45

20 2 0
                                    

. . .







Pagkalipas ng ilang linggo na baguhang trabahador sa My Donna Company si Nella ay naging maayos naman ang daloy non. Ang tanging pinoproblema niya lang ay ang amo niyang hindi niya din maintindihan minsan dahil sa mood swings nito. Nung tanungin niya sila Bodyguard Lee kung paano pawalain ang pagka-bad mood nito ay sinabi ng mga ito na wala naman daw dahilan. At pansin din daw nila ang mood swings nito sa pang-araw-araw.

"Lee, turn my soundproof on, please.." napatitig si Nella kay James na sapo ang noo nang iutos iyon sa Bodyguard na siyang agad iyong ginawa. Doon na siya nakapwesto sa loob ng opisina ni James dahil mas kailangan siya nito dahil ng asekretarya siya nito. And honestly, mas pinapadali non ang trabaho niya.

Ang location kasi ng opisina nilang tatlo nung dalawang assistants ay may kalayuan sa opisina ng amo nila. Kaya sa twing tatawagin siya nito, minu-minuto ay napapagod lang siya. Kaya malaking tulong din ang pagpalipat sakaniya ni James sa mismong opisina nito.

"May problema ba?" tanong ni Bodyguard Lee kay President Bremen na umangat ang tingin sakaniya ngunit naibalik din sa pagpikit. Minsahe nito ang sentido habang umiiling-iling. "Why are you irritated these days, President Harvin? Have you take your meds?"

"I haven't."

"You should take your meds, President Harvin.. Hindi porke sinabi na ng doktor na magaling ka na, hindi mo iinumin yung meds mo. It helps you to be calm and control your irritation."

"I know.. I know.. It's just, I don't have a time.. taking my meds."

"You always have a time, you only don't want to take it."

Bumuntong-hininga na lang si James at nanatiling pikit. Si Bodyguard Lee naman ay pabuntong-hininga na pumwesto na lang sa likuran ng binata para ito'y mabantayan. Si Nella naman ay hindi na nakatingin sa lalaki, bagkus siya ay nagtatrabaho na. Tapos na ang paggawa ng mga products na ilalabas nila. Ang pinaka-main products na hinahandle ng My Donna Company ay perfumes, sumunod ang clothes and bags.. And bawat products ay kailangan nila ng models kasi hindi pwedeng iisa lamang ang model nila, mahihirapan sila.

*TRRIIIIINGG! TRIIIIINGGGG!*

Napatigil sa pagtipa sa keyboard ang dalaga saka niya sinagot ang telepono niya.. "Hello?"

"[ANONG HELLO?! Hello-hello ka d'yan, ang tagal mo na palang nandito sa Pinas! HINDI MO MAN LANG KAMI DINALAW NI ATHEA!]"

Napakurap-kurap tuloy si Nella sa boses na iyon pero kalauna'y galak na napangiti. "Sorry!"

"[Sorry, sorry ha! Ikaw na amerikana ka! Ano?! Kung hindi pa namin malalaman kila Tonyo na nakauwi ka na, hindi ka pa namin talaga makakausap?!]"

"Sorry na.." malambing na saad ng dalaga, at medyo napalakas iyon kaya umalingawngaw iyon sa loob ng opisina dahilan para mapamulat ni James ang mga mata.

Pasimple niyang tinignan kung anong ginagawa ni Nella at nakitang hawak nito ang cellphone nito habang malaki ang ngiti. Namumula ang mga pisnge at kumikislap ang mga mata.. "Fvck.." kunot-noo niyang daing saka pabuntong-hininga na ikinuyom ang mga palad.

Hayan nanaman ang irita sa katawan niya na tila may gustong gawin iyon. Pumapasok sa isip niya na hablutin na lang bigla iyong cellphone ng dalaga dahil sa malaki nitong ngiti. Naiinis siya dahil doon.

"Sorry na, ha?? Promise dadalaw ako.. Just send me your address or text me na lang."

"[Sige! Heheheheh! Saan ka pala ngayon?]"

"Trabaho."

"[Oooh.. Saan ka?]"

"Sa.. My Donna Company."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now