41

15 1 0
                                    

. . .

WARNING: THIS CHAPTER MAY CONTAIN HARMFUL OR SELF-DESTRUCTIVE CONTENTS. IF YOU ARE SENSITIVE TO THIS SITUATION, PLEASE JUST SKIP THIS CHAPTER. BUT IF YOU INSIST ON READING, READ AT YOUR OWN RISK!











*SHRIIIIIINGGGGGGG!*

"Fvck.." bulong na mura ni James nang maramdaman ang sakit ng kaniyang katawan. Nakarinig siya ng tunog ng parang isang monitor na para bang tinatantsa ang pagtibok ng kaniyang puso. Wala siyang kaide-iedya kung saan man siya.

"God! Gising ka na, anak! Ano?! How are you feeling, huh? May masakit ba sa'yo??" agad napabaling ang binata sa ina na siyang natataranta na siyang nilapitan.

"M-mom?" taka niyang tanong at tumingin sa paligid.. Puti ang lahat, at sa tabi niya'y isang dextrose stand at ang monitor for heartbeats niya. "N-nasa ospital ako?"

"Y-yes, baby.. N-naaksidente ka kahapon, and I'm glad that you're already awake! I was so scared nung may tumawag sa amin about sa'yo!"

"A-ano po bang nangyari?"

"Ang sabi ng witness, nakabangga ka daw ng malaking truck na ikaw mismo ang sumalubong.. Para ka daw wala sa sarili mo sabi nung driver ng truck. He tried to stop but you were so fast driving that Motor of yours.. Anak, hindi ka naman nakainom but why are you not into yourself during that time, ha? What happened?"

Nanahimik si James at inalala kung ano nga bang nangyari. Ang natatandaan niya lang ay wala nga siya sa sarili nung nagmamaneho siya.. Ngunit unti-unti ding pumapasok sa isip niya kung bakit nga ba siya wala sa sarili.

Napaamang kaagad si Ma'am Jams nang tumulo ang mga luha sa parehong mata ng anak at nagsimula na itong manginig at mapakapit sa mga kamay niya. "M-mom.. S-si Nella? B-bumalik na ba siya?? S-sinabi niyo b-ba sa kaniyang naaksidente ako? Please tell her.. para bumalik na siya. I want t-to see her.. I want to see my mahal.."

Napaawang ang labi ng kaniyang ina sa mga sinabi niya. Alam nito ang tungkol doon, at ang akala niya'y may ibang dahilan si James para mawala sa sarili habang nagmamaneho.. Nasabi na sakaniya ng Lola ni Nella ang lahat nang nangyari bago mahantong sa ganoong sitwasyon ang binata, at masasabi niyang gusto niya nang sabunutan ang sarili.

Bago umalis si Nella ay inamin sakaniya ng asawa na may ginawa itong hindi maganda.. At patungkol iyon sa panganay nila. Labis siyang nasaktan sa nalaman, at mas nadagdagan pa habang pinagmamasdan ang anak na halos mawala nanaman sa sarili habang paulit-ulit na lumalabas sa bibig nito ang nag-iisang pangalan..

"Nella.. Mommy, si Nella ko? Asaan siya.. please call her. I want to see her, please.. I want to see her.." humihikbi at parang bata na demand pa ni James kaya hindi na mapigilan ni Ma'am Jams ang mapayakap sa kaniyang anak..

Tinapik niya ang likod nito at napapahikbi na pinapatahan ito.  Bawat paglabas ng impit nitong tili ay siyang tumutusok sakaniyang buong katawan dahil sobra siyang nasasaktan sa nararamdaman ng anak niya. Wala nang mas sasakit pa sa inang pinakikinggan ang masasakit na iyak ng kaniyang supling.

Ilang oras din bago kumalma si James at doon niya na kinuha ang oras para pakainin ito't mapainom ng gamot. Nakatulala lang ito habang ngumunguya. Yakap ang braso habang nakatitig sa kumot na nakapulupot sa kalahati ng katawan nito.

"Son, you're now awake.." napalingon si Jamilla sakaniyang asawa na kararating lang. Nag-aalala na agad ang ekspresyon nito saka binigyan ng halik ang ulo ng anak na dahan-dahang tumingala sakaniya. "How are you feeling, anak? Hmm? Tell, Daddy.. Anong masakit?"

Matagal itong tumitig sakaniya.. At iyong mga mata nitong kanina'y walang buhay ay napalitan ng pinaghalong puot, galit, at hinanakit. "Umalis ka dito." matigas nitong pag-utos kaya napatigil si Jordan.

High School SweetheartsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang