34

18 2 0
                                    

. . .











Napatunganga si James dahil sa sinabi ng kasintahan. Nakatitig lang siya sa maganda nitong mukha, habang ito ay pinupunasan ang pawis niya sa leeg.. "A-ano??" tugon na lang niya kaya napaangat nito ang tingin sakaniya.

"Pinsan ko si Kuya Draco." pag-ulit pa nga nito. "Kaya nga kami laging magkasama kasi magpinsan kami, at kaya lagi namang tinatawag si Kuya Leon ay dahil nanlilibre si Kuya Draco. Minsan lang manlibre yun kaya sinasagad na namin."

"T-tapos??"

"At kaya nga siya ang ipinartner ko sa akin sa pagsasayaw ay dahil komportable naman ako sakaniya dahil pinsan ko siya, at inaasahan kong pati ikaw pero kabaligtaran ang nangyari.. Hindi mo pala kilala ang isa pa naming buong pinsan. Anak si Kuya Draco ng Tita namin.. So, yeah.."

Napalunok naman si James at hinawi ang kamay ni Nella bago tumalikod kaya tatawa-tawa siyang hinatak pabalik ng nobya.. Siya naman 'tong panay ang takip sa mukha dahil alam niyang namumula na siya sa hiya. Parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa. "Ih! Mahal!"

"Sorry na kung nagselos ka, hindi ko nasabi sa'yo agad eh.." tatawa-tawang saad nito kaya napatakla ang lalaki at sinunggaban siya ng yakap.. "Akala ko ba nagseselos ka? Bakit niyayakap mo 'ko ngayon?"

"Eh, kasi..! Akala ko naman.. Ih!" padyak ni James saka umatras.. "Bakit kasi hindi mo sinabi? Nakakahiya tuloy! Tampo tampo pa ako dito, tapos wala din! PINSAN MO NAMAN PALA YUN!"

"Bakit kasi hindi ka muna nagpadalos-dalos?"

"Eh, wala na eh! Ih! Ayoko na nga! Bahala ka d'yan.."

"Halah siya! HOY!" tatawa-tawa pading habol na ni Nella kay James na pumasok na sa court. Kita naman niya ang pagtawa ng guro kay James na umirap sakaniya bago pinigil ang ngiti.

"Ano? Maayos na kayo?" tanong ni Samantha..

"Maayos na, napahiya eh.."

"Bakit daw ba??"

"Hindi niya kasi alam na pinsan ko si De Leon."

"HUH?! PINSAN MO SI DE LEON?!" gulat na ani nito na siyang ikinagulat din nila Maeya. "P-puta! Ang tagal ko nang kalandian 'yan, ngayon ko lang nalaman na pinsan mo 'yan?! Halos mamatay na ako sa pagseselos kanina?! Tapos PINSAN KA PALA?!"

"Gan'yan din ang reaksyon ni Bremen kanina.." panunukso ng dalaga kaya napahagalpak ng tawa si Samantha at napa-yakap sa bewang niya para matago ang hiya.

"Nakakahiya ako! Halah! Napaghahalataang nang-aangkin! Kainis!"

Nakipag-apir si Nella kay Lexi na tatawa-tawa. Alam nitong pinsan niya si De Leon pero hindi nito sinasabi, nanatili itong inosente kanina pa. Nako nako.

Natapos ang laro ng Volleyball Boys na nakuha nanaman ng Grade 10. Kaya abot-langit nanaman ang ngiti ng adviser nila. Inangat pa nito ang braso habang bakat na bakat sa pisnge nito ang napakalalim na dimple. Kapag lumalim ang dimple nito, senyales na tuwang-tuwa ito. Gano'n lang nila mababasa ito.

"Galing ni James! Nagselos kasi sa pinsan!" sigaw ni Sir Dan kaya napatago ni James ang mukha sa palad habang nakangiti. Si Vice President De Leon naman ay pumunta sa gawi nila at binigyan ng tapik sa balikat ang binata..

"Ikaw, ah! Muntikan na akong matamaan nung bola! Pakiramdam ko---mamamatay ako doon!"

"S-sorry! Hindi ko kasi alam! SORRY TALAGA!"

"Grabe 'tong estudyante mo, Sir.. Gigil na gigil sa akin kanina, kaya nga napapaiwas na lang ako kasi pakiramdam ko habang lumilipad yung bola---umaapoy eh!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now