05

22 2 0
                                    

. . .










Group chat: (Pogi kami)

Karlbroombroom: hoy @strawberryjames ?? bakit wala ka pa dito sa entrance? sabi mo 7:15 palang nandito na dapat ??

Strawberryjames: gago, wait lang kita na nga kita oh

Karlbroombroom: ayun.. ! dalian mo ah!

Agad pinatay ni James ang cellphone nang huminto na ang sasakyan saka siya bumaba't sinuot ang bag sa isang balikat. Bumungad sakaniya sa entrance ay si Karl kasama ang security guard na nakaantabay doon.

"Akina po 'yang mga cellphone niyo, at magpakapkap na." utos nito kaya dali-dali nilang ini-surrender ang mga cellphones saka nagpakapkap sa mga COCC's.

Hindi sila katulad ng ibang malalaking school na pinapayagang magpasok ng mga cellphones or gadgets, kailangan nilang i-surrender ang lahat upang makapagfocus lamang sila sa pag-aaral. May ibang estudyante kasing mahirap sabihan na 'wag munang gamitin ang mga gadgets sa twing may klase pa kaya kailangan nilang maging mahigit doon.

Noong nakaraang taon ay pinapayagan pa sila pero dahil pinili ng punong guro si Camero as President of school ay naging mahigpit na ang kalakaran sa eskwelahan. Ngunit ang pagiging mahigpit nito ay hindi nakakasakal ng sobra. Ang ipinagbabawal lang nito ay magdala ng cellphone o gumamit ng cellphone pagdating sa klase. Ang mga CCTV footages ay bantay ng mga security guards at guidance officers. Ang mga janitor and janitress ay kailangang every 5 hour naglilinis upang mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran, especially sa mga outdoor places sa SVS.

Kada daan ng mga estudyante sa bawat sulok ng lugar ay may mga trash bins doon para hindi nila makalimutan ang magtapon sa tamang barusahan, gano'n ang ginawang kalakalan ni Nella Camero. Ang dating hindi ganoon kaayos na kalakalan sa eskwelahan ay naging maaliwalas dahil sa pamumuno ng dalaga.

"Namamaga padin 'yang mata mo, James. Buti hindi ka nahalata nila Tita?"

"Si Mommy nahalata ako. Si Daddy, muntikan na.. Kaya deretso takbo ako sa kwarto ko nung magkasalubong kami, eh.."

"Takot pala, eh.."

"Gago, hindi! Sabihin nun, ang duwag ko't umiiyak ako sa babae.. tsh. Bawal bang umiyak sa babae? Babae lang pwedeng umiyak sa kalalakihan?"

"Wow, nice mindset. Apir ka sa'kin, Parekoy.." maloko nitong ani at inangat ang palad na siyang tinapikan din niya ng palad. Pagpasok nila sa silid ay marami nang mga kaklase niya doon.

"Oy, lodicakes! Yun oh! Akala mo nagpuyat ng magdamag, ang pula ng mga mata mo!" pang-aasar nila Jay na siyang tinawanan lang naman ni James at umupo na sa upuan.

Nung nasulyapan niya si Brena ay tahimik lang itong nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan na tila wala itong pakielam sa presensya niya. Kung noon ay palagi siyang sinasalubong nito o 'di kaya'y tinatabihan, ngayon ay sad'yang iniiwasan na lang siya nito na tila wala silang pinagsamahan.

Saktong alas-otso ay nagring na ang bell senyales na wala na dapat na matatagpuan na estudyante sa bawat corridor, kailangan lahat na ay nasa loob ng room pwera na lang doom sa nag-banyo o kaya'y bumili ng pagkain for breakfast.

"Good morning, mga demonyo kong junakis!" bati ng adviser nila, hawak nito ang libro ng Mathematics saka nito binuksan ang kurtina ng bintana nilang nakasarado dahil bukas ang air conditioner. "Kamusta ang mga buhay natin? Huh? Panay kayo gala! Kaya pinapagalitan ni Sir Jordan!"

"Luh, Sir! Pinagalitan ka !?"

"S'yempre joke lang.. Uy, James."

"Sir?"

High School SweetheartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora