi niya bago naunang maglakad.

Roi sighs and followed her. Sabay silang naglakad at inabala na lang ni Ezra ang sarili sa paghahanap kay Winna at Brylie.

Bakit ba kasi ako huminto? At bakit nagpaiwan din ang lalaking ito?

"Nasaan na sila?" bulong ni Ezra nang hindi na makita sina Winna at Brylie. Lumingon-lingon ang dalaga para hanapin sila pero, sa sobrang dami ng tao ay hindi niya sila makita. Naduduling lang si Ezra dahil sa mga ilaw at sa dami ng tao.

"They're on the elevator going upstairs," sagot ni Roi na narinig pala ang binulong niya. Nilingon ito ni Ezra at nakitang nakatingin ang binata sa phone nito.

"Talaga? Puntahan natin," aniya bago umiwas ng tingin. Naglakad siya patungo sa elevator paakyat. Walang nagsalita sa kanilang dalawa habang hinihintay nila na magbukas ang elevator.

"Anong floor ba sila pumunta?" tanong niya habang binabantayan ang numero sa itaas ng elevator.

Roi cleared his throat. "I don't know," sagot nito kaya agad siyang napalingon.

"What do you mean you don't know?"

"They just told me that they are going upstairs. No specific floor," depensa ni Roi.

Ezra took a deep sigh and faces him. "Sir, you can ask them what floor they are going to," sarkastikong aniya.

Roi Niccolo sighs and instead of following what she said, he puts his phone back in his pocket.

Nagtaka naman si Ezra sa ginawa ng lalaki at akmang magtatanong pa nang mapansing bukas na ang elevator. Dahil walang tao doon ay agad na pumasok si Ezra.

Ezra steps forward and entered. Napaharap siya kay Roi na pumasok na rin. She waited for some more people to enter but, the elevator's door closed already.

Nang lingunin niya ang paligid, napansin niyang sila lang dalawa ni Roi ang nasa loob. Napansin din niya na nakatayo si Roi malapit sa mga buttons doon.

"Bakit sinara mo agad?" tanong niya.

"I didn't," sagot ni Roi. Napairap na lang si Ezra pero, natigilan nang madako ang tingin niya kay Roi at kumunot ang noo niya dahil sa napansing suot ni Roi.

Hindi ba siya naiinitan? Nakasumbrero na at naka-mask pa tapos, nasa loob pa ng kulob na elevator.

Napansin ng lalaki ang pagtingin sa kaniya ni Ezra kaya mabilis siyang lumingon at nasalubong ang tingin ng dalaga. Ezra flinched when their gazes met but, she couldn't look away, same as him.

Gano'n na lang palagi sila sa tuwing nagtatama ang mga paningin. Parang may magnet na naghihila sa kanila na manatiling gano'n at 'wag mag-iwas ng tingin.

Parang bumagal ang takbo ng oras sa paligid nila. Hindi alam ni Ezra o ni Roi kung nasaang floor na sila pero, para sa kanilang dalawa, parang ang tagal ng pag-akyat ng elevator dahil ilang minuto na silang nagtititigan pero, hindi pa rin bumubukas ang elevator.

Pinakiramdaman ni Ezra ang puso niya pero, sa halip ay iba ang naramdaman niya. Kumunot naman ang noo niya at parang natauhan. Nagpa-panic na tumingin siya kay Roi.

"Bakit parang hindi gumagalaw ang elevator?"

.

WINNA AND BRYLIE kept on looking around. Napansin kasi nila na hindi na nakasunod sa kanila ang dalawa.

"Where are they?" tanong ni Winna at sinubukang tawagan ang kapatid niya pero, out of reach ang cellphone nito.

She tried again until, Brylie stops her. May ngiti ito sa labi nang lingunin niya.

"Let them, ate. Alam naman natin na hindi papabayaan ni Roi si Ezra," sabi niya na parang sigurado siya na magkasama ang dalawa at may ibang pinuntahan.

Winna seems to understand her. She nodded and hid her phone. "Okay, tara samgyup tayo. Magpa-take out na lang tayo para sa dalawa," aniya at hinila ang kapatid.

Nang makaupo sila sa upuan ay agad silang um-order ng samgyup. Nagkuwentuhan silang magkapatid habang hinihintay na maluto ang pagkain nila.

Sabay silang kumain at muli ay sinubukan ni Winna na tawagan ang kapatid pero, wala pa rin.

"Umuwi na kaya sila?" nagtatakang tanong niya.

"Baka naglilibot lang, ate. Sabi sa 'yo, hayaan mo na sila," kampanteng sagot ni Brylie.

Hindi maipaliwanag ni Winna pero, may kaba siyang nararamdaman. Isinawalang bahala niya 'yon at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nag-take out sila bago umalis ng kainang 'yon.

"Uwi na tayo, hindi na natin kasama si Ezra eh," ani Winna at sumimangot. "Sabi ko, girls bonding tayong tatlo ngayon tapos, dumating naman ang little bro natin!" pagmamaktol niya na tinawanan ni Brylie.

"Ako nagpapunta kay Roi, 'te. Sorry na, nagtatanong kasi siya kung nasaan tayo eh," ani Brylie at sinamaan siya ng tingin ni Winna kaya tumakbo siya palayo at nauna sa may elevator.

"Napakabruha mo talaga! Kaya nga natin niyaya si Ezra, kasi magba-bonding tayo!" ani Winna at pabirong sinabunutan ang kapatid na tinatawanan lang siya.

"Pagbigyan mo na kasi si Roi! May next time pa naman para makasama natin si Ezra, ate! Si Roi, laging busy 'yan!" aniya bago inalis ang kamay ng ate niya na nakasabunot sa kaniya.

Winna sighed and nodded but, she immediately glance at her sister. "Eh, kung laging busy si Roi, edi busy din si Ezra? Nakalimutan mo ma bang assistant ni Roi si Ezra? Shunga nito!" aniya at binatukan ang kapatid na sinamaan na siya ng tingin.

"Nakakarami ka na, ate ha!"

Nagtawanan na lang sila at sabay na tinungo ang elevator pero, natigil agad si Brylie sa paglalakad dahil napansin niya ang isang staff na may ipinaskil sa tabi ng elevator.

OUT OF ORDER.

Brylie sighed and pointed at the sign. "Sira, ate. Mag-escalator na lang tayo," sabi niya at hinila ang kapatid niya sa escalator.

Habang pababa ay nagdesisyon siyang i-check ang phone niya pero, natigilan siya nang may mensaheng hindi niya pala nabasa.

It was sent almost 1 hour ago. Nang oras na 'yon ay papunta pa lang sila sa samgyup shop. It was a text from Roi Niccolo.

From: Roi-roi

Ate, what floor are you two in? Mage-elevator kami ni Ezra para mapuntahan kayo.

Elevator... 1 hour ago... out of order.

Brylie's eyes widened. "What the fuck?!" she exclaimed, making people around her look at her. Agad siyang lumingon sa ate niya na mukhang nagulat din sa pagmumura niya.

She showed her phone to her older sister and both of them look at each other, both eyes are widening. Wala silang sinayang na oras at kahit umaandar ang escalator pababa ay tumakbo sila paakyat, nabangga na ang mga tao na nagreklamo pero, hindi na nipa pinansin.

They need to get the two of them out of there! Roi is claustrophobic for pete's sake!

BoundlessWhere stories live. Discover now