32

20 2 0
                                    

. . .









Matapos ang laro nila ng volleyball ay nagsiakyatan na sila pabalik sa silid nila, kasama ang guro nila na napakalaki ng ngiti sa labi. Bukod kasi sa waiting sila for Championship ng Basketball, ay waiting for Championship din sila sa Volleyball.. "Galing ni Nella mag-spike!" agad na hiyaw ni Sir Dan dahilan para matawa si Nella na ngayon ay nakapagpalit na ng Beige na T-shirt.. "Batak na batak!"

"Nakasimangot ka na kasi, Sir kaya binatak ko na.." birong saad ng dalaga kaya napahagalpak ng tawa ang magkakaklase. Ang adviser naman nila ay napatawa din. "Dapat talaga, Sir hindi ako makakasali kasi wala akong jersey.. Ang akala ko kasi puro boys ang uunahin ngayon, kaya basketball lang din nadala ko. Buti na lang walang laban sila James kaya pinagamit sa'kin yung jersey niya."

"Kaya pala tuwang-tuwa si James, eh.. Sooows!" pagtulak ng guro nila sa pisnge ni James gamit ang hintuturo. "Panay cheer niyan, sigaw nang sigaw.. Akala mo naman siya yung girlfriend, eh!"

"Oo nga, Sir eh.. Batak na batak si Gago kasi nasasapawan ng mga admirers ni Nella eh.. Idagdag mo pa 'yong isa sa mga committee na nakiki-cheer din! Ayaw magpasapaw!"

"S'yempre, boyfriend siya eh! YIIIEEEEEE!"

"WITWIW!"

"KINIKILIG SI BALIW!"

"IKAW BA NAMAN SUOTIN JERSEY, EH!"

"YUN OH!"

"WALA NA! PINIPIGIL NA NIYAN TAE NIYA!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Napailing-iling na lang si Nella sa mga panunukso ng mga kaklase niya saka siya sumulyap saglit kay James na tinatago na ang mukha sa bag niya habang nakahiga ang katawan sa upuan nito. Matapos ang ilang kulitan ay naglinis na sila at nagsilabasan na ng eskwelahan.

"Hindi ka talaga sasama sa'min? Sama na natin 'yang sila Mando?" tanong ni James kay Nella na kasabay niya sa paglabas, sa likod nila ay ang mga kaklase nila't guro.

"Hindi, may ibang lakad kami ngayon.. Magkita na lang tayo sa bahay mamaya."

"Sigurado ka ba?"

"Mm.. Mag-ingat kayo. Hihintayin kita sa bahay mamaya." ngiting saad ng dalaga at tinapik ang balikat ng binata na kumaway at pinanood siyang lumayo dito, kasa-kasama ang dalawang kaibigan.

"Nakakakilig kayo ni James! Hayst! Mamamatay na yata ako sa kilig!" tili ni Athea, ngayon ay nasa isang milktea shop sila. Nag-aya kasi ito na magdate silang trio, dahil nanalo naman sila sa Cheerdance at sa board games. "Kung alam mo lang kung gaano ako naglumpasay kanina nung in-announce mo sa lahat na sinasagot mo na si James! Huhuhu!"

"Kaya nga, beh! Waaahh! Kinikilig ako ng sobra! Like.. yeah yeah!" impit namang tili ni Mando at nakipaghampasan kay Athea habang pumapadyak sila. Si Nella naman ay napailing-iling na lang sa dalawa at sumimsim sa inumin niyang Dark Chocolate.

"Actually.. hindi ko din in-expect na sasagutin ko na siya.. Nung una parang pinag-iisipan ko pa kung bukas o sa susunod na araw pero wala din. Ngayon lang din pala."

"Gagi! Samantalang kani-kanina lang tinatanong ka namin kung sasagutin mo na ba siya or kelan mo siya sasagutin! YIEEE! Kinikilig talaga ako! Patay na patay sa'yo si James, sa totoo lang!"

Ngumiti ng tipid ang dalaga saka pinanood ang dalawang maghampasan nanaman habang may iba nang paksa na pinag-uusapan. Habang nag-uusap naman ang dalawa ay isinuot na ni Nella ang kwintas na galing kay James, iyon ang iniregalo sakaniya ng lalaki habang nanliligaw pa ito. Hinubad niya kasi dahil maglalaro siya at baka biglang kumalas, sayang..

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now