51

19 2 0
                                    

. . .










Pasado alas-sais ng umaga ay nagising na si Nella dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Nagsisimula palamang ang buwan ng Mayo ngunit ang pagbuhos na ng ulan ay animo'y nasa gitna ng buwan. Hindi kapani-paniwala na bigla-biglang umuulan nang gano'n kalakas.

Nung una'y parang naalimpungatan siya dahil titig na titig siya sa kurtina na kulay rose gold at pinapakinggan ang pagbagsak ng ulan sa bubong hanggang sa unti-unti iyong humina. Saka na siya napabaling sa likuran niya nung may maramdaman siyang isang mainit na katawan na nakadikit sakaniya. At nung maalala na si James iyon ay kusa siyang napangiti at tahimik na humarap dito para titigan ito.

Marahan niyang hinawi ang buhok nitong humaharang sa mukha saka niya dahan-dahang hinaplos ang makinis nitong pisnge. Bagama't tulog ay mahigpit itong nakakapit sa kaniyang baywang na tila hindi siya pakakawalan kung sakaling tumakas siya. Matapos ba naman ang mahabang usapan nila kinagabihan ay hindi na siya kailanman nito binitawan. Ultimong pagsepilyo niya ay kasama na niya ito dahil binabantayan na nito ang kilos niya.

Matapos din ang gabi na pag-uusap nila'y napagdesisyunan nilang ayusin ang relasyon na namamagitan sakanilang dalawa.. Alam na din ng mga kaibigan nila't mga magulang dahil gusto nilang malaman ng mgaito na maaos na sila at hindi na muling masisira pa. At alam din ni Nella na hindi na siya pakakawalan pa ni James dahil sobra na. Ayaw na nitong bitawan pa siya kahit anong mangyari.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa din naalis ang tingin ni Nella sa mukha ng nobyo na nahihimbing padin ang pagtulog. Pasado alas-otso na ngunit hindi pa din ito nagigising. At masasabi niyang tila masarap ang tulog nito. Nung medyo gumalaw ito para tumalikod sakaniya'y kinuha niya na ang oras na iyon para tumayo at makaligo na para si James na lang ang hihintayin niyang matapos mamaya sa pag-aayos ng sarili.

Ilang minuto siyang nanatili sa banyo bago lumabas na nakabihis na din. Ang suot na lang ay Tank Top na kulay Tawny Brown at isang itim na High Waisted Shorts. Ang buhok naman ay tuyo na dahil sa ginawang pag-blower kanina. Tulog padin si James nung lumabas siya galing banyo ngunit makailang segundo lang matapos niyang maupo sa kama ay napagalaw ito at humarap sa gawi niya.

"Good morning.." bati niya kaagad dito kaya napatingala ito sakaniya. Agad-agad na sumilay ang maganda nitong ngiti bago yumakap sa baywang niya.. "How's your sleep?"

"Best." malambing na sagot nito, suot ang bagong gising na boses. Namamaos at gumagaralgal. Ngunit magandang pakinggan para sa pandinig ng dalaga. "This is my first time having a long sleep. What time is it, mahal?"

"Hmmm, 8:32 am.."

"See.. We slept last night at 11 pm.. My sleep hours did change. Usually ang tulog ko lang ay two hours."

"Why are you not taking your meds? Sabi ni Bodyguard Lee, if gano'n ang cycle ng tulog mo, kailangan mong uminom ng gamot mo.." pagsuklay ni Nella sa buhok niya. Ngayon ay nakatingala na si James sa dalaga habang pinaglalaruan ang mga daliri nito.

"Yeah, I'm taking it.. Pero hindi din gumagana. Nakakatulog lang ako these days, simula nung dumating ka. I guess, nangungulala ang katawan ko sa pahinga ko.."

Doon naman natawa ng mahina ang babae at mahinang hinampas sa balikat ang lalaki na tatawa-tawang umupo at sinuklay ang mahabang buhok bago itinali iyon. "Ang ganda ganda mo sa umaga talaga, 'no? Ang haba-haba na ng buhok mo.. Naiinlove ako lalo."

"Bagong gising ka lang kasi, kaya kung ano-ano nang napapansin mo't nakikita."

"Bakit? Hindi ka ba aminadong maganda ka?"

Umiling naman agad ang dalaga dahilan para manlaki ang mga mata ng binata at sapuin ang malambot na balat ng dalaga sa mukha saka ngumuso. "Bakit hindi?!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now