36.

87 10 5
                                    

HAPPINESS is not about material things. It's not about the money you earn. It's not about  the job you're working at. For other people, it seems like that for some people like Ezra and Roi, their happiness comes from each other.

Ezra couldn't contain her smile as she felt Roi kissing her forehead. Nasa kwarto silang dalawa at magkayakap. Masakit pa rin kasi ang ulo ni Ezra kaya ayaw umalis ni Roi. Hindi na niya pinigilan, gusto rin naman niya eh.

"Do you want to eat something?" malambing na tanong ni Roi at muling pinatakan ng halik ang noo ni Ezra.

"Hmm, hindi naman ako gutom. Ikaw ba?" tanong ni Ezra at tumingala para tingnan si Roi.

"I'm fine. Masakit pa ulo mo?" nakangiting tanong ni Roi sa kaniya. Hindi naman mapigil ang pagngiti ni Ezra.

"Hindi na, okay na ako..." sagot niya. "Hindi ka pa ba hinahanap?" tanong niyang muli sa binata.

Roi looks back and grabbed his phone from behind him and checked if there's any message. Pinakita niya 'yon kay Ezra.

"Wala naman silang message sa akin," sabi nito pero, napansin niyang nakatitig si Ezra sa nakapatay nang screen ng cellphone ni Roi. He smiled and turned his phone on again.

"Looks like an angel," nakangiting sabi ni Roi. Nakatitig pa rin si Ezra sa lockscreen ni Roi.

Candid shot 'yon ng mukha niya habang nakangiti. 'Yon 'yong time na nasa rooftop silang dalawa matapos mag-usap.

"Billions of smile but, yours is my favorite," bulong ni Roi at yumakap sa kaniya muli. Napayakap si Ezra kay Roi at hindi mapigilan ang pagngiti. Nanahimik silang dalawa pero, nang may maalala si Ezra ay muli siyang napatingala.

"May tanong pala ako, Roi..." sabi niya. Agad namang humarap sa kaniya si Roi, handang makinig sa sasabihin niya.

"Nung niyaya mo ako na lumabas tayo..." she paused, waiting for Roi's reaction.

"What about it?"

Bumuntonghininga si Ezra. "I waited for you there but, you said that you couldn't come. May I know what happened?" marahang tanong niya.

Natigilan naman si Roi at napapikit. Yeah, he remembered that night. He was excited to go to her and spend some time with her. Excited siyang puntahan si Ezra sa parke na paborito nila. Plano niyang umamin na rin sana doon kaso, hindi siya makaalis.

"I'm so sorry, love. Manager Ree didn't allow us to go out that night. Nag-meeting kasi kami ng production team saka maaga kasi kaming umalis kinabukasan gawa ng shooting. Hindi rin binigay ni Manager Ree sa amin ang phone namin kaya hindi ako nakapunta," puno ng pagsisising sabi ni Roi.

"Kung wala sa 'yo ang phone mo, edi si Manager Ree ang nag-reply sa akin no'n?" tanong niya. Roi sighed and nodded.

"Maybe," sagot niya.

Ilang sandali pa silang nanatili doon hanggang sa mapagpasiyahan nilang tumayo na dahil naririnig nila ang boses ng mga kaibigan ni Ezra sa labas.

"Nandiyan na yata sila Aly," sabi ni Ezra nang marinig ang boses ng kaibigan. "Wala si Aly sa kwarto niya kanina paggising ko," sabi niya kay Roi.

"Sa bahay ng pamilya ni Alyssa sila nanatili kagabi. Mas malapit kasi 'yon sa restobar na pinuntahan niyo kagabi," sagot ni Roi at lumapit na sa kaniya. Magkahawak-kamay silang lumabas ng kwarto at tumungo sa sala. Nagulat pa sila nang makitang naroon ang mga kaibigan ni Roi. Maging si Angel ay nandoon din.

Si Liezel ang unang nakapansin sa kanilang dalawa. Nasamid pa ito sa iniinom na kape bago nanlalaki ang matang tinuro silang dalawa.

"Hoy, ano 'yan?! Kayo na ulit?" tanong ni Liezel kaya lahat ay napalingon na sa kanila. Umani ng asaran nang makitang magkahawak-kamay sila.

"Binata na si kuys!" sabi ni Ruiz. Napangisi lang si Roi at napailing. Naupo sila sa bakanteng upuan doon.

Nakangising umiiling-iling si Deiv habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Sa wakas at nagkabalikan na rin. Nakakasawa na kayong panoorin na magtaguan ng feelings!"

Roi smirked and puts his arms around Ezra's shoulder. "Akala mo naman kami lang ang nagtataguan ng feelings dito. 'Wag kang mapagpanggap, Deiven," sabi ni Roi at sumulyap kay Angel.

"Paano naman ako? Lahat ng kaibigan ko, may love life. Ako, life lang," parinig ni Liezel at umiiling-iling.

"Sino 'yong sumundo sa 'yo kagabi? 'Yong Drei ba 'yon?" nakangising tanong ni Jayzee na nagpatigil kay Liezel.

"Drei? Sinundo niya ako kagabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Liezel. Gulat na gulat ito at parang nakakita ng multo.

"Oo, Drei daw ang pangalan. Katrabaho mo daw," sabi ni Ezra.

Napasinghap si Liezel at napatakip sa bibig. "Sigurado kayo? Si Drei 'yong nakita niyo? Nagparamdam sa inyo?" tanong ni Liezel.

"Hoy, gaga! Bakit ganiyan ka mag-react? Kinakabahan na ako sa 'yo," sabi ni Crisa.

"Pero... matagal nang wala si Drei."

Ngayon, lahat na sila napasinghap sa sinabi ni Liezel. Bakas ang takot sa mukha nila lalo na ang mga taong nakausap si Drei— si Jayzee, Deiv, Roi at Ezra.

"Tangina mo, totoo ba?!" hindi na napigilan ni Ezra ang magmura dahil sa sinabi ni Liezel. Nagsimula na rin siyang kilabutan at napayakap na kay Roi sa takot.

'May nakausap akong multo?' tanong ni Ezra sa isipan niya.

"Joke lang, guys! Manliligaw ko 'yon si Drei!"

Namayani ang katahimikan nang magsalita si Liezel habang malawak ang ngiti at naka-peace sign.

Bumitaw si Ezra sa pagkakayakap kag Roi. "'Wag niyo akong pigilan, yayakapin ko lang ito si Liezel sa leeg! Mahigpit na mahigpit na yakap lang!" aniya at tumakbo papunta kay Liezel na siyang lumayo na rin at tumakbo papalayo.

Nang mapagod silang maghabulan, natatawang hinila na ni Roi si Ezra para makaupo sa tabi niya.

"Kalma na, pawis ka na oh," sabi ni Roi at hinawi ang buhok ni Ezra.

"Kulit," nakangiting sabi ni Roi habang nakatitig kay Ezra na pawis na pawis gawa ng pakikipaghabulan kay Liezel.

"Magluluto ako ng tanghalian," sabi ni Bench at tumayo na. Sumunod sa kaniya si Crisalyn at Liezel na sinabing tutulong sa pagluluto.

Naiwan silang pito sa sala at natuon kaagad ang atensyon kay Ezra at Roi.

"Grabe, nabuhay lang yata ako para mainggit sa relasyon ng iba," pagpaparinig ni Ruiz saka sumimangot.

"Pst, baby ka pa!" nang-aasar na saway ni Jayzee.

Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Ruiz. "Bata ka d'yan! 21 na ako, 'no!"

"Hindi na pala bata eh, kaya na ngang gumawa ng bata niyan," nang-aasar na sabi ni Roi.

"Naks! Crush ka nung isang host sa afternoon show, 'di ba? Yieee! Baka 'yon na 'yung para sa 'yo," sabi naman ni Deiv na sinusundot pa amg tagiliran ni Ruiz. Inasar na nila si Ruiz doon at napapailing na lang si Ezra habang pinapanood sila.

"Hey..." Nilingon ni Ezra si Roi nang bulungan siya nito.

"Hmm?"

"Date tayo bukas. Ituloy natin 'yong date na hindi natuloy," sabi ni Roi.

Nakangiti namang tumingin sa kaniya si Ezra. "Date pala 'yon?" pagtutukoy niya sa lakad nilang hindi natuloy no'n.

"Of course, love. Date na para sa akim ang mga gano'n. So, ano? Payag ka?"

Pinatakan ng halik ni Ezra ang pisngi ni Roi. "Payag na payag," nakangiting sabi ni Ezra.

BoundlessWhere stories live. Discover now