29.

81 8 2
                                    

TRUTH TO BE TOLD, Manager Ree really did texted about the said schedule. Maaga pa lang ay umalis na siya para magtungo sa agency dahil, maaga daw ang calltime nila Roi. Hinatid na lang siya ni Crisa doon dahil parehong daan naman daw ang tatahakin nila gawa ng may dadaanan pa si Crisa at Yasko.

Nang makapasok sa agency, dumiretso kaagad si Ezra paakyat sa floor kung nasaan ang Atlantis. She sighed when the elevator stopped. Agad siyang lumabas at dumiretso na sa kwarto kung nasaan ang grupo.

Nakita niya kaagad ang mga abalang tao doon. Ang lima ay nakaupo pa at nagkukwentuhan. May isang staff ba nasa harapan nila at may hawak na camera.

'They're probably vlogging,' ani Ezra sa isip niya. Dumiretso na kaagad siya kay Manager Ree para magpakita dito. Nilapitan niya ang babae pero, natigil siya nang tumayo ito at umalis, mukhang hindi siya nakita.

Before the manager went out, she heard what she said.

"Are you sure, sir? You'll come here? Okay, I'll do my best to make her stay away from him."

Ezra became confused and curious but, she shrugged it off. Tumungo na lang siya sa ibang staff para tumulong sa mga ito.

"Ezra, p'wedeng pakidala nitong rack sa may gilid? Pasuyo na lang, wala na kasi mautusan," sabi ng isang wadrobe stylist nila. Hindi nagdalawang-isip si Ezra na sumunod. Napakagat labi siya nang mapansin na nakatingin na pala sa kaniya si Roi habang nasa harap pa rin ng camera.

Nginitian niya ang binata bago, tumuloy sa dapat gawin. Nagpatuloy lang siya sa pagtulong sa mga staff hanggang sa tawagin na ang lima para maayusan.

She assisted the make-up artists of Roi. Hindi sila makapag-usap ng binata pero, panay sila tinginan. Ezra felt like a teenager sneaking glancing to her secret partner.

"Pikit ka, Roi," sabi ng make-up artist. "Ezra, pasuyo nga, pakuha nung chapstick." Inabot kaagad ni Ezra ang chapstick na nasa harap at inabot sa make-up artists.

"Bihis ka na, Roi. Okay na," sabi ng make-up artists matapos lagyan ng chapstick ang labi ni Roi. Lumapit kaagad si Roi kay Ezra at akmang kakausapin ito nang may magsalita.

"Roi, put on your polo shirt..." utos nito bago nilingon si Ezra. "Can you buy us some coffee? Walang mautusan pababa dahil lahat abala dito."

Kumunot ang noo ni Roi sa inasta ng manager nila. Malamig kasi ang ekspresyon nito at hindi ang usual na ngiti ang ipinapakita. May problema kaya?

"Ah, sige po. Ilan po ba?" tanong ni Ezra na agad tinanggap ang pera pambili.

"Here's the list," sabi ng manager bago siya tinalikuran. Nagtataka man, sinunod na lang ni Ezra ang utos.

Baka badmood lang si Manager Ree.

"Hey," pigil ni Roi sa kaniya nang akmang lalabas na siya. Agad niyang nilingon ang binata na nakasuot na ng kulay itim na polo long-sleeve shirt nito.

"Hmm?" tanong niya.

Hindi pa maayos ang pagkaka-tucked in ng damit ni Roi. Nakasuot ito ng itim na slacks at white sneakers. May gold chain necklace din ito na talagang bumagay sa suot niya. Black suits him. He looks more manlier in black. Matikas na matikas ang dating nito sa suot nito. Hindi nakakasawang tingnan.

"Mag-isa ka lang bababa? Samahan na kita?" Roi Niccolo offered. Napailing kaagad si Ezra at marahang inalis ang hawak ni Roi sa braso niya.

"Bakit mo ako sasamahan? Hindi ka p'wedeng umalis dito," sabi ni Ezra. "Kaya ko na, 'wag kang mag-alala," aniya at naglakas loob na tapikin ang pisngi ni Roi.

Roi sighed and closed his eyes. Kinuha nito ang kamay ni Ezra at hinawakan. "Mag-ingat ka, ha? Kung p'wede, magpatulong ka na lang magbuhat kapag nabigatan ka sa mga pinabili sa 'yo," bakas sa boses at mata nito ang pag-aalala na nagpangiti kay Ezra.

BoundlessWhere stories live. Discover now