53

18 2 0
                                    

. . .










Pabuntong-hininga na pumikit si Nella at nakangiting hinaplos ng marahan ang pisnge ng kasintahan na ngayon ay tutok sa pagtatrabaho sa kung ano sa laptop nito. Nakaupo lang naman siya sa pagitan ng mga hita nito habang nakasandal ang uluhan sa dibdib nito.. "Hindi ka pa matutulog, Bremen?" tanong niya kaya umiling lang ang lalaki at binigyan siya ng halik sa sentido.

"Are you sleepy? You can sleep.. I'll just finish this." malambing nitong bulong kaya umiling lang ang dalaga saka huminga ng malalim. "You can sleep naman na, mahal.. You don't need to wait for me. Plus na may event tayo bukas."

Maaga silang pinauwi ng mga kaibigan dahil kinabukasan ay may schedule silang dalawa. Naiintindihan naman iyon ng magbabarkada dahil mahalaga iyong event na mangyayari kinabukasan. Matagal nang pinaghandaan ni James ang proyekto na ilalabas na, at marapat lang na maging aktibo siya sa darating na event na Welcome Event.

"Nagugutom ka?" tanong ni Nella at tumingala pa sa kasintahan na naibaba ang tingin sakaniya saka tumango. "Magluluto ako--saglit lang, ha?"

"Mm. I'll wait, mahal.."

Doon dahan-dahang umalis ang dalaga sa pagkakaupo sa kandungan ng lalaki saka na siya dumeretso sa kusina nito. Walang kasambahay ang binata at naninirahan lang itong mag-isa. Pero madalas din kasi itong nasa bahay ng mga magulang. Ngayon nga lang ito ulit umuwi sa bahay nito dahil wala naman ang Lola't kapatid ni Nella para tumira sa tirahan nila dahil nanatili ang dalawa sa Batangas.

"Bakit wala siyang stock dito?" tanong ni Nella sa sarili dahil nung sandaling binuksan niya ang mga cabinet ay walang laman iyon kung hindi Oats lamang at iilang tsitsirya.. Nung buksan naman niya ang refrigerator ay puro pitsel lamang ng tubig at may iilan pang can of beers at may kasama pang ilang wine na bawas na. Hula niyang iniinom iyon ni James. "Guess, I have no choice to buy."

Dahil ang suot lang ay puting sando at itim na pajama'y kinuha niya ang puting cardigan na nakapatong sa may couch at hindi na nagpaalam kay Jamesna aalis siya dahil saglit lang naman siya. Malapit lang kasi ang grocery-han sa bahay ng binata kaya sasaglit lang siya.

Mula sa bahay nito ay nilakad niya ang grocery na parang nasa likod na banda ng bahay ng lalaki. Nung pumasok siya ay bukas pa naman dahil 24/7 iyon. Wala ding masyadong tao dahil alas-onse na din ng gabi. "Good evening po, Ma'am.." bati sakaniya ng casier kaya nakangiti niyang binati ito pabalik bago kumuha ng cart at naglakad na para makahanap ng makakain.

Kung tutuusin, pwede siyang dumeretso sa isang convenience store para mas mapadali lang, pero mas gusto niya iyong siya yung mismo ang nagluto. Napapansin niyang nagiging mapili si James sa pagkain dahil nga hindi daw ito sanay na kumain na ng mga mararaming pagkain. Nasabi din nito na ang madalas lang kainin nito ay cookies o kaya'y biscuits. Hindi pa yata nito naranasang kumain ulit ng sabaw o 'di kaya'y mga magagarbong putahe, hindi tulad noong mga high school days nito.

Nung mapadaan siya sa mga karne ay kumuha lang siya ng dalawang pakpak at dalawang hita ng manok dahil balak niyang magluto ng Adobo na noon ay kinakain talaga ni James twing nag-lalunch sila. Hindi lang niya alam kung hilig pa nitong kumain ng adobo ngayon dahil nga nawalan ito ng gana sa pagkain.

Matapos niyang makabili ng mga sangkap ay napadako siya sa mga candies at napangiti nang makita ang mga Sour Strips doon. Kaya agad siyang kumuha ng lima para lang kay James. Pagkatapos non ay lumabas na siya dahil nabayaran naman niya.

"Saan ka galing, mahal?" pagpasok ni Nella ay nandoon na ang kasintahan niya sa sala na tila hinahanap siya. "Lumabas ka?"

"Mm.. Bumili lang ako ng mga lulutuin ko. Bakit kasi wala kang stock d'yan?" tanong niya din bago tumingkayad para mabigyan ito ng halik sa noo at tinapik pa ang balikat nito. "Bakit? Akala mo.. lalayasan kita?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now