39

11 2 0
                                    

. . .









👩‍❤️‍👨 GRADUATION DAY 🎓

Hindi na halos matanggal sa labi ni James ang malaking ngiti niya. Nakatitig siya ngayon sa malaking salamin sa walk-in-closet niya habang nakasuot siya ng puting longsleeve na may itim na necktie at itim na pants at black shoes. Ang buhok naman niya ay bagong gupit lang at nakaayos sa kimpie style para mas mukhang pormal.

"Hays.. Makikita ko na ulit si Nella.. Ano kayang suot niya mamaya? Nakadress kaya siya??" tanong niya sa sarili at napapadyak habang iniimagine na magkikita nga sila mamaya ni Nella habang suot nito sa labi ang pinakamagandang ngiti. "Excited natuloy akong umalis!" agad niyang sabi at kinuha na ang cellphone niya bago bumaba na.

Doon niya nakasalubong ang ina at ama na naka-formal din. Ang ina niya ay nakasuot ng Cream white Maxi Dress na nagpamukha ditong pinakamagandang ina sa balat ng lupa. "Wow! Sobrang ganda mo naman, Mommy!" tuwang-tuwa na saad ng binata at humalik sa pisnge ng ina na napangiti at tumingala sa asawa na nakasimangot. "Selos. Bleh!"

"Shut your ass up, Son! How dare you!"

"Hehe! Mom loves me more than you, Jordan!"

"HARVIN CLEIN! WHAT DID YOU JUST CALL ME?!"

Tatawa-tawang binuhat ng binata ang kapatid na si Jerza na nakasuot din ng cream white dress habang naka-pigtails ang buhok. Tumatawa ito sa ama na parang pato na nakanguso. "Come on, Jordan! Talaga bang kay James ka pa nagseselos?"

"What?? I'm not jealous!"

"Ano lang??"

"W-wala.. Let's go na! Tsk, don't come near your mother, Harvin Clein."

"Dad! Stop being jealous!"

"I'm not!"

"Oh, yeah? You're not? God knows how bad you are when it comes to lying."

"Hindi ka ba titigil? Hindi kita patutuluyin.. Hindi ka talaga mamartsa!"

"Do it, Dad.. Para magkaroon ng sama ng loob si Mommy, go on.." hamon ni James habang suot ang nakakalokong ngisi sakaniyang labi. S'ya namang bumuntong-hininga na lang ang ama niya bago siya inambahan ng tingin.

Ilang minuto lang ang byahe nila papunta sa SVS bago nakarating sa eskwelahan. Nung makapasok sila ay maraming tao dahil nandoon ang iilang mga magulang na nagkukwentuhan..

"Ayye, ang pogi!" agad na salubong ni Sam kay James na napangiti at nakipagyakap sakanila. "Ang gwapo mo naman ngayon, James! An'yare?!"

"Wala! Nagpapapogi sa girlfriend!"

"Wow! Baka 'yang kapogian mo, manghina sa itsura ng bebe mo ah.. Grabe pa naman na nakakapanghina ang kagandahan ni Nella ngayon."

"Nand'yan na siya??"

"Oo.."

"Saan, saan?!" agad na tugon ng lalaki at nagpalingon-lingon sa paligid.. "Huy, saan?"

"Makikita mo din siya mamaya, kalma lang!" tatawa-tawang saad ni Brena na katabi ang nobyo na siyang nakatitig lang sa ginagawa niya. Nireretouch niya kasi ang make-up niya dahil baka mamaya niyan ay pumalya sa kaniya. "Napaghahalataang sabik na sabik?"

"Aba s'yempre! Isang week ba naman kaming hindi nagkita!"

"Baka hihiwalayan ka na kaya gano'n?" malokong saad naman ni Karl habang nakasapo ang braso sa bewang ng nobya na nakikipag-usap sa mga kaibigan.

"Gago ka ba? Danica, susuntukin ko 'yang jowa mo.." banta ng binata kaya napatawa ang magbabarkada.

"Hindi, par! Nasa office yata yun.. Pero sila Lola, nasa auditorium na. Punta ka na doon para makasalubong na sila."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now