28

16 2 0
                                    

. . .










Pabuntong-hininga na iminulat ni Nella ang mga mata nang maramdaman niyang nagigising na siya. Ramdam niya ang init ng mga mata niya't hininga na lumalabas sa dalawang butas ng ilong niya. May malamig din na kung ano na nakapatong sa noo niya na hula niyang bimpo na basa.

Paglingon niya sa bintana ay madilim padin, at nung tumingin siya sa orasan ay alas-kwatro na ng madaling-araw. Babalik pa sana siya ulit sa pagtulog nang bigla siyang mapabaling sa gilid ng kama niya kung saan, doon niya natagpuan si James na nakahiga ang ulo sa tabi ng hita niya habang nakahawak sa kumot niya.

'Binantayan niya ba ako??' tanong ng babae sa isipan saka napabuntong-hininga.. Pumasok nanaman sa isipan niya na naging pabigat muli siya sa binata. Ayaw niyang naabala niya ito nang dahil sa personal niyang dahilan. Nung nagpapractice sila at pinagpahinga siya, gising padin naman ang diwa niya at buong oras siyang binantayan nito. Ni hindi ito sumali sa practice dapat ng mga lalaki para lang masiguradong nababantayan siya.

Gusto niya sanang gisingin si James ngunit nung matitigan niya ang mukha nito ay kusa na siyang pinigil ng sarili.. Parang bata itong nakasiksik sa gilid ng hita niya na para bang nilalamig na pero pinipilit na hindi maramdaman iyon lalo. Malaki din ang pasasalamat niya dito dahil grabe ang pag-aalaga nito sakaniya.. na hindi naman niya inaasahan na magagawa nito. Hindi kasi ito iyong tipo ng lalaki na mag-aabala pang bigyan ka ng pag-aalala at pag-aaruga dahil kadalasan, hindi ito nagbibigay ng atensyon sa mga taong hindi naman nito gano'n kaclose.

Habang abala ang mga mata ng dalaga sa pagtitig sa nahihimbing na binata ay natagpuan na lang niya ang sariling palad na umalis sa tabon ng makapal na kumot at marahang lumapag iyon sa malambot na buhok ng lalaki. Marahan niyang sinuklay ang buhok nito habang pinapanood ang pag-angat at baba ng balikat nito, senyales na nasa gitna nga ito ng mabigat na pagtulog.

Ilang oras na nanatili doon si Nella sa posisyon na iyon na para bang hindi siya nangangalay. Sa katunayan, wala siyang nararamdaman na pangangalay. Ang ginawa pa nga niya, mula sa ulo nito ay bumaba iyon sa malambot nitong pisnge saka marahang hinaplos iyon.

*CLICK*

Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang pagbukas non. Nung makita niya kung sino ang nagbukas ay napatigil siya. "Ma'am Jams.." namamaos niyang tawag dito kaya bumakas ang pagkagulat dito at dali-daling umupo sa kabilang parte ng kama.

"You're awake na pala! Titignan ko lang sana kayo ni James dito, kasi baka nahihirapan siyang mag-alaga.. Hindi kasi siya sanay na mag-alaga ng may sakit. And share ko lang, ha? It's his first time taking care someone sick."

"T-talaga po.. ?"

"Yup.." ngiting tango nito saka niyakap ang sarili dahil ang suot lamang nito ay Satin bath robe.. "Alam mo, Nella.. I'm really thankful na nagustuhan ka ng anak ko.. kasi he changed a lot. Sa twing nagkukwento kasi siya sa'kin noon abput sa mga ka-flings niya.. He always like.. 'You know, Mom? I have my new fling now.' And I'll respond.. 'Oh, again anak? Hindi ka ba nauubusan? Akala ko ba magkakabalikan kayo ni Rebecca?' and then, he will just smirk at me.. Para siyang Daddy niya noong college days namin.. Jordan always have a lot of girls on his hands.. Kapag may pagtatalo sila ni girl 1, he will immediately go with his girl 2.."

"Grabe naman po pala si Sir Jordan noon, Ma'am? Paano naman po kayo nagkakilala?"

Bago sagutin iyon ng ginang ay kinuha nito ang bimpo sa noo niya at inilublob sa may stainless na balde na maliit lang naman. Saka nito piniga iyon at ipinatong sa noo niya. "So.. Uhmm.. Nagkakilala nga kami ni Jordan sa college days namin.. And if specific, I was an SC officers that time and pinagalitan ko siya kasi ang kulit-kulit niya. He always yelling with his kabarkada."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now