50

27 2 0
                                    

. . .











Hindi na yata alam ni James ang dapat pang maramdaman niya.. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang nakikita niya ngayon sa mga mata ng dalaga. Nandoon ang labis na pag-aalala para sakaniya, at ang sandaling pagkislap ng mga sulok non na tila pinaparamdam sakaniya na alalang-alala nga ito para sakaniya. Ayaw nanaman iyong tibok ng puso niya na kanina'y medyo mahina ngunit unti-unting lumakas dahil sa paglapit ng presensya ng babae sakaniya.

"Sabihin mo nga sa akin.. Kailan ka huling kumain?" tanong nito sakaniya gamit ang malabot na boses kaya halos makuyom niya ang mga palad para pigilan ang sarili na sunggaban ito ng yakap dahil parang nanlalambot na ang puso niya at hindi na talaga niya kayang magpigil pa. "Ha.. ??"

"K-kahapon."

"Kita mo na.. Ngayon, kumain ka. Ayaw ko nang ginugutom mo 'yang sarili mo. Panay ka na nga trabaho, tapos hindi ka pa kumakain. Gusto mo bang bugbugin 'yang organs mo sa loob ng katawan mo, ha?" tanong nito at nagsandok na ng pagkain saka nito hinawakan ang baba niya at marahang kinalabit iyon, senyales na ibuka niya na iyon.

Ginawa naman niya at sinubo ang pagkain na nasa kutsara habang nakatitig lang sa mukha ng babae. Ito na ang pangalawang beses na pakakainin siya nito at nung una nitong ginawa ulit iyon ay halos maluha siya dahil parang nanumbalik yung pakiramdam na may nag-aalaga sakaniya. May palaging nang-uutos at nanenermon sakaniya sa twing late siyang kumain o kaya'y nag-iskip siya ng pagkain.

'Bakit ba hindi mo 'ko nagawang mahalin, Nella? Bakit mo 'ko iniwan bigla? Samantalang, tatanggapin padin kita kahit pa gano'n ang pakay mo sa akin.. Handa na akong magpakadesperado, ikaw lang ang hinihintay ko..' bulong niya sa isip at napabuntong-hininga habang ngumunguya siya. Ang kamay niya'y kumukutkot na sa lamesa dahil pinipigilan niya ang sarili na maluha.

Nanginginig na ang mga labi niya at tinatago na lang niya habang nakayuko nang ngumunguya. Hindi iyon napapansin ni Nella dahil nagsasandok ulit ito ng pagkain sa plato na nakakalahati na niya kaagad.

Naramdaman niyang namanhid ang ilong at mga mata niya kaya napapikit na siya para pakalmahin ang sarili. Ayaw niya pa munang umiyak sa harap nito, iipunin muna niya para mamaya pero nung maramdaman niya ang mainit nitong palad sa pisnge niya ay doon na siya tuluyang naluha..

Iyong James na noon ay tinatago-tago niya ay bigla na lang sumabog at hindi na niya maipaliwanag iyong bigat ng dibdib niya na para bang ibubuhos na niya lahat ng sakit sa loob ng sampung taon na iyon kahit twing gabi ay nailalabas naman niya. Ngayon niya lang napagtanto na ang bawat gabi na pinag-alayan niya ng paglabas ng sakit at pagkaluksa ay kulang pa, dahil sa sandaling lumapit ang presensya ng babaeng minamahal niya'y doon na bumigay ang katawan niya at inilabas na ang sakit gamit ang pagluha.

"Bremen.." pag-angat ni Nella ng baba niya at lumamlam na ang mga mata nang makita na basang-basa na ang mga namumulang pisnge dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha galing sa mga mata niya na mapagkakamalan ng isang gripo na walang tigil sa pagbuhos. "Bakit?? Ha.. ??"

Nanginginig ang labi na tumingin si James sa mga matang dalaga at hindi na napigilang mapahikbi at nanginginig ang kamay na napakapit sa malambot na palad ng dalaga. Dali-dali naman nitong binitawan ang kutsara at marahang kinuha ang kaniyang batok at hatakin siya para yakapin.

At iyong hikbi na kanina'y pigil na pigil niya'y lumakas na dahil wala nang tutumbas doon sa sarap ng pakiramdam na muli niyang naramdaman ang napakainit at nakakaginhawang yakap galing sa babaeng nasa harapan niya. Ang mga braso niya'y yumakap na din sa maliit nitong baywang at ang mukha'y napasubsob sa balikat nito..

Panay ang pagtapik at paghimas ng kanang palad ni Nella sa likuran ng binata habang ang isang kamay ay marahang sinusuklay ang mahaba at malambot na buhok nito. Napapikit na siya nung mas lumakas ang hikbi nito habang pahigpit nang pahigpit ang yakap nito sa kaniyang katawan. Kanina'y parang nangangapa pa dahil tila hindi makapaniwala, ngunit nung nagtagal ay sinimulan nang angkinin ang sandali upang masulit ang init na binibigay ng kaniyang balat na sadyang lumalapat sa katawan nito.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now