31

24 2 0
                                    

. . .








Hindi mapigilan ng lahat ang magsihiyawan at magkalampagan, kasama iyong magbabarkada habang si James ay nakatulala kay Nella na ngayon ay deretsong nakatitig sakaniya. Ang mga guro naman, kasama ang guro nila ay nagsisitalunan din at para bang nakalimutan na nila ang inis ng laban kanina. Dahil ibang init na ang nararamdaman nila ngayon..

Si President Camero na hindi nila mapaniwalaan na pumayag na magpaligaw sa isang loko-loko at pasaway na estudyante ay ngayon na nag-aanunsyo na opisyal na sinasagot na si James Bremen. At hindi lang iyon basta pag-sagot lang dahil ipinalandakan nito sa lahat ng naroon na sila ni James Bremen ay hindi na lamang nagliligawan, kung hindi opisyal na SILA na!

"Navideo-han ba yun?! Navideo-han?!" sigaw ni Bj kaya tatawa-tawang tumango si Lexi na nakikinood din, kanina pa simula 1st quarter. Nakavideo din lahat para may remembrance sila at hindi naman nila inaasahan na ma-kocaught on camera ang pag-anunsyo bigla ni Nella!

"KINIKILIG AKO! WAAAAAH!" hiyaw ni Brena at inalog-alog sila Michelle na nagtitilian padin.. Tumatalon-talon sila habang nakatingin kay James na pulang-pula na.

"Natulala na si gago!"

"UUYYYYY! MAY GIRLFRIEND NA SIYA! FOR THE FIRST TIME!!!!"

"YIEEEEEEE--AYAN NA AYAN NA! LALAPIT NA!"

Nagsihiyawan nanaman ang lahat, lalo na ang mga guro nang lumapit na ang dalaga sa binata na napaiwas ng tingin.. Mas lumakas tuloy ang hiyawan ng lahat nang matawa ang babae at hawakan ang kamay ng lalaki na hindi na nagdalawang-isip na yakapin ito. "Ahh! Tang ina, mahal na mahal kita, Nella!!"

Tatawa-tawang humiwalay si Nella sakaniya at nakangiting pinisil ang pisnge niya.. "Namumula ka nanaman.."

"T-totoo ba?? Girlfriend na kita?"

"Ayaw mo ba?"

"GUSTO, SYEMPRE! Ihhhh!"

"Parang ayaw mo naman.. Pwede ko namag bawiin---"

"--oy! Wala akong sinabi, ha!"

Napatawa naman ulit ang dalaga saka muling yumakap sakaniya na hinayaan na lang niya dahil gusto din naman niya.. "Ang cute mo.."

"Nella!"

"Hehe.."

Matapos ng laro na iyon ay nagsibalikan na sila sa classroom nila dahil may sunod nang maglalaro ng basketball girls. Kailangan na din na magpahinga ng mga babae sa Grade 10-Hercules dahil maya-maya lang ay may laban nanaman sila, sa Volleyball nga lang.

"Okay na ba 'yang t'yan mo, Nella? Hindi na masakit?" tanong ni Sam nung makaakyat na sila.

Si Sir Dan ay nasa faculty na para ayusin ang mga brackets for basketball team. So, basically, ang girls ay dumeretso sa Winner's brucket at waiting for championship na mananalo sa laban ng dalawang grade 8. Kapag natalo sila sa Grade 8, aangat ang grade 8 at sila ang waiting. Ang mangyayari sa grade 10 ay bababa sila sa Loser's bracket at hihintayin kung sino ang kakalabanin between the Grade 7, Grade 9, and grade 8. At kapag nanalo naman sila, aakyat ulit sila sa championship. At kapag natalo nila ng isang beses ang Grade 8, mayroon pang isang laban para deretso champion na sila. Bale twice to beat ang mangyayari.

"Hindi naman na.." iiling-iling na sagot ni Nella. Hinubad niya ang jersey na suot saka niya kinuha ang itim na t-shirt dahil basang-basa na ang parehong Jersey at Foundation t-shirt.

Agad siyang bumaba na para makapagpalit at nung makapagpalit ay bumalik ulit siya sa itaas para ayusin ang mga gamit. "Inang 'to.. Beh, hindi mawawala 'yan." nakangising saad ni Maddie nang makita nanakatitig lang si James sa dalaga na abala pa sa sariling gawain. "Baka matunaw 'yang girlfriend mo."

High School SweetheartsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora