52

20 2 0
                                    

. . .









"Osige.. Salamat, saglit lang naman siguro kami ni Bremen. Babalik din kami." paalam ni Nella dahil aalis na sila para mapagupitan na si James. Dapat ay kahapon pa ito nakapagpagupit ngunit nauwi lang sila sa pakikipaglaro sa mga kabarkada at nauwi lang din sa yakapan. Hindi na halos pinakawalan ng lalaki ang katawan ng babae. Kung hindi ito nakayakap ay nakahawak ito sa palad ng dalaga. Hindi naman umaapila ang babae, bagkus ay gustong-gusto pa nga nito iyon. "Tara na, mahal.." aya ni Nella kaya napatango na si James at sumunod sakaniya.

Sumakay sila sa isang kotse bago sila hinatid sa pinakamalapit na pagupitan doon sa lugar kung saan sila nag-istay. Hindi nila masyadong mahanap iyong mga salon dahil medyo malayo ang bawat pwesto non.

"Hello--WOW! Ang ganda't gwapo niyo naman, Ma'am-Sir! Halikayo! Welcome to our Bay Salon!" bati sakanila ng isang babae na hula nilang may-ari ng Salon. "Ano pong mapaglilingkod ko sa inyo?"

"Ah, magpapagupit po sana 'tong boyfriend ko.."

"Oooh, yeah! Halika, boss!" aya nito kay James kaya napatango na si Nella dito para senyasan na maupo na sa mga upuan doon. "Ano bang gusto mong gupit?"

"Two Block po sana."

"Oh, okay! Kuya Bado! Panay ka kain d'yan, halika may costumer tayo dito!" agad nitong tawag sa isa sa mga manggugupit na ngumiti sa binata na napangiti at bumati pa doon sa lalaki.

Tahimik lang na nakaupo si Nella sa may waiting area kung saan nakapwesto lamang sa likuran ng inuupuan ni James. Pinapanood lang ng dalaga ang ginagawa ng manggugupit sa binata na siyang parang bata na nakatingin lamang sa mga kamay habang napapanguso pa. 

"Ma'am, pwede magtanong?" napatingala ang babae sa may-ari ng Salon at napataas ang mga kilay.. "Model ka ba?"

"A-ah, hindi po eh.. Bakit po?"

"Bagay sa'yo, Ma'am.. Ang ganda mo, tapos ang tangkad mo pa. Pwedeng-pwede ka sa Model Industry."

"Salamat po, hehe.."

"Ikaw po ba si Nella Camero?" tanong nito kaya muling naiangat ni Nella ang mga kilay dahil sa bigla. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang pangalan niya kaya hindi niya mapaniwalaan iyon.

"P-paano niyo po nalaman?"

"Ehhh, madalas kayong kinukwento sa'min niyang si Sir Harvin, eh! Madalas po kasi ang pamilya nila dito sa Batangas para magbakasyon, at paminsan-minsan na tumatambay dito sa Salon ko para s'yempre magpa-ayos ng buhok. Tapos, palagi niyang kinukwento sa amin na may isang babae talaga siyang hindi niya makalimutan. Paano, nirereto ko iyan sa pamangkin ko--ayaw?!?!"

Hindi naman maiwasan ng dalaga ang mapatawa ng mahina at sumulyap muna sa binata bago bumaling ulit sa babae para pakinggan ang mga ikukwento nito.

"Tinanong ko kung bakit ayaw niya.. Sabi niya sa amin.. 'Uhm, I have.. my own woman. Her name is Nella Camero. She's.. a beautiful and a smart woman.' 'di ba?! Pak na pak, aruy ko po! Wala na lang kaming nagawa kasi nung sinubukan naming ilapit sakaniya yung pamangkin ko, hindi niya pinapansin. Paulit-ulit niyang sinasabi na taken na daw siya." iiling-iling nitong pagkwento pa kaya napatango-tango na si Nella.

Hindi niya alam pero natutuwa siya sa naririnig niya. At namumuo na din ang pagkalakas ng loob niya sa hindi malamang dahilan. Nung tignan niya ang kasintahan ay napatingin ito sakaniya, at ang kaninang blangko nitong mata ay biglang lumaki at kumislap pa saka ito ngumiti sakaniya..

Agad-agad niyang binawian ito ng matamis na ngiti saka pinagmasdan itong sumagot sa lalaking naggugupit dito dahil may tinanong ito sakaniya.. "Siya ba, Sir?" ngiting tanong nito.

High School SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon