01

66 3 1
                                    

. . .










"Tang ina mo, oh! Oh! Oh! HAHAHAHAHAHA!" hagalpak na tawa ng lahat sa ginawang pagbuhat ng magbabarkada'ng lalaki sa isa nilang kabarkada na siyang tawa na lang ang nagagawa dahil alam niyang wala na siyang kawala. Apat ba naman ang may hawak sakaniya, eh. "OHHHHH!!"

"Aray ko, Jay! Aray, king ina mo ka talaga!" tatawa-tawang sigaw nito at napadapa na nung bitawan na siya. Humawak pa siya sa ibabang parte ng katawan dahil sa hapdi non. "Mga hayup kayo! BATA PA AKO!"

Napahagalpak nanaman ng tawa iyong magbabarkada at napahiga pa sa malamig na sahig dahil hindi na nila kinakaya ang sakit ng t'yan nila. "Tang ina neto ni Febrero, HAHAHA!" sigaw ni James at napahawak sa t'yan.

Alas-syete palang ng umaga ay grabe na ang kakulitan nila. Parang akala mo ay nakalaklak sila ng sandamakmak na vitamins sa hindi mo malamang dahilan. Iyong iba nilang kaklase ay napapailing-iling na dahil ang iba sakanila ay sanay na.

Hindi naman kasi sila lahat magkakaklase. Ngayong school year lang dahil ang dating dalawang section ng grade 7, grade 8, at grade 9 ay pinagsama na lang.

"Kukulit niyo, mahuli nanaman kayo ng mga SC niyan, sige.." banta ni Brena na siyang ka-M.U ni James, nakaupo ito sa upuan ni James habang kalong at yakap ang bag ng binata.

Ang binata naman ay kumagat sa ibabang labi para pigilin ang sarili na ngumiti. Alam niya kung gaano siya gandang-ganda sa dalaga kahit pa M.U lamang sila. Mabilis siyang magandahan sa babae pero iba talaga ang karisma ng dalagang nasa harapan niya..

"Pagbigyan, pagbigyan.. Ngayon lang, eh." angil ni Jay na siyang pinakamatanda sakanilang magbabarkada. Nakaupo padin ito sa sahig habang nakatukod ang mga palad sa likuran. "Minsan lang maging masaya, eh.."

"Sige, bahala kayo.. Kaka-office lang niyan ni James kahapon, gusto niyo ba ngayon ulit?"

"Depende." biro naman ni Bj na siyang isa sa mga kaibigan ni President Cameron. "Basta 'wag ka maingay.. Mahaba.." pang-aasar nito kaya napatawa si Brena at binato ito ng nakalukot na papel ng kuwaderno na iniwasan lang nito at sinalo saka binato pabalik sakaniya.

"Parang tanga 'tong mga 'to. Tumayo ka na d'yan, James. Dali na.." aya ni Brena sa binata na wala ng choice kung hindi ang tumayo at umupo sa tabi nito. Sinundan naman siya ng mga barkada niya at nanahimik na dali sakto din non ay nag-ring na ang bell nila.

"Ano nanamang---bakit magulo doon sa may rest area?" tanong ng adviser nila na siyang unang subject din nila. "Ginulo niyo nanaman doon! Pagagalitan nanaman tayo ni Principal, d'yos ko naman!"

"Sorry na, Ser.. Oh, Cleaners! LINIS!" sigaw ni Jay kaya natawa ang ibang kaklase nila. Iyong mga cleaners naman ay nagsitayuan at walang choice na nilinis yung rest area nila dahil kapag naabutan pa iyon ng mga SC ay pare-pareho lang silang pagagalitan.

Alam ng lahat kung gaano kahigpit ang mga SC's, lalo na ang Presidente ng buong school. Tapos na kasi ang election nila ng SC at karamihan sa mga pumasok ay Grade 10, kaya takot na takot ang iba namakagawa ng mga mali dahil kapag nakgawa sila ng kasalanan at kung sakaling tanggihin nila, ichecheck ang CCTV footages. At mas malaki ang parusa mo kung sakaling gano'n ang mangyari.

"Wala pa yung mga SC's--ayan na pala.. Sakto, ah!" ngiti nitong ani kaya napalingon ang lahat sa puti nilang pintuan at doon iniluwa non ang limang estudyante, SC's ng Grade 10. "Nasaan si Pres?"

"Nakasunod, Sir. Kinakausap po ni Miss Apple." sagot ng isang dalaga na nagngangalang Athena. "Ayan na po." turo nito sa dalaga na kakapasok lang ng kwarto.

Kumaway ito sa adviser nila at umupo na sa upuan nito, katabi si Athea at Mando. "Okay, let's start na? Ano, Pres?"

"Po?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now