20

24 2 0
                                    

. . .










Hindi pa tuluyang nakakalabas si James at Nella sa loob ng Complex nang biglang pumalag ang dalaga at marahang tulakin ang binata na siyang hinayaan lang naman iyon at pabuntong-hininga na nagpamaywang.

"Ano bang problema mo, Bremen?" agad na kompronta ng dalaga habang ang mga palad ay nasa baywang na din. Nagmukha tuloy siyang ina na nagsesermon sa anak niyang ngayon ay nakatungo na. "Alam mo bang kabastusan yung ginawa mo?"

"S-sorry.. H-hindi ko lang napigilan yung sarili ko."

"Hindi sapat na dahilan iyon para bigla mo na lang akong hatakin dito. Nakikipag-usap sa akin ng maayos yung tao, at nakakabastos din iyon sa ama niya. Alam mo ba yun?"

"A-alam ko naman, eh.. Kaya sorry.. Sorry, Nella.." malambot ang boses na ani nito at tumingin na sa mga mata niya..

"Nagawa mo pang gumawa ng kung ano-ano na nililigawan mo ako kahit hindi naman talaga.. Ano bang nangyayari sa'yo?"

"S-sorry.."

"Oo, umamin ka sa akin.. Tinanggap ko yun, pero hindi ibig sabihin non ay babakuran mo na ako. Pwede kang magselos pero wala kang karapatan para bakuran ako dahil unang-una sa lahat, hindi kita nobyo." prangkang ani ni Nella dahilan para hindi na makapagsalita si James. Tila biglang natamaan ito doon ng sobra. "Isa pa, hindi mo 'ko kailangang bakuran o ilayo kay Wilson dahil wala naman akong balak na bigyan siya ng interes. Dahil sa totoo lang, wala akong balak na mag-nobyo ngayon.."

Napaangat kaagad ng lalaki ang ulo nang marinig iyon. Krus ang mga braso ng dalaga habang napapabuntong-hininga.

"Ano?"

"W-wala kang balak.. na magboyfriend?"

"Wala. Bakit ba nagtatanong ka?"

"Li.. Liligawan s-sana kita."

Agad napatigil si Nella at naibagsak ang mga braso habang nakatitig sa lalaki na ngayon ay nagsisimula nang mamula na tila nahihiya na ito.. Gusto na nga nitong umalis sa harapan niya ngunit hindi nito alam kung paano dahil sa sobrang hiya niya ay kaonting galaw niya lang ay manginginig na siya.

"Ano.. kamo??"

"Liligawan sana kita.."

"Nababaliw ka na ba??"

"Hindi, seryoso ako.. Seryoso na ako." seryoso nga nitong sabi at marahang hinawakan ang mga kamay niya.. "Kung tatanggi ka, hindi pa din ako titigil.. hindi kita pipilitin na sagutin man ako o payagan, basta.. hayaan mo lang akong iparamdam sa'yo kung gaano kita kagusto, Nella."

"P-paano, James.. !? 'Wag mo nga akong niloloko--"

"--hindi kita niloloko, okay? Seryoso talaga ako.. Oo, hindi ako nagkagirlfriend or nanligaw kasi alam mong lahat ng mga nagiging ka-M.U ko is inaaya ko na lang bigla but I swear to God, Nella Chandra.. H-hindi ko din alam p-pero.. I really like you.. And it is too much.." iiling-iling nitong sabi kaya napatitig sa mga mata niya si Nella na tila ba binabasa nito kung siya ba ay nagpapakatotoo. "..it is too much, to the point that I don't know myself anymore.. because I did some things that I don't usually do before."

Matapos ang pangyayari na iyon ay umuwi ng namumula si James dahil sa sinabi ng babae sakaniya matapos niyang sabihin ang napakahaba niyang litanya na hindi niya alam kung saan ba nanggaling, ay sinabi na lang bigla ni Nella na pumapayag ito.

"Puta.. PUTA!!" hiyaw niya at napatago ang mukha sa unan niya habang mahigpit ang yakap sa unan.. Nagpipinadyak pa siya at napasuntok sa kutson. "NAKAKAHIYA PUTA! PERO PINAYAGAN NIYA AKO! AAAAHHHH!"

Dumadagdag din sa hiya niya iyong ideya na binabasa ng dalaga ang letter na siyang nakalagay doon sa kahon na nasa loob ng paper bag na ibinigay niya dito bago ito makauwi sa bahay nito. Nandoon kasi lahat ng mga kakornihan niya kaya hindi na niya alam ang gagawin niya. Nagsisisi na yata siyang ibinigay niya iyon sa babae, dapat pala'y binawi na niya agad! Ngayon, hindi na niya alam kung paano niya ihaharap ang mukha sa babae bukas..

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now