Prologue

96 2 0
                                    

...

"James Bremen, ikaw nanaman?" tanong ng isang dalaga habang hawak niya ang isang itim na clip board at nakaharap sa isang binata na ngayon ay nakangisi ngunit nakatingin lamang sa kamay na kinukutkot ang babasaging lamesa. "Ilang beses ka na bang nakapasok dito sa guidance office ngayong buwan? Isang buwan palang ang lumilipas ngayong school year, halos gawin mo ng tambayan 'tong guidance."

"Sorry po.." ngiti nitong paumanhin na tila nakikipaglaro pa sa babae na napabuntong-hininga at inilapag ang clip board sa lamesa saka siya umupo sa tapat ng binata na ngayon ay inangat na ang tingin sakaniya.

"Hindi ka ba nagsasawa pabalik-balik dito sa guidance? This is your fourth time being here.. Nakakaisang warning ka na for suspension, wala ka ba talagang balak na manahimik muna?"

"Miss Pres naman.. 'Wag kang stress, ako lang 'to.." pabiro pa nitong ani at tatawa-tawang sumandal sa upuan niya. "Bakit ba ang big deal sa inyo yung paglalaro namin? Bawal ba maging masaya kahit paminsan-minsan?"

"Bermen, ano bang problema mo?" sa kabila ng mgapabirong tono na ibinibigay sakaniya ng binata ay pinanatili niya ang seryoso sa ekspresyon ng mukha niya at kalmadong pakiramdam.. Hindi niya malulutasan ang kaso na ito kung pangungunahan niya ng init ng ulo. "Baraha ang nilalaro niyo at sa harap pa mismo ng guro niyo? Sa tingin mo ba, hahayaan namin yun? Nag-report na sa'min ang ibang teachers na palagi kayong naglalaro ng baraha, at alam mong bawal yun.. Hindi ba, Bremen?"

"Oh, ano naman? Sa iyon ang libangan namin.. Hindi naman kami gumagawa ng masama. Nagtatayaan ba kami ng pera?" taas ang kilay na ani nito at pinagkrus ang mga braso. "Hindi, 'di ba? Naglalaro lang talaga kami, ungguy-ungguyan bawal din? Pares-pares na lang yun, pinagbabawalan pa?"

Napabuntong-hininga ang dalaga saka niya sinapo ang noo.. Tila sumasakit na ang ulo niya sa pagdadahilan ng binata na nasa harap niya. Kung wala lang siguro siya sa wisyo ay baka na-sample-an niya na ito ng matinding sapak.

"Sige.. Pagbibigyan ko kayo ngayon---lalo ka na. Pero once na mahuli ko kayo mismo na nagbabaraha sa harap ng mga teacher habang nagkaklase, kukumpiskahin namin iyon at bibigyan kayo ng warning for suspension. Naiintindihan mo ba?"

"Grabe naman yun, Pres.. Kaklase mo 'ko, pagbigyan mo naman kami."

"Bremen, gusto mo bang isumbong pa kita sa tatay mo?" pananakot na nito kaya napabuntong-hininga na lang ang binata at muling ipinagkrus ang mga braso na tila isang bata na nagtatampo. "Pasalamat ka't wala si Principal Bremen dito.. Dahil kung nandito siya, bugbug ng salita ang aabutin mo. Hindi lang suspensiom ang aabutin mo, pati palo sa puwit."

"Luh, ano ako? Bata? Bwisit, ah.."

"Ayus-ayusin mo kasi ang sarili mo, Bremen.. Alam mong bawal, nagdadala ka pa. At paano'ng hindi nakapkap ng mga COCC's 'yang baraha?"

Doon naman sumilay ang ngisi sa labi ng lalaki at tinitigan ang dalaga na nakatitig sakaniya. Nung magsalubong ang mga paningin nila ay doon dahan-dahang nawala ang ngisi niya..

Hindi niya malaman ngunit tila may biglang tumusok sa gilid ng katawan niya. Iyong tusok na hindi masakit, kung hindi ay nakakakiliti. At iyong kiliti na iyon ay hindi lamang nanatili doom, bagkus ay gumapang iyon pataas sa dibdib niya't doon niya na din naramdaman ang pagtaas ng mga balahibo niya..

"Puta.." mahina niyang pagmumura at napaiwas ang tingin habang paulit-ulit na tumataas-baba ang kaniyang lagukan na tila paulit-ulit niyang nilulunok ang namumuong laway sa bibig.

"Bremen, umayos ka ha.. Maawa ka naman sa record mo. Baka magdadalwang buwan palang, wala ka na. Napatalsik ka na." sermon nito sakaniya kaya napatikhim siya..

High School SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon