03

20 2 0
                                    

. . .











"Lungkot ni Lasing, oh.. Sakit ba, James?" ngisi ngunit seryosong sabi ni Jay, siniko pa niya ang lalaking nakablangko ang mukha.. Nagkaproblema sila ni Brena, at hindi lang iyon basta simpleng problema. Matapos ang iilang araw nilang magkakasama, doon niya lang din nalaman na may iba pa pala itong M.U..

"Pinagpalit pala sa bingot, eh. Payag ka non? Akala ko ba sa sobrang gwapo mo, hindi makakahanap ng kasing gwapo mo 'yon?" pang-aasar pa ni June na binalingan niya lang ng masamang tingin at hinawi ang kamay nitong humawak sa baba niya. "Yabang mo, ah.. Ano ba tingin mo sa sarili mo? Sobrang taas? Kahit gaano ka kagwapo, kung nagsawa na sa mukha mo, maghahanap talaga ng iba 'yan."

"Tumahimik kang hampaslupa ka.. Baka paulanan kita ng suntok sa mukha."

"Gago, par bakit mo kasi ginano'n?" ngisi naman ni Bj habang ngumunguya ng pancake na siyang binili pa nito sa Starbucks. "Sakit ba?"

"Tang ina niyo nanaman.. OO!" agad niyang sagot at inihiga ang katawan sa plastic na upuan saka niya tinakip ang bag sa mukha. "Kung hindi ko pa maririnig kila Sam yung about doon sa lalaki, hindi ko malalaman na ginagago na pala ako."

"'Yan ang resulta ng hindi ini-lelegal, 'di ba? Mga bossing?" malokong ani ni Jay at tinapik ang t'yan ni Bj na tatawa-tawang hinampas naman siya sa ulo, malakas iyon. Hindi basta kalabit lang. "Inamo naman! Gago putangina mong bwakanang shit ka! Hayup!"

"Lakas kasi ng tiwala mo sa sarili mo, brad.." tapik ni Karl sa balikat ni James kaya dali-daling tinanggal ng lalaki ang bag sa mukha at inambahan ng suntok ang binata na natawa lang at nag-flying kiss pa sakaniya na animo'y ang layo ng pagitan nila eh magkatabi nga lang sila.  "Ay, sorry sorry.. Pasmado, eh."

"Tang ina mo naman, kagigil ka! Akala ko ba magkakampi tayo dito?!"

"Joke lang, ito naman!"

"Porke't ang ganda ng relasyon mo kay Danica?! Gan'yan ka na?! Gago ka, putang ina mo! Grabe ka na!"

"Huy! Anak ka ng principal, ang lutong mong magmura!"

"Wala akong pake! 'No gagawin ni Daddy kung malutong ako magmura?? Magmumura ako hangga't gusto ko---KING INA MO!"

"Ay, king ina mo 'ka ah.. Sino ka para murahin ako! Hindi mo man lang ginalang ang katawang lupa ko!" umaarte na sabi pa nito at niyakap ang sarili na animo'y hinahawakan siya.

Imbes na mainis si James ay natawa na lang siya at malakas na hinampas ang lalaki na napatawa. Hindi niya na alam ang dapat niyang maramdaman. Kung iiyak ba siya, malulungkot, tutulala o kaya'y tatawa dahil sa pinaggagawa ng mga barkada niya. Hindi siya hinahayaan ng mga ito na magpakaluklok sa nangyari sakanila ng kalandian niya. Hays..

"Pero seryoso.. masakit." seryoso na niyang sabi kaya napatahimik yung mga barkada niya't seryoso na siyang pinakinggan.. "Ano.. parang s'yempre.. ipinagmamayabang ko din naman siya sa inyo, na bagay kami kasi gwapo ako tapos siya ang ganda niya talaga.. pero, par.. ang sakit talaga. Hindi ko man siya ni-legal kay Daddy, kinuwento ko naman siya kay Mommy.."

Hindi nagsalita ang mga barkada niya ngunit nagsitanguan ang mga ito, nakikinig lang talaga.. Kaya doon na siya tuloy-tuloy na nagkukwento.. "Tapos.. kinuwento ko siya sa mga teachers. Lalo na kay Sir Dan! Sa inyo, s'yempre.. Tapos sa ibang grade level, tapos gano'n lang gagawin niya? Aaminin kong hindi ako matino'ng lalaki, mababa grades ko, pero kung tutuusin.. alagang-alaga ko siya. Ni hindi ko nagawang mambabae. Nagagandahan ako sa mga babae dahil totoo namang maganda sila. Pero sobra naman yata yung ipagpalit mo ako--sa pangit pa."

Nagsiiwasan ng tingin ang magbabarkada nang marinig na ang pagpiyok ng boses ng lalaki. Kumislap na din ang mga mata nito dahil sa namumuong luha.

"G-gago, par.. ang sakit.." nanginginig na ang boses na sabi ng lalaki saka siya napatungo at napatitig sa bag na kinukutkot ng mga kuko niya. Gusto niyang pigilin ang luha niya sa pagtulo pero yung bigat na kanina ay mahina lamang ay lumakas na kaya naging dahilan iyon para magsabay ang pagtulo ng butil galing sa mga luha niya.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now