16

28 2 0
                                    

. . .










Pabuntong-hininga na naghilamos ng mukha si Nella gamit ang mga palad saka siya napasabunot sa buhok niyang magulo na dahil kanina niya pa sinasabunutan ang sarili. Paraan kasi iyon para hindi siya lamunin ng antok.. Sa sobrang daming problema, asikasuhin, at iyong pagkakasakit ng kapatid niya ay halos hindi na siya nakatulog kagabi.. Pakiramdam niya ay maagang mamumuti ang mga buhok niya.

Nakapikit niyang tinanggal ang tali ng buhok dahil naramdaman niya ang pangingirot ng noo niya.. Hahayaan niya munang maging malaya ang mahaba niyang buhok para makahinga din siya. Katulad kasi ng pagsakal ng tali sa buhok niya ay siya ding pagsakal sa dibdib niya kaya hirap siyang huminga..

Buti na nga lang ay ang ibang inatas sakaniya ng punong-guro nila ay tapos na niya kaya magkakaroon siya nang kahit papaano na pahinga.. Iniisip niya din na bibilis lang din naman ang oras at makakapagpahinga na talaga siya kahit isang araw dahil araw na ng Biyernes..

Ilang oras siyang nanatili sa SC Office para magkaroon ng kapayapaan sa sarili na maswerte naman niyang natyempuhan. Saglit na nanahimik ang kapaligiran niya na matagal na niyang minimithi. Iyon nalang kasi ang ginawa niyang pagtakas sa lahat ng sakit sa ulo na mga bagay-bagay.

Nang ma-satisfied na siya ay sinuot na lang niya ang specs niyang kulay grey at sinuklay ang buhok niya patalikod bago lumabas ng opisina.. Wala siyang nakasalubong na mga estudyante sa bawat hallways dahil class hours sa oras na iyon at kaya din siya lumabas ay dahil dederetso na siya sa classroom nila para um-attend ng klase.

"Come in.." utos ng guro niya sa MAPEH nung apat na beses siyang kumatok. Binuksan niya naman ang pintuan at hindi pinansin ang mga titig sakaniya ng mga kaklase niya saka dere-deretso na umupo sa upuan niya. "Ikaw pala, Nella.. Ano? Kamusta??"

"Ayos lang naman po, Sir Dan.. Sorry po kung medyo na-late na ako."

"Ayos lang, ano ka ba! Alam ko namang busy ka.."

Ngumiti ng tipid si Nella at nilabas ang kuwaderno niya sa asignatura na iyon at agad kinopya ang mga nakasulat sa white board. Sigurado naman siyang ilang minuto niya lang iyon na matatapos..

"Parang kagigising lang ni Nella, 'no? Sa tingin mo, natulog 'yan??" tanong ni Jay kila Karl na tumango-tango.. "Panigurado, 'no?"

"Oum.. Pero hayaan mo na.. pagod siya, eh. Sunod-sunod ba naman kasi yung mga issue natin."

"'Yanga, eh.. Ayaw din kasing magpapigil nung mga nagsalita sa gc. Pataasan lang sila ng pride."

"Pala-patol kasi sila masyado, par.." singit ni June habang lagat ang takip ng ballpen niya, katabi niya si James na nakapalumbaba lang habang nakatitig kay Nella.. "Kung hindi din ini-send ni Balbero yun, edi sana hindi nagkagulo.."

"Loko-loko din kasi si Tukmol, eh.. Halatang naghahanap ng away.. Aalis na lang siya, gagawa pa ng mga issues. 'Di ba, lilipat na ng ibang lugar 'yan?"

"Oo. Sabi niya sa New Zealand sila."

"Kita mo? Kapag kasi aalis na, umalis lang ng tahimik.. Hindi yung gagawa ng gulo."

Hindi na nagsalita pa sila June, Karl, at Leon sa pagiging pikon ni Jay. Hindi maganda ang ekspresyon nito at bibihira lang nilang makita itong seryoso. At kapag gano'n ang ekspresyon nito, dapat na silang tumahimik dahil iba ito kung bumulusok.

Matapos ang klase nila ay tumunog na ang bell, senyales na Lunch Break na nila kaya nagsibabaan na ang iilan nilang kaklase para tumambay, bumili ng makakain, at magpacute sa ibang grade level. Sila James naman ay gano'n din, bibili sila ng pagkain sa kantina at kakain doon.

Usually, ang mga estudyante ay sa kantina talaga kumakain.. pero may iilan ding kumakain mismo sa classroom nila. Mas gusto nilang mag-isa na kumain kasi makidalo sa magulo at maingay na kapaligiran.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now