27

22 2 0
                                    

. . .











"WOW NAMAN, FRIDA! Ayokong nagsusuot ka ng gan'yan! Na-iinlove ako!" hiyaw ni Jay, tinutukso niya ang babaeng kaklase na si Frida na siyang nakasuot ng Maroon na crop top. Bungad na bungad sa lahat ang slim body nito. "Mga pa-chix!"

"Cute mo, ah.." ngising sabi ni Karl kay Sam, nanunukso din kaya inambahan siya nito ng sampal na agad niyang iniwasan. Sino ba naman ang hindi tutuksuhin ang dalaga kung ang design ng crop top na suot nito ay may rabbit. Iyong rabbit ay nakaupo doon mismo sa bundok niya kaya medyo nakakabother tignan. Pero ayos lang naman siguro para sakaniya, sadyang ang panunukso lang ng mga kaklase ang nagpaparamdam sakaniya ng kaonting ilang.

"Mga pa-chix!" sigaw ni Leon nang magtumpukan ang kababaihan sa gitna dahil nand'yan na ang Coach nila na napapalakpak.

"PERFECT! Ayan ang gusto kong awrahan! Mamaya sana yung sayaw niyo, kasing-perfect ng mga ayos niyo ngayon, 'no??" taas ang gilid ng labi na sabi nito bago nagpamaywang at titigan isa-isa ang mga babae. May napansin kasi siyang parang kulang, kulang ng isa kaya dali-dali siyang lumingon sa guro. "Sir Dan?"

"Oh?"

"Wala si Nella??"

"Ay! Nasaan ba?"

"Nasa banyo pa po, Sir.. Nagpapalit ng damit, kasama si James." sagot ni Bj kaya napatingin sakaniya ang lahat na tila may narinig na malisyosong paksa.

"Bakit sumama si James sa banyo?"

"Wala kasing doorknob, Ser.. Sira po, saka malaki yung butas. Kailangan talaga ng kasama kapag magbabanyo."

"Ahhhhh..." mahabang tango ng mga ito kaya hindi maiwasan ni Bj ang matawa. Alam niya kasi ang mga pumasok sa isip ng mga ito pero mas pinatili na lang niyang tumahimik at 'wag nang magsalita. Ayaw niya namang tuksuhin ang dalawa dahil lang doon.

"Oh, ayan na pala.."

"WOOOOOOWWWW!!!"

"ANG SEXY MO, PRES!"

"AY ASAWA KO 'YAN!"

"OH, PAK! PAKAK ANG PAGIGING HOURGLASS!"

"HIP PADS, WHO? HAHAHAHA!"

"Ay taray.." napapasapo sa bibig na saad ni Coach Halls saka bumaling kay Sir Dan na may malaking ngiti sa labi na para bang ipinapakita nito kung gaano siya ka-proud kay President Camero. "Ang ganda pala talaga niya, 'no?"

"Sabi ko sa'yo.. Anak ko 'yan."

Suot ni Nella ang isang kulay Dark Brown na collar shirt na hapit na hapit sa kurba ng katawan niya, habang ang suot na Beige jogger ay bumagay din sakaniya. Ngayon lang nadiskubre ng lahat kung gaano kaganda ang katawan ng dalaga. Sobrang liit ng baywang nito ngunit ang balakang at pwetan ay kurbang-kurba, habang ang pang-itaas na bahagi ay gano'n din. Literal na nagmukha itong hourglass dahil sa pagiging perfect ng structure non.

"Naks naman, shet! Ang ganda mo, Pres ko! Ito dahilan kaya kita pinakasalan!" nagbibirong saad ni Kesia na siyang nagpatawa sa dalaga at nag-thumbs up.

Nagsimula ang practice nila na maayos naman ang daloy. Kaonting linis pa sa ibang formation, stunts at choreo ay magiging perfect na ang sayaw nila. Matapos naman ang practice nila dahil nga water break ay hindi pansin ni Nella ang mga titig sakaniya ng iilang kaklase.

Sila Thea na nakisali sa bilog nila Danica at mga kaibigan nito ay pasimpleng tinititigan ang dalaga. Nakaupo lang ang babae sa sulok habang nakasandal ang ulo sa pader habang ang mata ay nakatitig lang sa ibaba. "Ang ganda niya.." namamanghang bulong ni Coach Halls kaya hindi maiwasan ni Sir Dan ang matawa ng mahina.

High School SweetheartsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt