46

26 2 0
                                    

. . .








Day 2 ng photoshoot, katulad ng inaasahan ni Nella ay marami nang aasikaso sakaniya pagkarating palang niya sa set. Ang second concept nila ay parang Greek Goddess concept. Ang suot niya'y Cream White Fairy Dress na may mahaba at palobo na sleeves, habang ang collarbone at balikat ay kita dahil off shoulder ang style nung damit. Ang ayos naman ng buhok niya'y naka-half updo habang may nakasuot na face chain na nakapatong sa ilong niya.

"Wow.." tatawa-tawang ani niya habang lumalakad papaupo sa isang parihaba na bath tub na transparent lang na may tubig. "Maligamgam.."

"Okay lang ba yung temperature, Secretary Camero?"

"Yes po.. Sakto lang." tango niya habang inaayos na ang palobo niyang pang-ibaba. Mabigat iyon dahil puro tela na pinagpatong-patong. Habang hapit naman sa kaniyang bewang kaya dalang-dala ng katawan niya. Habang inaayos niya ang damit ay siya namang pag-aayos din ng isa sa mga hair dressers sa kulot niyang buhok. Tinanggal nito ang face chain niya dahil mas nagustuhan ni Director Jang na wala iyon.

Para na din mas makita ang clean visual ni Nella. Ang mga mata niyang purong itim ay tingkad na tingkad sa harap ng camera nung picture-an siya for sample lang naman. "So, Miss Nella, ang first na gagawin is nakapatong yung baba mo d'yan sa may bath tub habang hawak mo yung perfume. Nakatingin ka muna sa camera bago tayo mag-ibang post. Okay?"

"Yes po.."

"Okay, let's take some shots.." tahimik lang ang lahat habang pinapanood na kuhanan ng mga camera man ang model nilang si Secretary Camero. At ito na ang pangalawang beses na nakita nila itong ganoon, ngunit hindi padin sila makapaniwala sa nakikita.

Oo maganda si Secretary Camero ngunit mukha talaga siyang isang sekretarya dahil na din sa palagi niyang suot na High neck shirt, Blazer, at black highwaist shorts o paminsan ay nakapantalon. Pero ibang Secretary Camero yata ang nasa harapan nila ngayon.

"Pakitanggal ng pagkakatali kay Miss Nella, please.." utos ni Director Jang dahilan para magsikilos ang mga hair dressers at mga make-up staff's para i-retouch ang make-up ni Nella. Katulad ng inutos ng direktor ay tinanggal ng mga hair dresser ang pagkakatali kay Nella at doon bumungad sa lahat ang kumikintab na mahaba at kulot na purong itim nitong buhok.. Na niyayakap ang napakaputi at kinis niyang balat.

"Ang ganda shit! Nag-istraight panic yata ako.." sapo ni Jorji ang dibdib nang sabihin niya ang mga kataga na iyon na para bang hindi na siya makahinga. Namumula pa nga ang mga pisnge't tenga niya habang kumikislap ang mga mata na nakatitig kay Nella na pinahiga sa may tubig ngunit kita pa naman ang itaas na bahagi ng katawan.

Inayos ng mga hair dressers ang buhok nito sa dalawang dibdib habang hawak nito ang pabango na may pangalan na Perfume Donna, Goddess. Ang naunang concept nila ay ang tinatawag nilang Perfume Donna, AI Agent. Ibinagay nila iyon sa mismong concept ng perfume.

"Kung ikaw nag-istraight panic? Ako, nag-gegay panic.." sunod namang sabi ni Merida na malayo ang sitwasyon kay Jorji, sapagkat panay ang dutdot niya sa cellphone.. Kinukuhanan niya ng litrato ang bawat paggalaw ni Nella.

"You guys are creepy.." agad na singit ni Bodyguard Lee kaya marahas siyang binalingan ng tingin ng dalawa, ngunit ang nagtagal ay kay Jorji. "What.. ??"

"Creepy kami?! Sino kaya d'yan yung pulang-pula na?!"

"What?? Me?? Ikaw yun.."

"Oh, yeah? Try to look at the mirror.. haha." sarkastiko na tugon nito kaya napairap si Bodyguard Lee at napatikhim nung sulyapan siya ng amo na nakakrus ang mga braso habang blangko ang ekspresyon. "Sorry, boss.."

"You should be sorry.. psh." singhal ni Jorji bago bumalik sa pagpanood sa shooting. Makailang oras lang ay tapos na sila sa pangalawang concept at dederetso na sila sa pangatlong concept. Which is yung Perfume Donna, Billard Girl. Ang suot na ni Nella ay Itim na one-shoulder shirt na kita ang kabila niyang balikat. Sa pang-ibaba ay hapit na pants at black boots naman. Ang buhok niya'y nakalugay lamang habang wavy na iyon.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now