30

22 2 0
                                    

. . .










"Tatlo nakuha mo.." ngiting-ngiti na saad ni Sir Dan may Nella na sakto namang inanunsyo nanagmamay-ari na ngayon ng Center of all Dancers, Queen of the Dance Floor and Spotlight Donna. Nagkaroon siya ng mga trophies na babasagin talaga kaya may box iyon na lalagyanan.

Pagkatapos ng special awardings ay nagsiakyatan na sila sa silid nila. Ang iba nilang mga kaklase ay nag-stay sa court para maglaro ng basketball and volleyball.. Ngayon kasi na tapos na ang cheerdance competition ay pwede na silang maglaro sa court dahil free na free nila iyong magagawa since foundation week naman.

"Anong sunod na event natin? Hindi ba basketball boys tapos volleyball girls na?" tanong ni Bj kila Sam na tumango. "Magbihis na kaya tayo, par? Baka tawagin na tayo ni Sir Dan.. Tapos hindi pa tayo handa. Ano, tara?"

"Maya na, Par. Ang sakit pa sa katawan, eh.."

Lahat sila ay bumalik nanaman sa pagkukulitan at nagsihigaan sa rest area. Iyong ibang magkakaibigan ay nasa upuan lang habang abala sa pagcecellphone. Sila Athea naman ay nagkukwentuhan. "Eh, kailan mo nga ba balak sagutin 'yang si James? Lagpas isang buwan nang nanliligaw 'yan, ah?" tanong ni Mando kay Nella na nakahiga ang ulo sa kamo na nakapatong sa lamesa.

Wala na ang tali niya sa buhok, dahil nakapusod na siya at ang mga bandages ay natanggal na pati ang make-up niya. Iyong enerhiya niya kanina sa pagsasayaw ay biglang nawala na para bang bula dahil sa pwersang ibinigay niya. Tila nasobrahan yata ang paggalaw niya. "Ewan.."

"Halah.. D'yos ko, beh.. Mukha na kayong mag-jowa, confirmation nalang kulang.. Bagay naman kayo, eh."

"Alam ko, Mando.."

"Kayo na lang, please.. Bet ko kayo para sa isa't isa!"

"True.. Like sobrang soft ni James kay Nella. 'No? Para siyang nag-iibang tao kay Nella.. Plus din na palagi na siyang active sa klase simula nung turuan siya nitong si Bal."

"Kaya nga, yun din napansin ko.. Kaya nga naiimagine ko na kapag naging sila tapos naghiwalay, iyak malala 'yang si Bremen. Sobrang laki ng halaga ni Nella para sakaniya, parang akala mo ano eh.."

Napailing-iling lang si Nella at inaya na ang mga kaibigan niyang kumain ng tanghalian. Matapos ay natulog na din sila dahil sa pagod. Si Mando ay hindi sumali ng cheerdance pero taga-abot ito ng mga props at isa sa mga gumawa ng props. Si Athea at Nella kasi ay pagod din talaga dahil sa enerhiya na ibinigay nila kanina. Parang ibinigay na nila lahat, wala na silang itinira kaya kailangan nilang mag-charge.

"Tulog si Nella??" tanong ni James kay Mando na tanging nag-iisang gising lamang. Gusto sana niyang matulog pero hindi niya magawa dahil maingay at gusto niyang magcellphone. Saka hindi din siya sanay na matulog sa school lalo na't hindi siya komportable.

"Tulog. Pagod pagod siya eh.. Balagbag.."

Napanguso naman ng kaonti ang binata saka sinilip ang mukha ng dalaga, tulog na tulog nga ito. Nakayakap ito sa bag na puro damit lang naman ang laman.. Malalim ang paghinga nito na tila lamon na lamon na ng antok. "Kumain na ba siya?"

"Mm, kani-kanina lang din.. Bumabawi sila ng lakas ngayon, naubos daw kanina. Kailangan nilang mag-charge."

Natawa naman ng mahina si James saka pumwesto pabalik doon sa mga kabarkada niya na nagkukwentuhan padin. Lahat sila ay nakasuot ng foundation shirt nila na pinapatungan ng mismong jersey nila na kulay itim naman ngunit may kulay asul na parang apoy sa ilalim. Pinatahi mismo nila iyon para mas maganda silang tignan.

"Hoy!" napalingon silang lahat kay Sir Dan nang sumilip ito sa pintuan ng silid nila. "Baba na, Basketball Girls! May laban kayo! Grade 9 and Grade 10.."

High School SweetheartsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora